maja salvador

dalawang pasok na lang at magiging midnight shift na ‘ko. tuwing dumadaan ako sa pang 2 to 10 pakiramdam ko bugbog sarado ako lagi, naluluto, at nauupos. pag pang alas diyes ang labas mo at pasado alas onse ka na nakakarating sa inyo pahirapan ng maghanap ng kainuman nu’n na matino tino pa at available pa. madalas magisa lang akong nagiinom sa bahay, walag kausap at walang kasama. sa loob ng isang buwan nung sabado lang ako nakalabas talaga para gumimik.
mas mabuti pa pag pang midnight ka dahil sa huling araw ng pasok mo, pwede kang umidlip hanggang hapon at maghanap ng kainuman pagdating ng gabi, walang hang over na poproblemahin dahil kinabukasan pa naman ng gabi ang pasok mo. minsan naiisip ko na eto ang drawback ng malaking sweldo namin dito, wala ka ng panahon para bilhin ang gusto mo, puro ka pabili na lang. madalas sa internet o sa tv ka na lang makakakita ng mga bagay na magugustuhan mo tapos tinatandaan mo na lang ‘yung model at itsura tsaka mo sasabihin sa nanay o sa asawa mo na “pag nagpunta kayo sa mall, bili mo naman ako ng ganito, na may ganito, ‘yung walang ganun, bili mo ‘ko kung ilan ang kakasya d’yan sa pera ko”.
pag lumipas ang isang linggo at dinaanan ang rest day ko ng hindi man lang ako nakakainom dun ko napapansin na napapadalas ang away namin ni mrs. cabron. mainit ang ulo ko pag ganun ang nangyayari, ayokong inuutus utusan ako pagdating ko sa bahay, lalo na ayokong ayoko ng mga pabor na may kinalaman sa computer.. taena anim na araw na akong nakaharap sa computer, nanghuhula ng solusyon at nangangapa ng problema, ang gusto ko pag rest day ko hayaan n’yo naman akong maupo, humarap sa computer.. magbrowse at maglibang. at pag sinabi kong maglibang kasama na dun ang paminsan minsang abnormal na bilis ng pagkukuyakoy at alistong mga mata at daliri habang nagba browse ng mga websites na gusto ko ako lang ang nakakakita.

ang tawag ko sa shift na 2 – 10, oras na sangla kaluluwa. wala kang panahon sa lahat lahat, at uuwi ka para matulog lang at gigising para pumasok. pag dayoff mo, pumunta ka sa mall pag labas mo gabi na, obligado ka na namang matulog para paikutin ang cycle ng pang araw araw na buhay mo.
pero naiisip ko na napakaswerte ko na sa trabahong ‘to. nasa tabi ko ang pinaka mababait na boss na p’wedeng ibigay sa’yo ng tadhana, nasa harap ko na rin ang bisor na medyo lumalagpas sa normal pero madali din naman kausap at sa mga ilang importanteng bagay e handa namang mag adjust para sayo. at syempre ang dalawa kong kasamahan na kahit madalas e parang nagiging commercial model sila (endorser) puro maayos namang kausap at madadali namang hingian ng pabor.
kailangan kong magtrabaho, tanggap ko ng tapos na ang mga araw na gumigising ako para lang matulog ulit maya maya, o tumambay at makipag away para pampalipas oras. may asawa at anak na ‘ko at tinatanggap ko ng katulad ng mga makina sa pabrika, eto na ang buhay ko.
at bilang tao, obligasyon kong banatin ang buto ko para sa pamilya ko, at hasain ang utak ko para sa sarili ko. at masaya ako na sa halos araw araw na pumapasok ako, araw araw din na..
maja
nadadaanan ko ang walastik sa kaseksihang billboard ni maja salvador na nakalabas ang konting cleavage at litaw ang tiyan at pusod, at talaga naman na halos mabali na ang leeg ko kakahabol ng paningin para lang umukit sa utak ko hanggang pag uwi ang walastik sa kaseksihan na ‘yan! at talaga namang dyusko kinukumpleto ng hayop na billboard na ‘yan ang araw ko.

maraming salamat, naik’wento lang naman.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “maja salvador”

  1. maxadong star studded ang blog mo ngaun ha.

    last tym c rhian ramos, ngaun naman, maja salvador😀
    at buti na lang bilbord ni maja at di ni dingdong dantes ang kumukumple2 sa araw mo😀

    ==
    ewan ko ba, dingdong dantes ampft!!

  2. haha!kinunan pa talaga ng picture.ganyang-ganyan din ako!sakto taga sucat din kaya nakikita ko rin mga nakikita mo sa byahe.kaya lang mas marami ka sigurong iba pang nakikita kesa sakin.midnight shift din kais call center.relate ako,relate….hehe

    ==
    next week midning shift na ko… ahhhhm inom tayo? ayaw? k.

  3. nagkukuwento tungkol sa obligasyon sa pamilya tapos biglang nag-iba ang ihip ng kwento! hahahaha! hanep sa pagkakakambiyo ah. ang bilis! meron ding ganyan sa may bocaue exit sa NLEX, napapatitig din ako at napapamenor ng takbo. hek hek hek.

  4. ang biyenan ko pag nakikita si maja, tuwang tuwa at napakabait na bata raw. they used to shoot beside their house eh. nung spirits days nya. wala daw ka ere-ere. pero neneng-nene pa sya nun. i like her also. pero yung kay dingdong, nasusuka ako. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s