sunog!!! at mabuting haligi ng tahanan at regla

kami lang ng anak ko ang tao ngayon sa pink na bahay, dayoff ko at pang umaga si mrs. cabron. sa taas din sa dati naming bahay umalis ang nanay ko, may kukunin daw padala ng asawa nya sa opisina. ngayon ko lang naisip na mas mahirap pala yung dalawa kayong maiiwan sa isang bahay kesa yung mag isa kalang, lalo na pag intindihin pa yung kasama mo. imbis kse na sarili mo lang ang iisipin mo, dalawang katawan pa kayo ngayon. kung pwede lang sabihin sa anak ko na dun muna sya sa kapitbahay at makinood ng tv kunyari hanggang abutin na sya ng pananghalian dun, ok sana. kaso lang baka naman mahalata ng mga tiyahin ko. nakakahiya’
ang hirap kse minulat ko ang mga mata ko kanina at pagtingin ko sa orasan alas diyes pa lang. ngayon lang ako nakapag pahinga dahil pag may pasok alas kuwatro pa lang ng umaga kinakailangan ko ng bumangon. at talagang sabihin nyo ng mabuting kristyano ako, health buff o mabuting haligi ng tahanan pero nag cancel ako ng inuman kagabi.. ayoko munang uminom, ayokong humarap sa mga kaibigan ko.. inilaan ko ang araw ng bakasyon ko sa pamilya ko at sa inaasahang pakikipag niig na puno ng pagmamahalan. pero may sumpa ng buwan buwan si mrs. cabron at sa hindi inaasahang pangyayari.. pagkahiga ko kagabi ng alas diyes para sana tunawin ko ang kinain ko ng hapunan ng naka relax, yun nga alas diyes na rin ng umaga ako nagising. wala si mrs. cabron at naiwan akong yayo ng anak ko. malungkot ang buhay.
ayoko pa sanang bumangon, gusto ko pang magkumpleto ng tulog pero wala akong magagawa, kailangan kong magluto ng almusal at pakainin ang anak ko. mahirap na mag abot ang almusal sa tanghalian para sa bata. nakakabobo, ..pero wala akong pruweba sa sinabi kong yan, pero yan ang gusto kong paniwalaan.
nagluto ako ng anim na hotdog at nag init ng spaghetti, nagtimpla rin ako ng kape at nagsalin ng inuming tsokolate para sa anak ko. tinapos namin ang almusal habang nakaharap sa tv, at gusto ko pa sanang mahiga pero naisip kong obligado akong maghugas ng pinag kainan dahil ilang oras na lang tanghalian na naman.. ayokong matambakan ng platong huhugasan.
naisipan kong umakyat muna dito sa taas at mag computer, dalaw dalaw sa ibang blog at check ng email at mga comments sa blog. taena ang tagal ng application ko sa PLDT, hindi ko pa rin maibaba ang pc ko tuloy, mas masaya sana ang buhay.
tumatakbong sumisigaw at umiiyak ang anak kong papasok ng bahay, tinatawag nya ko at may sunog daw! putangena! ‘yung tayo ko na yun.. wala akong pakialam kung nasagasaan ko yung electric fan sa sahig at wala akong pakialam kung nagkabunggo bunggo na yung lulod ko sa kanto ng computer table namin, sinalubong ko sya at yumakap sya sakin.. may sunog nga daw at ang lakas ng usok.
sa harapan ng bahay nya tinuturo yung sunog kaya nagkumahog pa kong hanapin ang susi ng gate at nanginginig na binubuksan ang taenang padlock na pakiramdam ko e virgin na virgin pa sa pagpasok ng malaking susi, habang lumilipad ang isip ko… may tumawag na kaya sa bumbero? ano ang uunahin kong ilabas na mga gamit? gamit ba sa pink na bahay o dito sa bahay ng nanay ko? tanga! unahin mo kung san malapit ang apoy! tonto! ‘nyway.. pagkabukas ko ng gate, marahas kong itinulak yun na para akong isang mandirigma na susugod sa mga halimaw na apoy, yun nga lang naka pajama pa ko at nakahubad lang.
nakita ko ang mga taong puro nakatingala at relaks na relaks na pinapanood ang usok sa taas na nagmumula sa isang pagkalayu layong lugar. matulis kong tinignan ang anak kong nasa isang sulok pa rin at hihikbi hikbi.. gusto ko syang igrounded sa bahay dahil sa pagpapataranta nya sakin. gusto kong itali sya sa garahe ng bahay namin, gusto ko syang wag pagamitin ng kotse ng isang linggo hanggang hindi sya natatauhan! .. pero naisip ko na bata pa nga pala sya at hindi pa pwedeng gumamit ng kotse, at wala kaming garahe na pagtatalian sa kanya.. dahil wala ring kaming kotse.. i hate my life.
sabi ng mga tita ko na andun, masyado daw palang nerbyosa sa sunog ang anak ko, manang mana sa nanay ko, naisip ko tuloy kung namamana nga ba ang nerbyos, pero siguro oo.. pero wala sa dugo, parang nakikita nya kse, kaya nagagaya nya. ang labo!
naisip ko rin na sana hindi na lang yun ang namana nya, sana yung ibang magagandang ugali na lang ng nanay ko, halimbawa…. ahhhhhmmm… teka.. ahhhmm, sana yung magaling na lang magluto.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “sunog!!! at mabuting haligi ng tahanan at regla”

  1. wahaha. false alarm. ano kayang gagawin mo kung totoong may sunong sa tapat niyo?
    word of the day: tonto!

    ==
    ano pa ba ang karaniwang ginagawa ng matipunong katulad ko pag may panganib? .. e di titili!!!

  2. magaling magluto?…pero diba laging sardinas ang niluluto ng nanay mo?…

    sobrang nerbyosa pala nyang anak mo,kanino kaya nagmana,sa yo o sa nanay?

    ==
    minsan lang magluto ng sardinas yun, pag nasusuklam lang sa kin.
    at hindi ako nerbyoso.. hindi pagiging nerbyoso ang pagiging takot sa asawa, ibang level yun.

  3. buti na lang at di inabot….😦

    ==
    hindi aabutin yun kse sabi ko nga sa isang pagkalayu layong lugar yung sunog di ba?
    alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pagkalayu layo?
    eto:

    malayo ————-> mas malayo ——————–> pagkalayu layo!

    ok?

  4. hahah! ayos… so heto pala ang nagaganap habang nangangabayo ako sa kabundukan ng norzagaray?!

    nai-imagine kita sa reaksyon mo nung nalaman mong false alarm… sori, pero NYAHAHAHAH!!!

    and oh… take it easy sa anak mo, sabihan mo na lang para alam niya kung kelan dapat mag-panic attack at kelan dapat maging taumbayan (uzi)😆

    ==
    nagulat ako, ok?

    sa text:

    jon: anong ginagawa mo?
    lenggai: nangangabayo paakyat ng bundok

    watta lols.

  5. hanubayun. pero kapag asa tapat mo na ang sunog, ewan ko na lang. naexperience ko na yang sunog na kitang kita mo ang apoy na lumapit na sa inyo, ang nanay ko naglabas agad ng ilang malalaking sako at pinaghahagis sa amin dahil mag empake na daw kami. ang una kong nilagay sa sako? yung framed photo ni remington steele na may personal signature para sa akin, ahahaha – at ang mga machong mga lalaki sa bahay at kapitbahayan? ayun, bitbit ang mga tabo at balde, kala mo naman kaya yung laki nung apoy! mabuti na lang dumating agad yung bumbero, hayyyy —

    ==
    mahihirapan pumasok ang bumbero samin dahil tiga skwaters area ako.
    sana napasaya ko kayo sa pagba blog ko.😦

  6. Hi! nice post… napatawa lng naman ako ng malakas pagdating sa part na gusto mo i-grounded ang anak mo… hehe! napatawa talaga ko ng malakas dun. anyways, marami pa kong babasahin na posts mo. Keep on posting po.

    ==
    salamat. ewan ko p ero napangiti ako nung nalaman ko sa profile mo na babae ka pala. ewan ko ha’ ewan ko. may boyfriend ka na ba? ok lang ba sayo yung katawan ko? hindi? k.

  7. hahaha! may bf na po ako pero di ka naman seloso di ba? hehehe! joke lng… im still reading your entries… nasa January na ko. Next Dec 2007 na! hmmm… matapos ko kaya bago ko umuwi? tsk tsk… wala na naman ako magagawa neto. haaaayz

    ==
    walang joke joke dahil hindi naman ako nakikipag biruan.

  8. naco mighty jon c. it took me 3 months bago ako nakabitan ng pldt. good luck.😉

    na-experience ko na masunugan (ng room, dahil sa aking katangahan), at yung pinapraktis praktis ko dati pag nagf-fire drill sa dorm ko, mga bagay na bibitbitin ko, naco sa aktwal na pangyayari, di mo pala magagawa. nakatunganga lang ako dun sa labas ng kwarto ko, pinapanood ang mga apoy habang kinakain ang kama ko. kundi pa ako buhatin ng kuya ko patabi para mapatay nila ang sunog.

    ==
    taena ngang PLDT to e, gusto ko na ngang pumunta sa opisina nila at tampalin ng salapi yung mga empleyado dun, kala yata la akong pambayad.

    ahhhm siguro naman kahit anong taranta ko e di ko pa rin makakalimutan kung pano tumili.
    yun lang kse ang naiisip ko na gawin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s