ang misyon

nagising ako ng alas dos ng madaling araw kanina, naalimpungatan at pupungas pungas na tumayo para kumuha ng tubig, at habang naglalakad ibinabalik ko sa ala ala ko yung panaginip na nagpagising sakin,

nagsisibak daw ako ng kahoy sa isang gubat ng bigla akong nakarinig ng ng isang boses na dumadagundong na hindi ko alam kung saan nagmumula, at ang sabi sakin

boses: anak, ikaw ang napili ko para sa isang misyon.
jon: huh?! sino po kayo?
boses: hindi na importante kung sino ako, idiot!
jon: hmmkei, ano pong misyon?
boses: sa susunod na linggo ay uulan ng walang tigil hanggang sa mga susunod na araw at buwan, inuutusan kitang gumawa ng isang maliit na barko na yari sa kahoy, at isakay mo dun kung sino ang mga inaakala mong karapat dapat at dalhin mo sila sa isang mataas na lugar.
jon: huh!? .. pero bakit po ako? hindi ako karapat dapat dahil masama akong tao, mahilig akong mang away sa blog ko at bastos ang bunganga ko at wala akong galang sa kapwa ko.
boses: alam ko. pero ikaw ang nakatakda, at ang nakatakda ang kailangang maganap.
jon: hmmmkei, pero hindi po ako marunong gumawa ng barko, ni hindi nga ako marunong gumawa ng isang simpleng patungan ng plorera.
boses: plorera… lols!
jon: lols.
boses: sige na, gamitin mo ang utak mo.
jon: sige po.. pero pano ko po malalaman kung sino ang mga karapat dapat.
boses: isipin mo lang na ang sinumang maliligtas ay nasa iisang buklod.
jon: buklod.. lols!
boses: lols. o’ sya! sige na.
jon: ok po.

.. at naiwan akong nag iisip, kailangang hindi ako magkamali sa pagpili, tiyak na malulunod ang mga maiiwan, at dahil panaginip lang ang lahat ng ito, sinimulan ko na raw manguha ng mga troso na gagamitin ko sa paggawa ng barko, at ilang sandali pa.. naghubad daw ako ng damit at itinira lang ang pantalon na maong na fit na fit sa malalaki at siksik kong mga hita, at pawisan kong sinimulan ang pagsisibak ng kahoy at paggawa ng isang maliit na barko, habang may nakasampay na good morning towel sa balikat ko. tumutulo daw ang pawis sa siksik at matipuno kong katawan habang pinapalakol ko ang mga malalaking troso, galit na galit at flex na flex ang mga biceps ko sa bawat pag sibak ng kahoy, at ilang araw pa ang lumipas, natapos din ang isang maliit na barko ng hindi man lang ako nakaramdam ng kahit na anong pananakit ng katawan. at lumipas ang mga araw at ilang oras na lang ang natitira para sa malakas na bagyo, wala pa rin akong napagdedesisyunan na isasakay sa barkong ginawa ko. naisip ko ng mabibigo ako sa misyon ko, at dahil dun naisip kong magpakalunod na lang din tulad ng lahat, nagsimula ng pumatak ang ambon, palaki ng palaki ang patak hanggang sa naging ulan.. desidido na ‘kong magpakalunod, imbis na asikasuhin ang pag hahanap ng mga karapat dapat isakay sa barko at maligtas, nagbukas ako ng pc at tinignan ang blog ko… nagbackread ako at inisa isa ang bawat detalye ng blog ko, andami ko palang naging kaibigan sa pagba blog, isa ito sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. sumilip ako sa bintana at nakita kong nagsisimula ng tumaas ang tubig sa labas, ng biglang may pumasok sa akin na ideya, alam ko na kung sino ang mga karapat dapat na iligtas ko…. madalian kong tinawag ang mahiwagang boses

jon: sir!!!!!! nakapag desisyon na po ako.
boses: oh?
jon: napagdesisyunan ko na, kung sino ang mga isasama ko sa barko.
boses: magaling, magaling. sa ikalawang bundok na madadaanan nyo, dun kayo magtipon, at iyon ang magiging hudyat para tumigil ang ulan.
jon: k, salamat sir, pero pa’no nyo malalaman kung andun na kami?
boses: txt mna lng me.

.. at nagsimula na kaming maglakbay ng mga kaibigang napili kong isama sa paraiso, habang nakikita namin sa labas ang mga blogger na unti unting kinakain ng malakas na agos ng tubig. wala akong nagawa kundi malungkot, kung nakinig lang siguro sila sakin, kung nakipag tulungan at nagbigay ng konting oras.. haaaays. ng bigla kong napansin ang isang bakanteng espasyo pa ng barko… napasigaw ako ng may oras pa! pwede pang magsakay ng ilang tao at kakayanin pa ng barko… mabilis akong dumungaw sa bintana at naghanap ng mga huling taong maisasama namin sa kaligtasan at sa paraiso,
ako at silang mga tapat na kaibigan ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

25 thoughts on “ang misyon”

  1. bwehihihhihihi tapat daw eh, ganda ng entry lols daw, word of the day plorera at kasama pa ako… ay di pala LCD monitor, keyboard, mouse, external HDD, kamay & Holy Family picture ko lang kaya ang kasama jon? yun lang kasi ang nasa larawan na pinadala ko eh T_T

  2. niyahaha! huli na pala ako waaaaaaaa!

    kasalanan ko ba kung nasira ang cam ko at di gumagana ang bluetooth ng cp cam ko para dapat makapag uplaod ng pic???! Ha?!? Ba’t di mo tinext ang boses na parating ako!!!!
    😥

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s