bitter ocampo

uminom ako kagabi, one on one kami ng pinsan ko. alas nuwebe na ‘ko nagising kanina, matapos kong gawin ang lahat ng seremonya para magmukha at mag amoy tao, lumabas ako ng pink na bahay at lumipat dito sa luma para mag net, wala pang balita sa application ng landline / dsl ko kaya di ko pa naibababa ‘tong pc.
nakapag check na ‘ko ng email, nakasilip sa YM, at nakapag twit, habang umiinom ng kape at naghihintay ng nilulutong hotdog ng napansin kong wala ‘yung celfone ko at maaga aga pa kagabi nung last ako nagcheck ng messages. umuwi ako at kinuha yung celfone at dito ko na sa harap ng pc binuksan, dalawang message isa galing sa panggabi sa opisina

“dala k ng fud tom di ako kmain dto di ako mklabas pra bmili ng fud”

heheh nakalimutan n’ya yatang off ko ngayon, malamang kinain na ng malaking bituka n’ya yung maliit na bituka n’ya sa mga oras na to.

tapos may isang message pa, galing naman sa isang baklang tropa nung high school

“cabronski, anong email add mo send ksa u pict ni katrina knasal na cla nung bf nya or check mna lang sa frndster nya?”

nagreply ako

“sori mdyo late, kkgising ko lang send mna lang sa MALAYKO@PAKELAMKO.COM maraming salamat.”

at hindi ko na inaasahan, sumagot din ang hitad

“jelly fish? bitter ocampo ikaw ba yan?


‘di na ko nagreply, hahaba lang at wala ako sa mood makipag baklaan.
naisip ko lang, nagseselos ba ko talaga? bitter? .. bakit? hindi yata klaro sa mga gagong ‘to na ako ang nakipag break sa babaeng yun, so maliwanag pa sa sikat ng araw na ako ang umayaw. ok, ginago n’ya ko at ninakawan ng ego at prinsipyo at oo, hanggang limang buwan buhat nung nagbreak kami pinlano kong lumabas ng kalsada at mambuhos ng asido sa mga babae sa jeep, pero sus ang tagal tagal na nun. maayos na ko ngayon at matagal ko na syang hindi naiisip. at sa mga miminsan na panahon na ganito na may isang tao o pangyayaring nakakapag paalala sa akin sa babaeng yun, nagbabalik ang mga kagaguhang ginawa n’ya sakin.. at gusto kong magpakamatay gamit ang kutsara sa hiya ko sa sarili ko kung bakit pinayagan kong maging tanga.

1. naging lalake n’ya yung kaaway kong 4th year nung 3rd year kami. at nung nalaman ko yun, imbis na magwala ako o manampal.. umupo ako sa sahig, niyakap ang tuhod ko habang umiiyak.😥
2. nakipag coochie coochie sya sa barkada ng pinsan n’ya nung nagpunta sila sa libingan ng lola nila nung araw ng mga patay. para na rin akong namatay nung nakita ko yung chikinini sa may likod ng tenga nya.
3. nag summer sya sa laguna at hatid sundo ko sya dun. estudyante pa lang ako at hirap na hirap akong dumiskarte ng pamasahe namin o kahit pamasahe ko lang papunta at pauwi. isang araw pagpunta ko, kinausap n’ya ko at sinabihan na wag na kong babalik dun dahil may iba na raw sya at gusto n’ya magka boyfriend ng dun din nagaaral.. para daw may inspirasyon sya. umuwi ako na nag 123 sa jeep.
4. sinabihan n’ya ko isang araw na magbihis ako at pupunta kami sa mga kamag anak nila sa laguna. nagpunta ko sa kanila at naghintay ng anim na oras, kakuwentuhan ko yung mga katulong nila, hanggang sa nakipag inuman ako sa drayber nila.. paguwi nya sinigawan n’ya ko at pinauwi.. alcoholic daw ako at dun pa ko nagpakita ng pagiging lasinggero ko.
5. hanggang ngayon hindi naging malinaw sakin kung bakit ang usapan namin na ‘yun ng ala una ng tanghali sa kanila, alas siyete na sya umuwi.
6. nung nag away kami dati, dumami ang prank caller sa bahay namin na naghahanap sa “tinkiwinki”
“hello, pwede po kay tinkiwinki” “gud morning, may tinkiwinki ba dyan?”
7. nung nagkaayos kami ulit, dun ko nalaman na mga kaibigan nya yung nanggugulo sa telepono namin.
8. inutusan n’ya, at sinabihan n’yang manggulo
9. at wag kakalimutang magbigkas ng tinkiwinki
10. tinkiwinki ang tawag nya sa ano ko.
11. ang cute daw kse.
12. at alam ng mga barkada n”ya yun.

ngayon, anong uri ng kabitteran pa ang pwedeng pumasok sa pagkatao ko, anong uri ng panghihinayang ang pwede kong maramdaman? masaya ko na wala na kami at masaya ko na hindi sya ang kasama ko sa mga panahon na to. at seryoso, ayokong magkaron ng anak na puro kamukha ni olive oyl.
at para patunayan kong wala na talaga sakin ang lahat ng ‘yun at para na rin sa kahit papano e masasaya rin naman nating pinagsamahan. isang message ang iiwan ko sa inyo ng asawa mo.

mr. and mrs. katrina,
gandang araw, sana’y tapos na kayo sa inyong honeymoon habang binabasa n’yo ang mensahe kong ito. ilang araw na rin ang nakakalipas nung ikinasal kayo, pahinga naman muna saglit. nung tatlong araw kami sa resort ni katrina at gabi gabi kami nag anuhan, hinika sya.. ingat lang pare. pero hindi ko na dapat sinabi pa yung mga bagay na yun.. sorry.
hangad ko ang kapayapaan sa inyong pagsasama, at sana ay magmahalan kayo habambuhay. matuto sana si lalaki na pahabain ang pisi ng pasensya nya.. sus! ano ba naman yan.. chikinini lang yan pagkauwi nya galing ng opisina. sus! siguro ganun lang sila magkamustahan ng mga ex boyfriend nya, french kiss.
at babae, wag mo sanang kakalimutan ang respeto. kung ako hindi mo nirespeto dapat ganun din ang gawin mo sa kanya.. para maging parehas ka sa lahat ng minahal mo. ‘yun ang tama.
at sa huli gusto kong iwan sa inyo ang tatlong salita na sana ay pagisipan nyo at makatulong.

aspen lodge, mahogany seeds, at hadhad.

nagmamahal,
jon cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

31 thoughts on “bitter ocampo”

  1. di kita kilala ng personal. pero sa ilang buwan ng pagbabasa ng blog mo, di ko ma-imagine si Mighty Jon Cabron habang dinadanas mo ito:

    = 1. naging lalake n’ya yung kaaway kong 4th year nung 3rd year kami. at nung nalaman ko yun, imbis na magwala ako o manampal.. umupo ako sa sahig, niyakap ang tuhod ko habang umiiyak.😥 =

    ==
    bakla ako pag umibig

  2. “at babae, wag mo sanang kakalimutan ang respeto. kung ako hindi mo nirespeto dapat ganun din ang gawin mo sa kanya.. para maging parehas ka sa lahat ng minahal mo. ‘yun ang tama.”

    tumpak! korekek!

  3. grabe naman palang panlalampasong ginawa sa ‘yo matapos mo syang bigyan ng lubos na pagmamahal at pag-unawa noong kayo pa.

    di na ako magtataka kung bakit kasing pait ng ampalaya ice cream ang nararamdaman mo, mr. ocampo este mr. cabron.

    at least jackpot ka na ngayon kay mrs. cabron
    ;p

    ==
    pwede ba kong umiyak sa balikat mo?
    .. habang naka maong na brief?

  4. aspen lodge? motel b yun?
    mahogany seeds? hmmn.. di ko gets😀
    hadhad? hmmn cno may hadhad😀

    di ko maimajin ang syd na to ni mr. jon cabron😀 pero its nys to know d “human”syd😀

  5. jon napansin ko lang sa page mo ha.ewan ko kung ako lang nakakakita o hindi.sabanda kanan eh meron kang countdown. nakalagay eh 70,070 days left before christmas. aba,aba,aba! sa pagkaka alam ko eh 365 1/4 days lang meron sa isang taon!eh kung 70,070 days pa ang bibilangin natin bago magpasko ibig bang sabihin nung wala na tayong mararanasan pang pasko???

    hmmm… naisip ko lang po…..

    ==
    gallibols’

  6. aspen lodge, mahogany seeds, at hadhad. —> di naman sa nango-okray ako mighty jon c. pero di ba anim na salita ito at hindi 3?

    pero hinati ko sila sa tatlo kaya may comma’ at pag sinabi kong tatlo yan.. tatlo yan’

    ibig sabihin virgin pa rin ako? di ko rin alam ang mahogany seeds. hahaha.

    parang di kita ma-picture dun sa #1 item mo. parang it’s so not you. hehehe.

    hi tinkiwinki! hehehe.

    ==
    😦

  7. 1. naging lalake n’ya yung kaaway kong 4th year nung 3rd year kami. at nung nalaman ko yun, imbis na magwala ako o manampal.. umupo ako sa sahig, niyakap ang tuhod ko habang umiiyak.😥
    —hahahaha! the best pang-emo! LOL
    ikaw ba si toshio sa juon the grudge? hahahaha.
    yung mga ganyang klase ng babae ang binabalatan ng buhay tapos bubudburan ng asin hanggang sa mangisay. lols. ay bad pala yun.

    ==
    /wrist😦

  8. hahaha! napakasakit naman pala ng nakaraan mo pards. ginago ka talaga. pero pasalamat ka na rin at hindi sya ang nakatuluyan mo..taena di ko mai-magine kung ako nagkaron ng ganyang klaseng ex-gf masyado kiss and tell at nagpapagamit pa sa iba. gudlak na lang sa mister nya ngyon.

    niyakap ang tuhod habang umiiyak? lols! dramarama sa hapon yan😀

  9. hahaha! napakasakit naman pala ng nakaraan mo pards. ginago ka talaga. pero pasalamat ka na rin at hindi sya ang nakatuluyan mo..taena di ko mai-magine kung ako nagkaron ng ganyang klaseng ex-gf masyado kiss and tell at nagpapagamit pa sa iba. gudlak na lang sa mister nya ngyon.

    niyakap ang tuhod habang umiiyak? lols! dramarama sa hapon yan😀

  10. taragis na buhay to ohh, ibig sabihin ba nito virgin parin ako kasi di ko alam para saan ang mahogany seeds na yan Almighty Jon?

    ikanta mo na kasi…. dami tuloy dito ang napaghahalataang wala alam mag paligaya sa kama eh.. alam lang nila ay ibaon ng ibaon.

    bilis! lols

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s