.. at nakalipat na kami

.. at opisyal na lumipat na nga kami sa pink na bahay, kahit wala pang sofa at aircon sa kwarto. ayoko sana dahil alam naman nating lahat ang putarages na init ng panahon nitong mga nakaraang araw pero matalas ang dila ni mrs. cabron “tae ka! umarte ka ng ganyan kung lumaki ka sa aircon!!” at wala ako sa mood para lagasin ang mga ngipin nya sa pamamagitan ng sungalngal kaya napapayag na rin ako. nung huling araw ng leave ko sumama ako sa kanila para maggrocery na pampuno sa malaking kakulangan ng bahay na lilipatan namin. isa lang ang kabilin bilinan ko sa kanya, bumili ng abrilata. ewan ko kung bakit pero nung unang panahon pa sumisimbulo na sakin ang isang tahanan na walang matinong abrilata sa isang pamilyang walang pagkakaisa at pagmamahalan, ewan ko kung bakit. wala akong katibayan dun.
ansarap mamili, ginawa naming bala ang natitira sa mga sweldo namin at tangkeng panglusob ang credit card, unang hakbang pa lang sa gera pero pakiramdam namin lagas na ang pulutong namin, baka sa susunod na mga araw sa grupo ng noodles at tuyo na lang kami makikipag suntukan. kung tutuusin madali pa ngayon dahil pupunuan lang namin ang cabinet at ref na walang laman, ang tunay na hirap nito yung sa mga susunod na linggo at buwan pa.. yung pupunan mo na yung talagang mga maglalabasang kulang para sa pang araw araw nyo. ngayon ko napansin ang talento ng nanay ko sa bagay na yan, lumaki kaming madalas walang makain pag madaling araw na at bigla kang nagutom o yung mga ordinaryong oras na lang na bigla kang natakam sa isang pagkain pero imposibleng makita mo sa ref nyo yun, lahat ng ‘yan, pero ni minsan hindi kami mga nagutom dito sa bahay namin.
kumbaga sa isang relasyon, masasabing ang estado ng puwet ko at ng inidoro namin ay nasa getting to know each other stage pa rin, normal naman ang transaksyon nila pero alam kong may kulang pa, parang nagkakahiyaan pa. isang bagay ‘yun na pikit mata at tiklop kamay kong hinihintay na malagpasan ko na, dahil kung matalagal na kayong nagbabasa dito sa blog ko, alam na natin kung gaano kagaling manadya ang sikmura ko na kung kelan nasa malayong lugar na tsaka kinukumbulsyon. hindi ako mapapalagay kung kada gising ko sa umaga at bago umalis para pumasok ay hindi ako kumpiyansa na naiwan ko na lahat ng pwede kong maiwan.
‘di hamak na ilang ulit na mas maliit ang cr namin ngayon kesa sa dati, kaya mas mabilis na rin akong maligo ngayon, kung dati na sa sobrang laki e mas marami akong nagagawa tulad ng pagsasaltik, pagsipat sipat sa hubo kong katawan sa harap ng salamin, pag pupush up ng mahigit isandaan gamit ang kaliwang kamay at may hawak na dumb bell ang kanan, and vice versa. ngayon hindi na, dahil pagkatapos ng huling buhos mo (wala kaming shower) obligado ka ng lumabas ng banyo kung ayaw mong maligo naman sa pawis.
walang halong kabastusan pero kakaunting istorya ang magagawa mo sa loob ng banyo namin kung isa kang direktor ng bomba films.
ilang araw na’kong pumapasok ng semi comatose sa opisina, pakiramdam ko sa unang apat na oras ko dun tulog ang kanang bahagi ng utak ko, at yung kaliwa naman sa huling apat na oras. nahihirapan akong matulog sa bagong kwarto. bukod sa namamahay ako sobra sa init talaga parang pakiramdam ko bago ako makatulog kinakailangan ko munang pagpawisan na para akong nagbasketbol bago bumigay ang utak ko sa antok. at hindi ako sanay sa electric fan na umiikot at hindi nakatutok, parang pakiramdam ko pasyente ako na humihinga lang sa pamamagitan ng de kuryenteng aparato ng oxygen na nakakabit sa katawan ko, pero ang kuryente e nagpa fluctuate kaya hindi stable ang sistema ko, at pwede din na para akong uhaw na uhaw na normal na taong nanonood ng live streaming ng porn sa net pero intermittent ang connection kaya hindi ako masolb. at kung bakit sa kalaswaan ko pa naihalintulad ang bagay na ‘yun, pwes isang linggo na ‘kong celibate at siguro naman sa estado ko ngayon nasa akin ang lahat ng karapatan para ihalintulad sa kalaswaan lahat ng nakikita ko. ‘wag n’yo na lang akong husgahan pwede ba?
nung unang gabi namin sa bahay, biniro na naman ako ng bossing nating lahat na may masagwang sense of humor, wala pa kaming sala set kaya sa sahig lang ako nakahiga habang nanonood ng tv at umiinom ng juice ng may naramdaman akong maliliit na galamay na may tusok tusok na matuling gumapang at sumiksik sa may tagiliran ko. hindi ko maimagine kung papanong sa katawan kong ‘to ko nakuha ko pang mag chinese get-up at kung papanong sa tigas kong ‘to nakuha kong tumili ng ganun katinis na baklang bakla, may ipis na nakapasok sa bahay namin at isang malaking pagsubok sakin ‘yun. mabilis gumana ang utak ko, agawan kami kung kaninong advantage ang maliit na lugar na kinalulugaran namin, sa kanya ba dahil madali n’ya kong mahahabol pag lipad n’ya o sa akin dahil madali ko s’yang mapapalo ng tsinelas dahil sa konting gamit na pwede nyang pagtaguan… at dun unti unting pumasok sa utak ko ang isang importanteng sangkap sa pakikipagsagupaan sa ipis na wala ako… tsinelas, and worst walang tsinelas na makakaya kong abutin sa isa o tatlong hakbang ko. sinubukan ko s’yang gulatin ng mga paa ko pero may kakaibang bisyo ang ipis na ‘to.. sumusugod pag nagugulat, kung sakaling nasa video ako nung mga pagkakataon na ‘yun at naiupload sa youtube wala na ‘kong magiging kredibilidad sa blog na ‘to at baka bigla na lang akong mawala at magbukas ng account sa blogspot o livejournal. sa ilang ulit na paghahabulan namin ng ipis na ‘yun nakakuha ako ng tyempo, tinalukbungan ko sya ng basahan tsaka ko tinalunan ng tinalunan yung basahan.. durog durog ang ipis pag buklat ko, at patay din ako dahil nag amoy ipis sa buong bahay.
kung susumahin, ayos lang yung laki ng bahay namin para sa aming tatlo. mas maliit ang bahay mas mabilis punuin ng gamit, mas maliit ang space mas madaling linisin. mas maliit ang lugar, mas madaling magkahulihan sa mga miminsang maagang makakatulog ang anak n’yo at nakaisip kayo ng kapilyuhan na maligo ng sabay at mga basang maghabulan sa kusina at sala… pero mahirap din minsan dahil tulad kanina, habang nasa kwarto silang mag ina at nagkukuwentuhan, nasa sala ako at nanonood ng tv ng bigla kong pinakawalan ang isang mainit na utot, nagtawanan silang dalawa sa kwarto tanda na rinig dun ‘yung baritonong tunog ng utot ko na kanina ko pa yatang alas otso ng umaga iniipon sa opisina, kung rinig ang utot sa kwarto habang nasa sala ka, hindi malabong…. at hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil sabay silang nagtakbuhan palabas ng bahay habang minumura ako ni mrs. cabron habang masuka suka ang anak namin na sisinghap singhap ng hangin sa labas.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “.. at nakalipat na kami”

  1. WOW!!!! I can’t believe you visited my site! Thee Jon Cabron!! Haha!! =) Anyways, thanks for the help regarding the google thingy! I will try that nga! =)

    Congrats on your new home! I just love how you described your utot! Haha!! You’re soooo funny!! =)

    ==
    at bakit naman hindi, e lagi naman akong handang pumasyal sa mga blog ng mga kasing ganda mong babae. sa totoo nyan gusto kitang ipasyal sa bahay kong pink… pero magagalit ang asawa ko.

  2. pede palang pang sabak sa gyera ang utot mo😀 pero sabi pag malakas daw ang utot eh di mabaho.
    hmmnn.. ako nga minsan iniisip ko kung alin mas nakakahiya… malakas na utot na walang amoy o mahina pero mabantot naman😀

    ==
    hindi ako normal.

  3. so finally nakalipat na pala kayo. at alam ko na hindi ako invited sa blessing. bakit? dahil sinabi mo.

    ayokong isipin ang itsura ng ipis na tsinugi mo. nyi!!!

    at ayoko ding isipin kung gaano kalakas ang amoy ng utot mo dahil umabot pa hanggang kwarto niyo at kinailangan pa ng mag-ina mo na lumabas ng bahay na pink.

    lols….!

    ==
    hindi ka invited sa blessing pero pwede tayo mag sneak in sa mga panahong panggabi si mrs cabron.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s