amoy kendi

habang nasa ibang department ako kanina at nagkakalikot ng pc, katabi ko ang isa sa pangalawang first love ko dito sa opisina. ang unang impression ko sa kanya, probinsyana at nene. pero nitong mga huling araw kumakagat na s’ya sa mga birong teknikal ko. andyan na sinabihan ko s’ya ng i love you at binatuhan n’ya ko ng isang matamis na ngiti at umoo s’ya, andyang may iniaabot ako sa kanya at sinadya kong hawakan ang kamay n’ya.. at nung naulit ‘yun, s’ya na mismo ang humawak sa kamay ko, sabay ngiti ng matamis, lahat ng ‘yan at marami pang ulit ng pasundot sundot n’ya sa tagiliran ko tuwing babatuhin ko s’ya ng palipad hangin na sinusuklian naman ng otomatikong pamumula ng mukha ko at paginit ng batok dahil nasasaling n’ya ang bilbil ko.. a n y w a y,
at kanina nga, habang pasinghot singhot akong nagaayos sa may tabi n’ya at ilang pabulong na pasumpa sumpa sa sipon at ubo kong nagpapasakit ng ulo ko, pasundot sundot ang k’wentuhan namin. kinamusta ko s’ya, ok lang daw s’ya. ok lang din daw sila ng boyprend n’ya, at hindi n’ya kinagat ang biro kong iwan n’ya na ‘yun tutal naman matagal na sila. maya maya balik s’ya sa ginagawa n’ya at maya maya rin paalis alis ako dahil kinakailangan kong bumalik sa department namin para mag research, pag ‘di umuubra ang mga plan A at plan B ko sa problema.
nung isang beses na pagbalik ko, meron akong nakabungguang babaeng trainee at sa lakas ng banggaan namin kumalat ang amoy nya sa daan.. amoy kendi! pabangong amoy kendi. bumalik ako sa computer na tinotopak katabi ng probinsyanang nene at ginamit kong pambukas ng usapan ang trainee na nakabangga ko,

walang lingon lingon, pabulong lang habang nakatitig pa rin sa monitor.

JON: walangya yung trainee n’yo amoy kendi!
PROBINSYANANG NENE:
ok nga yun ah?
JON: ngeks’ anong ok dun?
PROBINSYANANG NENE: ok nga yun, para masarap kainin!

pakiramdam ko, tumagos sa tinititigan kong monitor ang mga mata ko, hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas bago ko napwersa ang leeg ko na lumingon sa kanya, para lang salubungin ng matamis n’yang mga ngiti. hindi ko alam kung papa’no n’ya nasabi ‘yun, hindi ko alam kung papa’no ako magrereact.. dahil hindi ko alam kung nagbibiro ba s’ya, .. at higit sa lahat hindi ko alam kung papa’no ako tatayo at makakalakad ng maayos pagkatapos n’un.
ilang sandali pa ang lumipas, may nagpasok ng mga pagkain sa opisina nila, meron daw handaan’ tinanong ko s’ya kung kanino galing, sabi n’ya sa kanya daw dahil bertdey nya. at parang hindi pa sapat ang pamimilipit ko sa kinauupuan ko at ang madalas na pagkukuyakoy ng paa kong nakadekwatro dahil tinanong n’ya ko..

PROBINSYANANG NENE: birthday ko nga! wala ka bang regalo sa akin?
JON: ahhhhm meron..
PROBINSYANANG NENE: talaga ha? akina!
JON: eh sa ibang araw na lang.. saka na’
PROBINSYANANG NENE: <sa mapungay na mata at matamis na ngiti> ano ba ‘yung regalo mo sa’kin?
JON: <sa mapungay na mata at boses na malalim> basta secret.. at amoy kendi! <sabay kindat at kagat ng labi>

.. tawa s’ya ng tawa at sinuntok n’ya ko sa balikat, na muntik ng ikabali ng leeg ko. pero masaya akong bumalik sa department namin, dahil natapos ko ng maayos ang trabaho ko.. ginawa kong office 2000 ‘yung office 97 na ayaw gumana.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “amoy kendi”

  1. hahahaha! daming amoy-kendi na condom ngayon. ano kaya ang pipiliin mo sa mga yun?😀

    ==
    wala, bakit? dahil amoy kendi na ‘to, ibig sabihin masarap kainin.
    ok, joke lang .. ang totoo amoy carpet na basa ‘to.😦

  2. waaaa! nakikinita ko ngayon yung IT namin na mag-aayos ng pc sa lilipatan kong departamento! hahaha!
    o well, kung alam mo lang lang itsura ng IT namin tapos aayusin niya ang pc ko, tapos nasa tabi ako na maiksi ang skirt na uniporme at nagpapa-cute ako. magmumukha siguro akong baliw. pero infairness saIT namin magaling din siya.😆
    eniway, ang landi mo jon. pero if i know, si nene pinakilig mo ng husto lol.

  3. katabi ko ang isa sa pangalawang first love ko

    ilang beses ba na-fi-first love ang isang jon cabron? tsaka siguro naman sa tagal nyong nagpa-cute-an sana di mo sya nakalimutang batiin ng happy birthday.😀

  4. Banana (04:39:31) :

    waaaa! nakikinita ko ngayon yung IT namin na mag-aayos ng pc sa lilipatan kong departamento! hahaha!
    o well, kung alam mo lang lang itsura ng IT namin tapos aayusin niya ang pc ko, tapos nasa tabi ako na maiksi ang skirt na uniporme at nagpapa-cute ako. magmumukha siguro akong baliw. pero infairness saIT namin magaling din siya.😆
    eniway, ang landi mo jon. pero if i know, si nene pinakilig mo ng husto lol.

    break na talaga tayo!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s