nosebleed

akala ko tapos na ang lahat. akala ko nagbago na ‘yung buhay ko at ang pakikitungo sa akin ng lahat ng tao. akala ko nalagpasan ko na yung dating buhay ko, at inakala ko na malayu layo na ‘yung nararating ko. pero hindi pala, may mga naiwan pa pala akong gusot na hindi ko pa naaayos at parang magnanakaw lang na naghihintay ng pagkakataon para kumilos. isa na namang mapait na aral ng buhay, mahirap mag ipon ng kaaway dahil ang away, walang expiration date.
nagsimula ang araw ko nung martes na parang walang kakaiba, gumising, kumain, naligo, naghanda para pumasok sa trabaho. sakay ng unahan ng jip pabyaheng alabang, nakasalpak sa magkabilang tenga yung earfone. walang kinse minuto pagkalayo ng jip sa lugar namin.. tumigil sa isang lugar para mag abang ng pasahero, biglang may sumuntok sa akin. sa mukha. lagapak ang mukha ko at sumabog ang dugo sa ilong ko,
hindi tumutulo ang dugo, literal na umaagos. ang mali n’ya lang nakipag titigan pa s’ya sa’kin bago s’ya nanakbo, nakilala ko pa tuloy s’ya. hinabol s’ya nung nakasakay sa likod ng jip na sinasakyan ko, pulis yata. hindi na inabutan. at ngayon ko lang naisip ang isang kaibahan ng ngayon, kung dati nangyari ‘to malamang diretso na ‘ko sa mga barkada ko para magplano ng resbak, pero iba ang ginawa ko. bumaba ako sa jip, tinawagan ang boss ko para magpasabing ‘di ako makakapasok, at tumawag ako sa bahay namin para sabihan sila sa nangyari sa akin. naghintay ng sasakyan ng rescue, ng ambulansya at sumakay sa rescue para hanapin ‘yung bahay nung sumuntok sa akin.
4th year high school ako nun, s’ya ang dahilan kung bakit ako nakick out. nalaman n’yang may waiver ako sa office na isang beses pa akong mapaaway, kick out na ‘ko. pinrovoked n’ya ko, pinatulan ko. at least nung sinuntok ko s’ya nung mga panahon na ‘yun.. binigyan ko s’ya ng pagkakataon na lumaban. pero hindi s’ya lumaban.
twelve years na ang nakakalipas pagkatapos n’un. at eto ngayon.. bente otso na ako, may asawa at walong taon na anak at binubuhay n’ya ulit yung away na ‘yun. tinantya ko ang sarili ko kung kaya ko pa ba. magkahalo ang nararamdaman ko. ayokong pumayag ng matapos ng ganito na lang pero parang napapagod na ako sa habulan at taguan, parang hindi na yata bagay sa akin.
idinadaan ko muna sa tama ang lahat, pag walang nangyari.. tsaka na siguro ako kikilos ng makalumang paraan.

nagpa xray ako at salamat naman na walang baling buto, pero matindi ‘yung pagdurugo talaga at sinabihan ako ng duktor na bawal munang suminga, mangulangot at iwasang mapa hatsing ng malakas, dahil ‘yung mga natuyong dugo daw pag natanggal baka maging sanhi ulit ng pagdurugo.
at isa ‘yun sa kinakapag init ng ulo ko sa taong yun dahil naisip ko na malaking pagtapak sa moral ng isang indibidwal ang pigilan s’yang gawin ang isang napakasarap na libangan at masarap na pampalipas oras
.. ang mangulangot.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “nosebleed”

  1. kakashock naman ung nangyare sau.. tsk.. tsk… grabeh naman ung tao na un parang di marunong lumimot sa nakaraan to think na mga bata pa naman kayo nung nangyare ung away nyo… so anong balak mo ngayon? reresbak ka ba? hope okey ka na ngayon… (hehehe sencia ka na feeling close ako na carries away lang sa kwento mo).. pero un na nga sana okey ka na ngayon….

  2. kakashock naman ung nangyare sau.. tsk.. tsk… grabeh naman ung tao na un parang di marunong lumimot sa nakaraan to think na mga bata pa naman kayo nung nangyare ung away nyo… so anong balak mo ngayon? reresbak ka ba? hope okey ka na ngayon… (hehehe sencia ka na feeling close ako na carried away lang sa kwento mo).. pero un na nga sana okey ka na ngayon….

  3. parang fake yung kulay ng dugo…

    so anong plano natin ngayon?…iyak na lang kaya?

    ==
    ang plano ko, magpapagaling lang ako tapos lalandiin kita gabi gabi hanggang sa mabawi ulit kita kay az.

  4. nakupow! sabi na nga at napaaway si jon. gusto kong sabihin kanina na ketsup lang yan na galing dun sa almusal/hapunan mo nung isang araw, pero korny naman siguro kung pati ketsup na itinapon sayo ni misis cabron, at naiwasan mo kaya napunta sa shirt eh i-blog pa. pero teka seryoso, dagdag ingat bro. yang mga ganyan klase na alitan ang nakakatakot. biruin mo ilan taon na ang nakalipas pero nakuha nya pang gantihan ka. bad blood yan. yan ang tipong pati ang pamilya eh dinadamay, wag naman sana. hindi kailangan rumesbak. hindi kaduwagan ang magwalang kibo. iba na buhay natin ngayon tandaan mo, meron na tayong pamilya na dapat protektahan. pero kung nakakasigurado kang hindi naman madadamay ang pamilya, aba! hanapin na ang lungga nyan!

    ==
    nasa estado pa rin ako na tinitimbang ko ang lahat lahat, pero sigurado babawi ako, hindi rin naman ako mainipin na tao.

  5. dugo pala yun kala ko kung anu ehh..hehe

    eniwei, nakakatakot pa ren yung kwento mu at mukha talagang malaki ang galit sayu ng taong yun, hindi na siya naka-move on kahit pa ilang taon na ang lumipas..

    masarap sana sa pakiramdam ang makaganti, paduguin din ang ilong ng taong yun at bigyan ng flying kick sa balls niya para magtanda..

    kaso walang katapusang resbakan lang ang mangyayare ang masama dun madadamay pa ang hindi dapat madamay, mas nakakatakot pag nagkataon..

  6. hala! dugo pala yun… kung mas makaka pag timpi ka pa , mas okay yun, mejo delikado topak ng mga ganung klase ng tao.. grabe mag tanim, tinubuan na ng lumot ang isyu, di nya nagawang kalimutan…

    isipin mo na lang, may sense ang buhay mo, di xa worth it para makasira sayo..

  7. minsan talaga kahit gusto mo na magbago meron darating na mga kups na kagaya nyan..doble ingat ka na pre may pamilya ka na ngyon. ipa-blotter mo na lang. di na ubra ang resbak sa ngyon kasi baka sa susunod hindi lang bugbugan ang mangyari baka may kasama na kutsilyo, icepick o baril…

  8. wow. if you’re last fight with him was at least a decade ago, then that goes to show that he hasn’t really matured since then. forget hitting him physically. hit him where it hurts. i suppose what he did to you qualifies as a criminal case. (correct me if i’m wrong.) if it was, file a criminal case and send a copy to him and his boss. include a note that says “i forgive you, but this is a criminal case and it’s between the people of the philippines and you now. (smiley face) XXX jc.” file a temporary restraining order as well, just for fun… err for your protection.

    seriously though, i hope you’re doing ok now.

    (p.s. balanguyngoy!!!!!)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s