black suede

natatawa ‘ko sa mga blogger na nagpopost tungkol sa infamous black suede scandal na nangyari sa vicente sotto memorial medical center, todo hinagpis at akala mo mga suklam na suklam sa mga gagong may gawa ng kalokohan na yun, todo simpatiya sila sa pasyenteng biktima sa usaping ‘yun. halos umusok ang mga ilong nila habang galit na galit na nagpapasok ng entry sa blog nila, kung pupuwede lang na sa mga sarili nilang mga kamay idaan ang hustisya para sa kahihiyang sinapit nung pobreng pasyente ginawa na nila siguro.
kung maaari lang na pulungin nila lahat ng sangkabaklaan sa buong pilipinas ginawa na nila para lang malaman ng buong sangkatauhan na nagkakaisa sila…

bigyan ng hustisya ang sinapit ni jan-jan!!

at sa kabuuan ng entry nila, andun ang link o video ng pangyayari.
ang mismong video na yumurak sa pagkatao ng ipinaglalaban nila.

.. mga papansin!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “black suede”

  1. In the first place kung hindi naman kasi niya ginawa yung ginawa niya, hindi siya mapupunta sa Hospital at wala sana scandal ngayon na ikakahiya niya. Sasama loob niya na pinagtawanan siya eh he caused this to himself naman. Haaysh. Not to be insensitive, but come to think of it lang…

    ==
    hindi lisensya yun, iha.
    kahit pa anong kababuyan ang gawin nya sa katawan nya labas na tayo dun, andun sya para kunin yung tulong nung mga duktor at naniniwala ako na nagbayad naman sya para sa serbisyo nung mga yun. wag na muna nating tignan yung mali nya.. ibigay na natin sa kanya yun’ tutal naman sya yung agrabado sa usaping ito, yung mali na lang nung mga gagong andun muna.

    pero eto ha pagisipan mo rin, eto nga lang kaya ang insidente sa pilipinas na kung saan may isang pasyenteng walang malay ang nakuhanan ng mga tao sa loob at ginagawang katatawanan na ngayon?

  2. reaksiyon lang Jon. Ano ang mararamdaman o gagawin mo kung ang insidenteng ito ay nangyari kay CARMINA. Siya yong dati mong manggugupit, na isang katok mo lang sa window glass ng parlor ibibigay kaagad sa’yo ang hinihingi mong BJ? (11-28-07)

    ==
    siguro katulad din sa reaksyon ng tatay mo nung unang nalaman nya na bading ka at binubuko juice mo yung kapitbahay nyong adik.

  3. tama naman yung punto ni cabron. kung iisipin natin, hindi lang siguro ito nangyayari sa isang tao lang. ang malas lang ng biktima, may mga gagong kumuha ng video. kasalanan na niya kung ano man ang nangyari sa kanya kung bakit sya kumuha ng tulong pero hindi na sya ang dapat sisihin dahil ipinangalandakan ng iba ang pagkakamali niya. yun ang isyu dun.
    siguro para dun sa mga bloggers na nag-post ng video, nadala na lang sila ng galit at pagkasuklam, ginusto nilang ipakita sa iba yung pangyayari at hindi sa anggulo na lalong i-down yung biktima. mabuti na lang ngayon at inalis na rin sa youtube yung video.

  4. “siguro para dun sa mga bloggers na nag-post ng video, nadala na lang sila ng galit at pagkasuklam, ginusto nilang ipakita sa iba yung pangyayari at hindi sa anggulo na lalong i-down yung biktima. mabuti na lang ngayon at inalis na rin sa youtube yung video.”

    oh sige.. so naniniwala ka rin na hindi nagbubulsa ng pera ang gobyerno?

  5. @bebenibadoodles, anong not insensitive ka dyan? talaga insentive ka..

    as per Almighty Jon pointing out, ang issue dito is yung ipakalat ang video. labas na tayo sa katauhan ng biktima kung halimaw sya sa gabi o mananangal ng lakas.. tulong ang kailangan niya tulong po tulong…. hindi ang makitid mong pag iisip…

    tuwad!

  6. “siguro para dun sa mga bloggers na nag-post ng video, nadala na lang sila ng galit at pagkasuklam, ginusto nilang ipakita sa iba yung pangyayari at hindi sa anggulo na lalong i-down yung biktima. mabuti na lang ngayon at inalis na rin sa youtube yung video.”

    hindi sila nadala ng kanilang mga galit at pagkasuklam….nawala sa kanila yung RESPETO. ito lang naman ang angulong nakikita ko dito sa isyu na ito ang kawalan ng RESPETO sa SARILI at sa KAPWA.

    ==
    sakto! sa wakas..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s