pet peeves

A pet peeve (or pet hate) is a minor annoyance that can instill great frustration in an individual.[citation needed] It means capricious or silly.

1. mga taong kumakanta ng hindi nila saulado yung lyrics tapos tinotonohan na lang nila
ex.
oh diyos ko! ano ba naman ito, di ba tang ina. nagmukha akong tanga, pinaasa nya lang ako.. GRETCHENG pagibig to oooh wooo– pare ko

2. mga nanay na namamalengke ng madaling araw na tipong pagkagising sa umaga hindi na nakuhang maghilamos o magsepilyo at yung mismong damit na ginamit pantulog ang suot suot kaya amoy higaan pa. na makakasakay mo sa jeep bago ka pumasok sa trabaho, at bagong paligo ka. and worst paghiwalay nyo sa jeep mapapansin mong kumapit na yung amoy nya sayo at tinalo ang pabango mo.

3. galing ka ng 19th floor, nagmamadali kang bumaba sakay ng elevator tapos sa 5th floor may sasakay para lang bumaba sa 4th floor. .. hindi naman pilay’

4. papasok ka ng cr para sumikretong tumae, tapos may aabutan kang nananalamin. hihintayin mo s’yang lumabas dahil naiilang ka, mananalamin ka rin kunyari habang naka “muscle control” tapos yung gago biglang magsesepilyo pa at pagkatapos nun ibababa pa yung pantalon n’ya para ayusin yung tuck in n’ya at magpapaikot ikot sa salamin at magpapakendeng kendeng pa.

5. ‘yung mga nauuna sa’yo sa pila sa fast food, mga ilang minuto na kayo sa pila tapos kung kelan nasa harap na s’ya ng counter tsaka palang magiisip ng oorderin.

6. nasa cr ka kasalukuyang nagsesepilyo dahil kakatapos mo lang kumain, tapos biglang may papasok sa cubicle, tapos walang hiya hiya na makakarinig ka na lang ng pagbulusok ng isang malambot na bagay sa inidoro na may kasama pang hangin at sipol “wuuuuussssshhhhhhplaaaak” at habang bumubula pa ‘yung bibig mo magtatakbuhan sa ilong mo ‘yung amoy ng kinain n’ya kagabi.

7. mga pasaherong nagdadala ng mga bagaheng sobra pa sa mga kaya nilang dalhin.

8. mga pasaherong nanay na nagdadala ng mga batang sobra pa sa kaya nilang alagaan.

9. mga drayber at kunduktor na nagsasakay ng mga pasaherong sobra pa sa karapat dapat sa bus nila, walang problema sa tayuan dahil lahat naman talaga gustong makarating sa pupuntahan at lahat e ayaw ma late, ang problema kung yung ilang oras mo sa byahe e hininga ng kaharap mo na ang hinihinga mo.

10. at napansin nyo ba na pag masyadong maraming sakay ang bus sumesenyas ng lihim ang kunduktor na bagalan lang ng drayber ang pagmaneho para masingil nya lahat ng pasahero bago dumating sa unang istasyon. yun din ang dahilan kaya pag mabagal ang kunduktor, mabagal din ang byahe.

11. mga chatter na habang naka headfone ka, mag ba buzz.. tae! tumataas ang balahibo ko sa batok pag ganun.. tapos pag tinanong mo kung bakit, ang sagot sayo “kamusta na u?”

12. mga tao sa opisina na parang nasa bahay lang, pagpasok mo kinabukasan yung mga tissue na ginamit nasa may table lang nila.. ang masama pa nun napansin mong uubo ubo at sinisipon sya kahapon.
seryoso, kung ganyan ka sa opisina na kahit papano e kinakailangan mong magpakitang tao, pa’no pa kaya sa loob ng kwarto mo? .. di ako magtataka kung may mga maligno sa ilalim ng kama mo.
nung isang araw may nakita akong tissue dito na nakakalat tinusukan ko ng wire at nilawitan ng papel tapos may nakasulat na “hoy tao! pakihatid ako sa basurahan, wala akong paa“.

13. ayoko ng kausap na apir ng apir. nabubuwisit ako.

14. mga babaeng naguusap na sinisimulan at tinatapos ang salita sa “girl”
ex.
“girl! uuuuy saan ka rumampa kagabi .. gurl?!”

15. ‘yung pag nakadamit na pula ka bibiruin ka ng happy birthday! taena, panahon pa ng john n marsha ‘yang joke na yan.. move on!

16. nadidiri ako sa nanay ko pag kausap yung ex balae nyang babae tapos ang tawag nila “MARS” for mare.
ex.
gng. cabron: mars, san ka pupunta?
balae: dito lang mars, magbi bingo
seryoso, nakakarimarim at naiiskwatiran ako.

17. mga magandang babae na alam nilang maganda sila at ginagamit nila yun para humingi ng pabor sa’yo.

18. yung salitang “ah talaga” at “ay ganun” sa kwentuhan. amplastik at nakakabuwisit lalo na kung paulit ulit!

19. yung salitang “yun lang” na wala sa lugar, ok lang yung paminsan minsan pero kung ginawa ng bisyo nakakabuwisit na!
ex.
“naka pulang damit sya o… yun lang, aba at naka sinturon pa.. yun lang”

20. mga banat ng chatter at texter na epektib para makuha yung atensyon mo pero nakaka rindi!
ex:
kups: hoy!
jon: sino ka?
kups: asl?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “pet peeves”

  1. #2 – Good thing, most of my commute is spent on an FX.
    #3 – Well the stairs in our building is in the fire exit so there’s no other way to go down one floor but to ride the elevator.
    #12 – We have trash cans in each of our cubicle so we don’t have that problem.
    # 16 – Haha, my mom also call her kumares “Mars”.

    I’ve posted a similar thing on my blog before.

  2. #17, kunyari ka pa, e kinikilig ka naman at pinagbibigyan mo pa rin

    try mo ‘to…

    – kapitbahay na tumugtog ng piano ng mga alas-6 ng umaga pag sabado at linggo at hindi tatapusin ng piyesa (ginising mo na rin lang kami, ayusin mo na ang pagtugtog mo!)

    – magpa-house party, complete with full blast sound system hanggang kabilang kanto, linggo ng gabi sa finals week

    – mga kapitbahay na bumubusina ng madaling araw para pagbuksan ng garahe

    – mga taong nagyoyosi habang naglalakad, lalo na pag papasok ka pa lang sa trabaho/eskwelahan

    – mga taong todo ubo ng hindi nagtatakip ng bibig sa isang mataong lugar o sasakyan

    – mga lalaking nakatingin sa boobs/legs ng babaeng kausap

    – mga mahilig sumingit/magpasingit sa pila

    – mga nasa syudad pero nagdadamit ng kita ang kuyukot or ang thong/panty/brief/boxers

    – mga bossing na tatambakan ka ng trabaho ng higit sa kaya mo o sa napagkasunduan ninyo na kailangan nya ngayon na, at magdadahilan na baka kasi ‘bored’ ka na

    ala lang…

  3. yun lang! hahaha! marami rin ako nakakasalamuhang ganyan. potek! kung di ka matibay mawawalan ka talaga ng kaibigan..hehe!

    asar din ako sa mga sumasakay sa elevator na isang floor o dalawang flr lang ang pagitan. ang sarap putulan ng paa

  4. “…mga chatter na habang naka headfone ka, mag ba buzz.. tae!” — sa lahat PINAKA-TAE sa akin ‘to. kahit hindi ako naka headset pag may nagbu-buzz sa akin…parang gusto ko tadjakan sa panga yung chatter na yun. ewan ko pero buset na buset ako jan sa BUZZ na yan ng YM.

  5. nka silent ang alerts ko sa YM ksi maiinitin din ang ulo ko😀

    17. mga magandang babae na alam nilang maganda sila at ginagamit nila yun para humingi ng pabor sa’yo. << we can’t help it eh ! LOls😆

    yun lang😀

  6. ung gurl na word pang bading lang un…hehehehe..
    nakicomment na din ako…may link ka sa blog ko..
    i love reading your entries…
    godbless…
    pampaalis ng antok kasi pang gy ako…

    ==
    salamat at kung sakaling magiging tayo sana mahalin mo ako ng tunay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s