dear ms. telephone operator,

‘gandang araw, ako ‘yung lalaki sa IT department na dalawang beses ng nagpupunta d’yan sa inyo, una para palitan yung keyboard n’yong nasira ang saksakan dahil sumabit sa paa mo yung kable, at kanina para ayusin ang pagkakasaksak ng mouse ng pc mo na ayaw gumalaw. oo, ako yung maputi at mataba. ako rin yung lagi mong niloloko dahil sinabi mo na ang boses ko ay boses nananakot na kontrabida sa pelikula, kaya sa tuwing magsasalita ako, nagtatawanan kayong lahat. pero walang kinalaman d’yan ang mensahe ng sulat kong ito. gusto ko lang sanang sabihin sayo na kung pupwede lang iwasan mo namang makipag titigan sakin ng halos dalawampung segundo ng mata sa mata dahil may asawa na akong tao at nagpupumilit akong magpakatatag na labanan ang tukso pero tanggap kong tao lang ako at maaaring makipaglaro, bumigay, at magkasala.
hindi nakaligtas sa mata ko ang ginagawa mo kanina habang inaayos ko ang pc mo, pinaglalaruan mo ang isang tali na parang sintas ng sapatos at itinatali tali mo sa kaliwang kamay mo at natutuwa kang pagmasdan ang mga bakat ng tali na naiiwan pagkakalas mo ng tali… BDSM ang tawag d’yan nene, at maaring hindi mo pa alam sa ngayon ang mga bagay na ‘yan, pupwedeng sa iyo ay simpleng trip lang ‘yang ginagawa mo, pero pagdating ng panahon.. ipapaliwanag ko sa’yo ang paggamit ng lubid, ng kadena at ng posas. ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat.
nahihirapan ako sa pakiramdam na sa tuwing manggagaling ako dyan sa department n’yo at hahanapin ka ng mata ko at makikita kong iba ang nakaupo sa upuan mo, parang nakukulangan ako. ayoko rin ng pakiramdam na tulad kanina na para akong highschool na hindi napigilan ang pag ngiti at napasuntok pa sa hangin matapos kong isara ang pinto n’yo ilang minuto bago ako bumitaw sa titigan natin.
ayoko ‘tong nararamdaman ko, ilang taon ka lang ba? bente o bente tres, at ako bente otso na. may asawa at isang anak pa. paano mo ko ipapakilala sa inyo? at saan kita ititira pag nagtanan tayo? ayokong maging masyadong advance sa pagiisip pero gusto kong maging handa, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakatiis na hindi ka kausapin, sabayan sa cafeteria, kunin ang pangalan mo.. at sa maniwala ka man o sa hindi sa mga oras na yun na nakikipag kuwentuhan ka sakin.. unti unti ko ng nahuhuli ang loob mo, at hindi ako magtataka kung sayo na mismo manggagaling na tatanungin mo ang schedule ko, at magpaparamdam ka ng panghihinayang kunyari, dahil hindi pala magkasabay ang off natin, at sino ako para hindi ibigay sa iyo ang salitang inaasahan mo “pero… pwede naman akong mag leave” .
at ayoko ng isipin ang mga pwede pang mangyari, pagkatapos ng usapan natin na yun. at ilang panahon lang ang lilipas matapos ang lahat ng iyon.. magiging mapaghanap ka dahil hindi ka makukuntento sa oras na naibibigay ko sa’yo, hanggang pati ang pamilya ko ay pagselosan mo na.. at dun ms. telephone operator magtatapos ang maliligayang araw ng pakikipag laro mo sa akin ng bawal na pag ibig. pipilitin mo ko, magmamakaawa ka.. pero tapos na tayo at baka pagdating ng mga oras na ‘yun, may iba na akong katitigan at tinetyempuhan na makasabay sa cafeteria at makakwentuhan.
‘wag kang makipag titigan sa’kin kung hindi ka naman handang ibigay ang kabataan mo sa akin. ‘yun ang batas.

nagmamahal,
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “dear ms. telephone operator,”

  1. nakakakilig naman yan.haha!medyo matagal na akong hindi nakakaranas ng mga ganyang sitwasyon,lalo pa ngayon,isa akong binatang ama.pero isang buwan pa lang ang nakakalipas nang mahuli ako ng biyenan kong may babae sa bahay ko.hehe.sir add kita sa blogroll ko ha.di lang talaga ako mahilig magsulat ng blog pero mahilig akong magbasa ng mga blog. feth101.wordpress.com

    ==
    okies’

  2. ? Eyes are Louder Than Words ? lol, matindi ka talaga jon sa titig lang nagkakarelasyon ka kahit short time lang. Malay mo bukas makalawa mapag-aralan niya ang batas mo, siguradong bubuhusan niya ng kape ang keyboard ng PC niya @ it’s BDSM time…..

    ==
    bwahahah! sana nga! BDSM = wraaar!

  3. Ano yung “BDSM time…..”

    “‘wag kang makipag titigan sa’kin kung hindi ka naman handang ibigay ang kabataan mo sa akin. ‘yun ang batas.”

    hahahahaha…

    ==
    sikretong malagkit

  4. haha! batas ng ma-L. inat ka sa mga ganyan. baka pikutin ka pa at baka maging demanding..tama nga ang analisasyon mo. sama ko lima dyan pre! lols!

    parang hayskul nga ang pakiramdam. pero di nga? boses kontrabida? naalala ko tuloy yung boses ni paquito diaz at romy diaz..lols! sino dun?

    ==
    bwahah!
    husky kse ang boses ko at otomatik na pacute pag may chicks, at telephone operator yun kaya malamang sa hindi e may luga na yun dahil sa headset na nakasalpak sa tenga nila otso oras, .. wala silang kredibilidad.

  5. kung andito lang yan.. di na pinaglalagpas yan.. titigan to the max, sabay tanong ‘tigasan ka?’ dahil ako tinitigasan na!

    ==
    pero mahiyain ako at ang pinaka brutal na magagawa ko lang matapos kong makipag titigan sa kanya ay ang magkulong sa server room namin at magsal… sa’

  6. jon: “pero mahiyain ako at ang pinaka brutal na magagawa ko lang matapos kong makipag titigan sa kanya ay ang magkulong sa server room namin at magsal… sa’”

    dito sa server room namin, yung mga cabinet na mga bakal from floor hanggang kisame puno ng kable kable meron pang nakakalat sa sahig. meron pang mga monitor, micros etc. naimagine ko lang kung dun ka “magsal… sa’”…

    ==
    walang imposible, naranasan ko nga sa cafeteria, puno ng taong kumakain, inilaglag ko lang kunyari yung tinidor ko.. tapos yun na.. sal… sa time na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s