mahirap na version ni rhian ramos

rhian nabubuwisit akong nakasakay sa jeep na pabyaheng opisina nung sabado, kakababa ko lang sa bus na mainit at pinamamahalaan ng kunduktor at drayber na hayuk na hayok kumita ng malaki at walang pakialam sa mga pasahero nilang male late na sa mga pupuntahan.
dagdag inis pa na yung earfone na kakabili ko lang para sa mp3 player ko, hindi na gumagana yung kaliwa, paksyet naman!
nakayuko akong kinakalikot yung saksakan at pakiramdam ko e parang may naputol sa loob ng kable kaya may pag ikot ako na gumagana s’ya, tsumatsamba. nang biglang tumigil ang jeep na sinasakyan ko at pumasok ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagpatigil sandali ng mundo ko, isang babaeng nakadilaw. at ni sa panaginip hindi ko naisip na ganun katindi ang magiging epekto sa akin ng kulay na iyon, natulala ako at otomatikong naglakbay ang utak ko sa mga posibilidad na puweng mangyari.
at nagtama ang tingin namin ng kasama n’ya, at doon na naguluhan ang puso ko.. sa unang tingin para lang silang magkapatid o magkaibigan na may medyo malaking agwat ng idad pero sa ilang kilos nila natiyak ko na mag ina sila.
saglit kong tinimbang kung kanino ako papanig kung sakaling mag away sila dahil sa akin, at walang duda. nalito lang ako ng saglit pero ang anak ang napili ko. tinitigan ko s’ya ng mabuti at pinipilit hulihin ng mga mata kong otomatik na pumungay ang mga mata n’yang maiilap at tagusan kung tumingin sa akin. pinagmasdan ko s’ya at naisip kong may kamukha s’yang artista, kamukha n’ya si rhian ramos. mukha s’yang mahirap na version. siguro dala na rin ng mga peklat n’ya sa braso at likuran at ng pedicure n’ya sa hinliliit n’yang dumudungaw sa sandals n’yang medyo namumuti sa alikabok at maliit ng konti sa kanya. pero ganun pa man hindi kayang itago nun ang natural n’yang ganda. ang gandang inosente at para lang sa akin. at mamaya sigurado ako ang pangatlong araw na muli nanaman akong wala sa oras na magigising mula sa pagtulog, hahagilapin ng kamay ko ang celfone ko para makita at mahalikan ang larawan n’yang nakatalikod. hindi ko alam kung kelan ko ulit sila makakasakay sa jeep, at hindi ako sigurado kung hanggang kailan n’ya patitigilin ang mundo ko, at hanggang kailan n’ya istorbohin ang paliligo ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “mahirap na version ni rhian ramos”

  1. haha! bihira mangyari ang ganyang oportunidad..amp nalito ka pa kung sino sa kanila type mo natural dun ka sa mas bata…sayang nga lang at likod lang ang nakuhanan mo. pero naniniwala naman ako na may hawig nga sya kay rhian ramos..pwede pwede! lols!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s