babae

sobrang bad trip ako kagabi, ilang minuto bago pumatak ang oras ng uwian ko, para akong sugat na nakabuka at naka expose sa lahat ng stress ng buhay. pakiramdam ko kinokombo ako ng asawa kong nagpaalam na may pupuntahang bridal shower pero ang usapan ala siyete nasa bahay na s’ya, maga alas diyes na wala pa, at wala ding text o pasabi na male late s’ya ng uwi, at wala ring sumasagot sa fone nya. meron din akong kachat na may mga tanong na kinakailangan kong sagutin ng mga matatalinong sagot, pero hindi ako makapagisip ng maayos dahil nasa labas ng opisina ang utak ko at pangalawa ginugulo ang isip ko ng bisor kong may kausap ng malakas sa telepono at nagmumura..
nagdidilim na ‘yung paningin ko, matagal na panahon na nung huli kong naramdaman ‘yung ganung pakiramdam na nanlalamig ang mga kamay ko sa galit at nagiinit ang batok ko sa inis, pakiramdam ko kailangan kong mahanginan, mausukan, libangin ang utak ko.. o magwala. pinili ko ang magyosi sa labas dahil naisip ko na wala akong karapatang magwala at makipag away sa labas dahil sa dalawang dahilan, una dahil wala ako sa lugar namin at kagaguhan na dumayo pa ko dito para lang makipag bugbugan, pangalawa, hello? kakagaling lang ng ilong ko.
hindi ko alam kung hassle ba o advantage pa na kinakailangan kong bumyahe ng kulang isang oras bago makauwi, hassle ba dahil excited na kong makauwi at maghanda sa pagpapaulan ng masasakit na salita kay mrs. cabron o advantage dahil makakatulong ‘yun para lumamig ako. nakakabuwisit ‘yung tawag ka ng tawag sa celfone na hindi sinasagot, kaya nga walang kable ‘yan para bitbitin mo kahit saan ka magpunta. hindi ko tuloy alam kung magaalala ba ‘ko o magagalit, iniisip kong sa text pa lang paulanan na s’ya ng mga matutulis na mura, pero naisip ko naman na papa’no kung may nangyari na pala sa kanya at nasa mga pulis ang celfone n’ya, baka pag nadyaryo e lumabas pa akong isang masamang asawa.
dumating s’ya at natulog ng hindi ko pinansin, minsan naniniwala ako na mas epektib ang ganun kesa sa pumutak ako at magkaro’n s’ya ng chance para makapag paliwanag pa. mas mabigat sa dibdib ang ganito, at hindi ako papayag na ganun ganun lang, gigimik ako mamaya ng walang pasabi at kung may makilala man akong tsiks sa pupuntahan ko, malasing kami, mag anuhan.. mabuo iyon at maging tatay ako sa isang batang ni hindi ko alam ang apelido ng nanay n’ya.. p’wes, wala akong pakialam.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “babae”

  1. si mrs. cabron talaga o?! pinapainit ang ulo ni mr. cabron. sana nagpasaload ka. gawain yan ng asawa ko pag di ako nagrereply eh.

    kung ako yan baka umiiyak na ako habang nagso-sorry…ang takot ko lang sayo. ang maganda nyan, pag-bati na kayo…kiss and make up na😀 yiheeee!

  2. i doubt ba ginawa mo yung huling plano mo ang mag inom at maka isang nakatayong gabi sa isang chiching na lumalaklak rin sa bar…

    baka nga naman walang load tas nakasilent o kaya naman sobrang ingay sa lugar nila at hindi nya marinig ang tawag mo…

  3. cguro may macho dancer sa bridal shower at busy si mrs. cabron na nakikikutingting.hekhek

    ==
    bwhahahah ang intelihente naman ng comment mo.. at ewan ko pero parang gusto kitang suntukin sa sintido sa mga oras na ‘to.

  4. ayan ka na naman sa padalos-dalos na desisyon…di mo nga alam kung ano totoo nangyari eh…kulang ka lang sa himas😈

    ==
    ewan ko ba pero nung nabasa ko yung salitang “himas” parang gumanda na ang pakiramdam ko, salamas!

  5. ay. ang cute. now you know how your wife feels kapag nagpaalam ka na may pupuntahan ka at umuwi ka ng lampas sa oras ng uwing sinabi mo (ahm, ginagawa mo nga ba yun o good boy ka na pag sinabing alas dose ang uwi eh talagang alas dose nasa bahay ka na? — nakakaduda, hehe).
    mas effective ang silent treatment. ginaganyan din ako ni mr. antuken ko. mas kaka-guilty. although, most of the time deadma lang din ako kse mas matigas ang ulo ko sa kanya. hehe.

    ==
    pag ako ang umalis, walang oras oras. bakit? dahil lalaki ako at babae lang sya.
    at hindi ako papayag na mas matigas ang ulo nya sa akin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s