iha


–> kung sa online pa lang e umaatungal ka na, pa’no pa pag nagkaharap tayo? baka mahimatay ka sa galit at atakihin sa puso… relax’ at pwede ba iha ‘wag mo kong tinatakot’ kumalma ka muna at makinig sa isang maikling kuwento ko, iha ganto kse yan’ ako ang may ari ng blog na ‘to, sa makatuwid ako ang hari dito, ako ang nagbibigay ng batas at lahat ng batas na ‘yun.. pabor sa hari. ikaw at sila e pumupunta dito malamang sa hindi para maglibang o para matawa at matuwa, kung di mo matanggap yung style ko ng pagsusulat nasa iyo ang lahat ng karapatan para pigilan ang sarili mo na itype ang link ko sa browser mo o iclick ako sa bookmark mo. dahil katulad ko kung pano ko pinag haharian ang blog ko, ikaw naman ang hari ng sarili mo. hindi mo trip ang mga pinagsasasabi ko dito, pwes hindi ako ang blogger na para sa’yo.
1 plus 1, hindi kita gusto hindi mo rin ako gusto.. bigyan natin ng pabor ang isa’t isa lumayo ka at hanapin ang blog na magbibigay sa’yo ng tunay na kaligayahan, kung sa mga girlie blogs o sa mga pakikay o mga discreet o blog ng mga sumasamba kay barney ang dino na kulay ube.. la na kong pakialam dun, pabayaan mo kong magblog dito at wag mo kong pakialamanan. hindi ako mapapagbago ng mga banta mong yan dahil iha, matagal na ko sa net at mula pa umpisa ilang tao na ang mabulaklak ang bunganga na nagbitiw sakin ng mga ganyan.. pero eto pa rin ako walang galos, walang sugat.
at hindi ko na kailangang makipag pustahan sayo o kahit na sino sa makakabasa nito na kung anuman ‘yang binabanta mo sakin… utot ng bunganga lang yan. at iha, kung may binabalak kang gawin, hindi mo na ‘ko kailangang banta bantaan, hindi mo na ko kailangan pang sabihan dahil hindi mo naitatanong i heart suprises kse.. kinikilig ako!

ps
dun sa sinabi mong “tanga” ang mga “umiidolo” sa akin, kinalulungkot kong sabihin sa’yo na walang umiidolo sa akin kundi ikaw lang.

love and kisses,
teh mighty jon cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “iha”

  1. sabi ko na walang idudulot na maganda ang taong yan sa kaharian mo eh.dun pa lang sa comment nya dati sa entry mong Kara is >3 eh nagsabog na agad sya ng lagim eh.pati mga comment nya kay lenggai nacocornihan ako.ang lungkot siguro ng buhay ng taong to at naisipan pang sa blog ng may blog gumawa ng asal nya.me nakabasa na ba ng mga entries nya?ako nabasa ko na.gumaling ang insomnia ko….peace.

  2. mighty jon, e dun nga sa blog ko na behave na behave na nga ako e nakikipag away pa sa akin; pano pa kaya itong blog mo na si mighty jon nga ang hari. may kanya kanyang tayong style ng pagsusulat, katulad ng style ng pagpuputak — at ang style mo jon e ibang klase talaga na hindi maiitindihan ng mga normal na tao — o yan, sana naka bawi na ko dun sa hirit mo tungkol sa EB. sa sunod everyday EBihan kita๐Ÿ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s