wrong timing

hindi ko ipinoste ‘to para magyabang, para lang ‘to sa ibang baka nagiisip na wala akong mai entry sa blog ko, kaya bumili ako ng atsuete o ketsup, nilagyan ko ng tubig at ibinuhos ko sa polo ko.
at isa pa, kung magyayabang ako ang ipapanguwento ko siguro ‘yung kung pa’nong pinuksa ko ang anim na lasing sa pamamagitan lang ng suntok ng mala bakal kong kanang kamao, habang may hawak akong chichirya sa kaliwa kong kamay. ng nakahubad ako. at hindi ang kung papa’nong binasag ng kung sinong hindi sikat ang ilong ko.
tinitimbang ko ang mga pangyayari, nabubuwisit ako na bakit kung kelan na may trabaho ako, kung kelan inaayos ko ang buhay ko at ang pamilya ko, tsaka pa naglalabasan ‘tong mga gagong ‘to. bakit hindi dati nung iniwan ako ng asawa ko at kinakailangan ko pang lumabas ng kalsada para maghanap ng away, at wala namang pumapatol sakin. minsan sumasagi din sa isip ko na magresign na lang sa trabaho at makipag siraan na lang ng buhay sa mga gagong ‘to, pero may asawa at anak ako, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. kung pwede lang sana na mag padala ako ng sulat sa mga kaaway ko tapos sasabihin ko sa kanila na kung pwedeng sa dayoff ko lang kami magaaway.. sa ordinaryong araw na magkikita kami, di kami magpapansinan. pero naisip ko din na pag dayoff ko kalimitan nagmo mall kami, tapos pag medyo sinwerte sexy times pa sa gabi. wala na talagang slot para sa pakikipag digmaan.
isang dahilan pa kung bakit tinawag na mala gubat ang kalye, dahil minsan ikaw ang mamang may hawak na baril na naghahabol ng usa at bukas makalawa, ikaw naman ang usang tumatakbo at nakikipag habulan sa buhay mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “wrong timing”

  1. tama,tama!

    bilog talaga ang mundo,kaya magpakabait ka na lalo na sa kin…kung ngayon hinahabol kita,darating ang araw hahabulin mo rin ako….magmamaka-awa ka at maiiyak,tatawanan kita at sisikaran sa mukha nyahahahaha!!!!

    seryoso,dapat ipa-blotter yan…at baka hindi lang ilong ang ma-damage sa yo…

    ==
    ang naghahabol yung nasa isang tabi ka lang.. hindi yung nakikipag landian ka kay az!!!
    sisikaran? lols

  2. Tama!

    Dapat sa mga yan, tinuturuan din ng leksyon.

    La’mu, naisip ko rin nga yan eh…kung pwedeng mapadalhan naman ng sulat yung mga kaaway naten na kung pwede sa free day na lang sila makipaglaban hehehe…

    Pagaling ka po.

    ==
    salamat aling baby, kung pwede lang talaga isked ang mga kaaway natin, la sanang problema.

  3. hala. katakot naman yan. talagang antagal nagtanim. tama ngang pina-blotter mo na lang. ang kamalas-malasan pa nya, nakilala mo sya.

    kala ko nga nung una, ang sumuntok sayo si ludwig eh, o di kaya mga bataan nya… kse di ba lately lang yung mga banta nya sayo, kaya lang ano naman kaya yun, parang stalker sya di ba…

    eniwei, hope everything’s all good with you…

    ==
    si ludwig? bwahahhahah! watta joke

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s