lipat-bahay etc.

busy sobra, andaming ginagawa dito sa bahay kaya pakurot kurot lang muna ko sa online, pasensya na sa mga email at comments na sobrang late ko na narereplyan at sa mga text messages na hindi ko na nakuhang sagutin. maraming salamat.
hindi natupad yung plano namin ni mrs. cabron na mag out of town sana ngayong bertdey ko, nakakapanghinayang dahil tatlong araw akong walang pasok, isang birthday leave, isang ordinary off, at isang vacation leave. sayang.
biglaan din kse yung nangyari, napagusapan lang nung umaga, follow up nung hapon.. email sa kapatid  kinabukasan na sinagot bago mag gabi.. isang araw lang ang lumipas nagising na lang ako na inilalabas na yung mga gamit ng kapatid ko sa bahay nila.

1. nagtatrabaho sa magkahiwalay na bansa ang kapatid ko at asawa nya.
2. nasa malaysia yung kapatid ko at nasa US yung asawa nya.
3. dito sila nakatira sa isa sa tatlong paupahan namin sa may likod.
4. andito sa nanay ko yung isang anak nila.
5. nasa magulang nung asawa nya sa bulacan yung bunso.
6. at yung panganay na anak ng kapatid ko sa namatay na asawa nya ay nasa ex biyenan nya.
7. uuwi na sya next month.
8. at apat na taon pa ang asawa nya dun.
9. nagmamahalan pa rin sila at yung mga katawan lang nila ang magkahiwalay. hindi ang mga puso nila.

sinabi ko sa email ko na tutal naman sila lang mag aama ang magsasama sama, ako na lang ang titira sa bahay nila, para kahit papano may maipundar ako at may marating ang sweldo ko. sinabi ko sa kanya na desidido na akong bumukod at kung hindi sya papayag wala akong choice kundi maghanap ng bahay sa ibang lugar, .. pumayag sya at nung kinabukasan din nun, nagsimula ng pagpalitin ang mga gamit sa bahay nila at dito sa kwarto ko. hindi naman ganun kabigat na hakutan ang nangyari dahil yung ibang gamit n’ya ibinibigay na raw sa amin. semi furnished, coolness’
nagsimula na rin yung kinuhang mag repair ng ilang dapat ayusin dun sa bahay at pinapinturhan din ng magaling na asawa ko ang bahay habang wala ako at nasa labas, walang naganap na konsultasyon o palitan ng opinyon, basta pag uwi ko nangangalahati na yung napinturahan at nasa isang sulok si mrs. cabron yakap yakap ang anak namin na nakangiti at parang sinasabi ng mga mata n’ya na..
“surprise jon! pumili ako ng kulay na nababagay sa pagkatao mo.”

hindi pa kami nakakalipat sa ngayon pero halos 85% ng mga gamit namin andun na, pinoproblema ko itong pc ko, kailangan kong mag apply ng bagong telepono at dsl. tinatamad akong mag asikaso ng requirements. wala akong tyaga sa ganun. bahala na, pero for sure hindi ako papayag ng halos isang buwan akong mawawalan ng net. ang liit ng cr namin, nakakapanibago dahil dito ang laki laki ng cr, at isang lugar dito sa bahay sunod sa kwarto ko na pinaka paborito ko ang banyo. matagal akong maligo, matagal akong tumae at natutuwa ako pag nakikita ko sa salamin ang hubo kong katawan.. pero wag na nating pagusapan pa yung mga personal na bagay na yun.
madami akong mamimiss sa bahay na ‘to. yung bunganga ng nanay ko, mga iskwater mentality na hindi marurunong kumatok sa pinto, terrace na may abnormal na grills kaya nakakahilong magyosi, yung set na masarap higaan pag lasing ako, at yung kwarto kong kulay orange at ang mga makamundong pagnanasang ginawa ko sa apat ma sulok ng silid na ‘yun… ng mag isa.

bertdey:
.. at dun sa mga nagsend ng pictures nila para sa PIBERTDEI page ng blog, maraming salamat sa suporta at alam kong tulad ko e mga busy din kayo sa kanya kanya nyong buhay pero napagbigyan nyo ko sa hiling ko na kumurot ng konting minuto, magsulat, magpakuha ng picture at mag email.. i appreciate it and i am deeply indebted, bawi ako next time.
.. at sa mga kumpare kong nagpunta at nakipag inuman sakin sa harap ng dalawang tipak na liempo, dalawang araw bago ako mag bertdey, maraming salamat sa pagpunta lalo na dun sa mga nagcancel ng appointments at mga hindi pumasok sa trabaho dahil halos last minute na yung imbitasyon ko. salamat, salamat.. sana lang nung nalasing ako at nakatulog, hindi nyo na ko pinaglaruan at iniwang half naked sa kinahihigaan ko. bawi ako next time.
.. at  dun sa mga nagkumpirmang pupunta pero hindi sumipot, naaawa ako sa inyo dahil ang lulungkot ng buhay nyo.
.. at sa mga hindi nagpadala ng picture, langoy lang ng langoy.. malalim ang tubig at mataas ang alon.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “lipat-bahay etc.”

  1. bakit pink???!!!!

    naantig na sana puso ko at sinabi sa sarili. “aba, malambot din pala ang puso ni cabron kahit paano. dahil nakuhang magpasalamat ng galing sa puso sa mga taong nakapagbigay ngiti sa kanya sa kanyang kaarawan…”

    kaso mo, bumanat pa sa huli..

    .. at sa mga hindi nagpadala ng picture, langoy lang ng langoy.. malalim ang tubig at mataas ang alon.

    bwahahahahaha!

  2. sayang.. tapos na pala yung pagpapasa ng piktyur.. medyo naging busy din ako.. xencia na..

    ganda ng pink! kakaiba talaga mrs. cabron!😀

    ==
    iniisip kong maging habambuhay yung pagpapadala ng picture.

  3. semi furnished, coolness’—-> cuteness naman ng expression na ito. reminds me of my friends nung kolehiyo pa lang kami. hehehe.
    translation: ang tagal na nito jon, magisip ka naman ng bago😦

    at sa mga hindi nagpadala ng picture, langoy lang ng langoy.. malalim ang tubig at mataas ang alon. —> buti na lang marunong ako lumangoy. hehehe. tulad ng nasabi ko sa isa kong post, sensya na’t wala pang picture… darating, kahit huli… (kung di mo kaya na isang buwan walang net sa bahay, imajinin mo ko, almost 3 mos. na! waaah!)
    hindi ko kaya ang 3 months, unti unting mabubulok ang mga daliri ko.

    hindi mo nabanggit kung nagustuhan mo ang bagong kulay ng kabahayan mo… kunsabagay sinabi mo na gay ka, that should’ve answered it, hahaha. masakit sa mata ang pink!
    hindi masakit sa mata ang pink dahil naglalarawan ito ng isang baklitang mayumi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s