mothers day my arse!

kung meron mang matatawag na sayang na selebrasyon sa mundo, walang iba kundi ang mothers day. seryoso, ano ang dapat icelebrate sa pagiging ina? kayo ba ang nagpagod para magkaron ng anak, samantalang ang ginawa nyo lang naman nung mga oras na yun e humiga at tumitig sa kisame habang nagiisip ng mga mabibili sa sale ng mall kinabukasan. kesa icelebrate pa yang araw na yan bakit hindi nalang gawing dalawang beses magcelebrate ng fathers day, tutal naman sa amin naman talaga nanggaling yang mga batang yan, ipinasa lang namin sa inyo at pinaalagaan ng siyam na buwan, kami naman ang nanakit ang bewang at braso kakagawa nyang mga batang yan. bakit hindi gawing dalawang magkasunod na araw ang fathers day at mag inuman ng todo sa unang araw at magpahinga at magpawala ng hangover kinabukasan, bakit hindi sa mga oras na yun e nasa kusina lang ang mga kababaihan at nagpeprepara ng mga pulutan at maiinom naming mga amang nagsusumikap para sa mga anak namin, at bakit hindi na papasok lang sila sa mga kwarto nila pag parating na ang mga naggagandahang mga babaeng inarkila namin na nasa loob ng cake, .. bakit hindi sila mga magsipasukan sa mga kwarto nila pag dating ng oras na yun at libangin nila ang mga sarili nila sa pagko cross stitch, at ipapatawag nalang sila pag maghuhugas na ng pinggan. kalokohan yang mothers day na yan, kaya hindi idineklarang holiday yan e!

.. at, magkaaway kami ng nanay ko ngayon, iskwater at preso lang ba ang may karapatang magpa tattoo?
at nabubuwisit akong paandar pa ang asawa ko para lalo akong dikdikin ng nanay ko.

womans!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “mothers day my arse!”

  1. just to be fair…why not…pinaalaga nga ng syam na bwan pero sino naman ang halos mabiyak na ang katawan sa panganganak?….

    hmmm mainit lang ulo mo my love…

    ==
    at anong akala mo sa pagpapatuli? parang kagat lang ng langgam?
    mainit nga ang ulo ko at ewan ko pero kailangan ko ng mainit na halik para gumaan ang pakiramdam ko at hindi sa niyayakag kita o ano pero kung gusto mo lang.

  2. mga lintek kayo, kayo kaya reglahin, tingnan natin kung papano nyo ipasak ang mga napkin na yan sa mga in between the legs ninyo, ahahaha.

    alam nyo, asa maling bansa kasi kayo e – dito sa alemanya, vatertag ngayon, father’s day baga. ang ibig sabihin dito ng vatertag =inuman. hay oo, the day before the vatertag e lashing na ang mga lalaki, at sa vatertag, mas lashing na talaga sila. kahit anong gawin nila, okay lang sa mga nanay o asawa o gelpren nila. bar hopping, party hopping at sempre inuman. yan ang father’s day dito. malas nyo lang na asa pinas kayo, dahil ang mga nire- regla ang may bar hopping, ahahahaha

    ==
    sabi ng tatay ko sa mga miminsang kwentuhan namin dati, nung unang panahon daw mga lalaki naman talaga ang nireregla, kaya lang dahil hindi sila maalaga sa katawan kaya inilipat ng diyos sa mga babae yun.. at ngayong malaki na ko naisip ko na napakalaking kabullshitan ng sinabi nyang yun.
    siyet! dapat dito meron nyan, taenang gobyerno talaga dito dapat magdeklara sila nyan!

  3. LOLs! bahala na! mahal ko pa rin nanay ko sabi niya maganda daw ako hahaha😛

    tnx nga po pala sa reminder na mothers day na ngaung linggo.. omg, regalo.. ^^

    ==
    sabihin mo sa future mother in law ko, happy mothers day.

  4. may 11 pa ang mothers day di ba?

    title pa lang, alam kong kaaway mo na ang nanay mo… hehehe… normal yan… kahit kami ng nanay ko nag-aaway din… at ang favorite nyang dialogue saken: “hay naco, maiintindihan mo lang ako kapag naging nanay ka na rin”

    pero ano ka, ang mga nanay ang handang sugurin ang mga miyembro ng liga (basketball league) kapag kinutya ka sa shooting abilities mo (i should know ganyan ang nanay ko! hehehe)

    ==
    pero hindi ako marunong magbasketball dahil may luslos ako. salamat sa paalala😦

  5. ikanga… parang ganito, ay naku….. eto na nga….

    arg! hirap mging tatay, tama tama!

    ==
    ewan ko kung ako lang pero habang binabasa ko ‘tong comment mo parang ang nagrehistro sa isip ko hinaharass ka ng tatay mo at nahihirapan ka… pero baka mali ako.

  6. …kahit anong mangyari nanay pa rin sila at anak pa rin tayo… kaya dapat di mawala ang respeto…
    mothers day na pala… Advance happy mothers day to all moms…

    Ina sa kanunay na panabang…. luv yah!

    ==
    hmmmmmkei.

  7. i started reading this blog last last week and now im LOVIN’ it..
    nun una akala ko sobrang angas mo, but when i get to know more of ur writings eh….may karapatan naman pala kaung mag-angas!
    minsan nga lang kailangan ko pang halukayin ang utak ko para magets ang mga entries ninyo Mighty Cabron..

    nice site, kip it up!

    ==
    kung lalaki ka – tnx bro!
    at kung babae ka naman – tnx miss, asl? may boyfriend ka naba?

  8. di naman mabubuo yang mga batang iyan ng wala sila. at napapagod rin naman sila (as in)..pagdating sa mga anak anak..mas matimbang talaga sa mga nanay.
    kung may fathers day ok lang na may mothers day. pero sang ayon ako na dapat dalwang araw ang fathers day. tapos, sa mga araw na iyon pedeng gawin ng father ang lahat ng gusto niyang gawin. as in lahat!

    ==
    napapagod sila pero marami silang outlet tulad ng pakikipag chismisan at pagsha shopping, at kaming mga tatay ano? minsan ka maginom ng isang buong linggo, lasinggero ka na. mahuli kang may ka sex on text, nakikiapid ka na.. sus!

  9. hahaha..hindi matatapos ang araw kung pagdedebatehan ang babae at lalake…about sa sumakit ang bewang sa pag gawa ng anak…tanong ko lang, lalake ba ang nangawit ang balakang at singit sa pag kaang?

    tanong lang naman…

  10. mga lame wifes naman yang tinutukoy mo jon..mga nag aantay lang ng labas pasok habang nagsisitirik ang mata. ok lang sakin may mothers day dahil mahirap naman talaga mag alaga ng bata..

    natawa ako dun sa comment ni ginawa mo kay chuanwei..hahaha! meron din comment sakin yun eh..spammer talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s