pagbabalik ng sumpa

mula paguwi ko nung sabado ng gabi para sa huling araw ng pasok ko bago ako mag rest day, alas siyete na ako nakaahon sa inuman, inumpisahan namin sa isang sikat na tambayan sa alabang at tinapos namin sa pag gegate crash sa isang lamayan na hindi ko kaclose ang may patay at hindi ko kilala kung sino ang patay. hindi naman kami nalasing at may mga pera pa naman kami pero sa ganung oras na nagkakaturuan na kung sino ang tatayo para bumili, at malamang parusa sa kung sino man ang bibigay sa kantyaw para tumayo at magbanat ng buto para umigib ng alak. at bukod dun, hindi man kami nagkikibuan pero alam kong nababahuan na kami sa isa’t isa.
may nadaanan akong isang carwash na may nagbebenta ng almusal nung pauwi na ‘ko. bumili ako ng tatlong supot na spageti, kinain ko ang dalawa sa bahay at iniwan ko ang isa bago ako natulog. nagising si mrs. cabron pag higa ko sa kama at nagkabati na kami. .. walang nangyaring anuhan. nangako s’yang magbabago na at nangako akong sasamahan silang mag grocery pagkagising ko ng hapon.
may isang sumpa ang alak kinabukasan bukod pa sa sakit ng ulo na dala ng hangover, ang pagtatae. at matapos kong makumbinsi ang sarili ko na wala ng natitirang sumpa sa pagkatao ko, ipinagpasya ko ng umuna sa kanila sa mall. bukod sa magpapagupit pa kse ako, umiwas na’ko sa away dahil alam kong magiinit na naman ang ulo ko pag nainip ako dahil sa parang magsasagala sa reyna elena sa tagal na pagbibihis ng asawa ko.. at ng anak ko.
pag dating ko dun, parehong may ginugupitan ‘yung option A at option B kong barbero, labas muna ko saglit at nagplanong magbasa basa ng libro sa book store, pero masyadong maginaw ang napwestuhan ko sa power books, at masamang kumbinasyon ang pagtatae at ginaw.. pero ramdam kong kaya ko pa ang laban, lumabas ako ng book store at bumalik sa barber shop, di pa rin sila tapos. labas ulit ako at ewan ko kung anong katangahan ang pumasok sa kukote ko pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa tapat ng isang stall na nagtitinda ng fruit shake, umoorder ng water melon shake at umo oo sa tanong ng tindero kung lalagyan daw ba ng gatas. pagtatae + ginaw + gatas = FTW!
habang nakatambay at nagdadasal ako sa isang upuan at nililibang ang sarili ko sa mga nagdadaang babae, nakareceive ako ng text, bakante na ang isa sa barbero ko. tinantya ko muna ang sarili ko, sa tingin ko kaya pa naman.. idadaan ko na lang sa muscle control ang laban. .. nagupitan ako, halos fifteen minutes na minasahe, sinuklayan, at binola tungkol sa katawan ko, at sa wakas natapos na ang sesyon ko sa barbero, at ilang minuto pa nagtext na sila mrs. cabron at magkakasama na naming binabagtas ang kahabaan ng mall. habang hindi pa rin ako bumibigay sa pagma muscle control.
konting ikot pa at nagugutom na raw ang anak namin, sabi ko ayokong kumain dahil kanina pa masakit ang tiyan ko, sige daw basta sumama na lang ako at mag iced tea kung gusto ko. ok walang problema.. sumama ako at ibinigay ng walang kalaban laban ang isa sa malaking pagkakamaling desisyon ko pa sa mga oras na ‘yun.. natakam ako sa inorder ni mrs. cabron na macaroni and cheese na side dish. pagtatae + ginaw + gatas = FTW + cheese = disaster!
at ang masama pa nu’n bumigay ako sa alok ng isang mabuting asawang si mrs. cabron na “bakit di ka pa umorder mukha kang tanga d’yan baka sabihin ng mga tao short ang pera natin kaya nakiki tikim ka lang sa side dish namin

pumila ako sa counter at umorder ng sa tingin ko ay magbabangon sa moral kong inakusahan daw ng mga tao na amang na short sa pera at nakikitikim lang ng side dish ng pamilya n’ya! .
para akong isang amang gutom na gutom dahil galing sa pagsasaka sa isang mainit na bukirin, para akong isang mandirigma na kinakailangang kumain ng marami bago ako sumakay sa kabayo at makipagdigmaan, at para akong isang baboy na pinakain at binusog para isalang sa apoy.. dahil ilang minuto matapos kong lunukin ang huling kutsara ng pagkain sa plato ko, kumulo ulit ang tiyan ko at nararamdaman kong iyon na ang huling warning n’ya para sa akin.
ito ang isang bagay na hahangaan mo kay mrs. cabron, sa tingin ko pa lang sa mga mata n’ya alam n’ya na agad pagnatatae ako, “sus! ayan ka na naman, lagi mo kseng iniisip” “sus! sa isip mo lang ‘yan!” .. iyan din ang ayaw ko sa kanya, madalas mas marunong pa s’ya sa puwet ng may puwet.
kung pupwede lang sana na ilusot ko ang kamay ko sa pantalon ko, umiri ng isang beses at ilabas ang kamay kong may bahid ng katotohanan kay mrs. cabron, ginawa ko na. pero hindi pwede dahil papano kung non-stop ang sitwasyon ko? yari na. .. nasira ang lakad namin ng dahil sa sumpa,
pagtatae + ginaw + gatas = FTW + cheese = disaster + busog = TIME BOMB!
humihingi ako ng pasensya at pang unawa na lumayo sa kanila, ramdam ko ang disapointment sa mga mata ng anak ko at ang minus 5 points na respeto sa akin ni mrs. cabron, pero wala akong magagawa kundi iwanan na lang sila ng tatlong bagay, ang assurance na susunduin ko sila sa may kalsada sa tapat namin para magbitbit ng mga pinamili nila, at isang hanging nakakasulasok na konti na lang e pwede ng maging lason, ambaho at bumabara sa lalamunan. at ang pangatlong iniwan ko sa kanila, ang kahihiyan galing sa mga taong obligadong makihati sa amoy at nagkaron ng pambihirang talas ng isip para mabuking na ang mamang kani kanina lang kausap ni mrs. cabron at matuling tumatalilis palayo, ang utak ng krimen.
todo ang hirap sumabay sa mabagal na byahe habang parang may time bomb na nakapasok sa loob ng katawan mo, at dahil hindi na naman bago sa akin ang mga eksenang ito. nalabanan ko naman ang pagsubok.
at bukod sa boxer shorts, cargong short at birkenstock na tsinelas ko.. wala namang ibang napinsala sa naganap na pagsabog ng bomba.. ilang sandali matapos ang may apat na beses ko yatang palpak na pagpapasok ng putarages na susi sa putarages na lock ng pinto namin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “pagbabalik ng sumpa”

  1. sa totoo lang, para kang si kengkoy. ahahahaha. ganyan din ang drama nyan kapag inaabot ano. pati kamo ako natataranta. pero si kengkoy takbo agad yan sa pinakamalapit na restaurant at dun bibigay kasi hindi na yan makakauwi pa ng bahay ng walang lumalabas. si kengkay naman, girl scout, kapag lumalabas kami; ang una kong hinahanap sa lugar e yung toilet kasi alam ko ang pangangailangan ng asawa ko e😀

    nga pala, alam mo ba jon, hindi mo pinapalitan yung link dun sa comments mo ng bago mong dotcom kaya dun pa rin napupunta yung iba e. ako napalitan ko na pero kanina i clicked yung comment mo sa blog ko at dun ako napunta sa dalawang raypists!

  2. bat di mo subukan umire sa private lounge ng mga mall, or sa mga hotel man lang.. malilinis ang CR dun.. or namamahay ang pwet mo? ako kasi dati namamahay.. pero nung dumating sa buhay ko na mas uunahin ko ang comfort vs pogi points … (tulad nung nasa china ako).. walang pili pili…strike anywhere.. dito ko na appreciate ang CR ng rest of the world VS china.. dahil nung nag LBM ako sa china, parang ka naring tumama sa lotto kung makakakita ka ng CR na hindi ganito.. parang firing squat ang parusa!

  3. @ kengkay
    nyay! uu nga nakalimutan ko :blush:

    @ def
    mahirap ihanap ng pwesto ang wet and wild.

    @ lyzius
    medyo ambaboy pakinggan, pero tama ka.

    @ anon
    .. pero inom ang buhay ko.

    @ rj
    tama! kung saktong nagunaw nga ang mundo sa mga oras na yun panigurado diretso akong langit sa dami ng naidasal ko nung mga oras na yun.

    @ ms pryss
    regular akong umiinom ng kremil S at imodium dito sa opisina, at minsan pakiramdam ko tumataas na ang dosage ko.

    @ ms chio
    unga! marurunong pa e! :nod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s