‘zup?

pag ang katakut takot na entry ay parang utot na biglang nagkalatan sa utak ko, lahat yun nahihirapan akong simulan at ihanda para maihain sa inyo. kaya pagsasama samahin ko na lang,. at game na.

sira ang pc ko sa bahay at may pakiramdam ako na iiwan n’ya na ako. tapos na ang maliligayang araw namin.. ang mga araw ng pagsusulat ko ng tula at awitin ng papuri at ang magdamagang pagba browse ng porn at pakikipag plastikan sa chat, at pagpapanggap na isa akong disinwebe anyos na binata at kamukha ko si dingdong dantes.
matagal na s’yang tinotopak, may galawin ka lang sa loob, tsambahan na kung bumukas pa s’ya ulit, minsan nakukuha sa ilang ulit na pagpipindot ng reset at power button, pero pag pinagusapan ang salitang tsamba.. mahina ako dun.
ilang buwan na rin s’yang maayos na tumatakbo, naisipan ko lang mag upgrade ng memory, mula sa 512 na dalawang 256mb naisipan kong bumili ng isang piraso na 1gig. binalik ko na sa dati ayaw parin. naisip ko ang isang matanda na malakas pa naman, pero mas gusto mo s’yang mas maging malakas, binilhan mo ng vitamins at naoverdose.. ganun ang nangyari sa kanya, at kung sasabihin mo sa’kin na wala namang naooverdose sa vitamins… gago ka!
dahil wala akong pc sa bahay at wala naman akong ibang libangan kundi iyon, wala akong gagawin ngayon kundi sumexy times kay mrs. cabron at mag anak ng mag anak, at dahil alam naman natin ang hirap ng buhay ngayon, hindi imposible na mapabayaan ko ang may isang dosenang magiging anak ko, at ilang panahon lang ang lilipas puro nasa mga lansangan na yang mga yan, mga prostitutes at mga adik na nanghahablot ng celfone. at lahat ng ‘yan dahil lang sa nag upgrade ako ng memory ng computer ko.
lahat ng bus ngayon na galing ng probinsya sa parteng laguna, sa coastal na dumadaan lumiliko sila sa may buendia, kaya naiba ang ruta ng byahe ko, kinakailangan ko pang bumaba sa may taft station at sumakay ng jip pabyaheng vito cruz, at kung nagagawi ka sa lugar na yun at napapasakay ka sa jip na sinasabi ko.. hindi maikakaila sa’yo ang amoy ng mga byahero sa lugar na ‘yun lalo na sa oras ng palengkihan, may amoy isda, amoy over time, amoy jabar, amoy masipag etc etc. at ang nagiisang naamoy kong mabango nung mga oras na yun… amoy jovan. naisip ko ang pabango ko lang sa katawan e yung deodorant ko pero pakiramdam ko luging lugi ako sa mga kasakay ko na ‘yun. sa susunod hindi ako maliligo sa gabi at pagkagising ko.. taena mag anghitan na lang tayo pare pareho sa byaheng yun.
pag itong pagbabago ng byahe na ‘to e hindi naging succesful mapipilitan akong baguhin ang gising ko ng alas kuwatro ng madaling araw sa alas tres trenta. at sobrang hassle yun sa isang taong may insomnia na tulad ko. at pag itong byahe na ‘to next month na alas dos ng tanghali ang pasok ko ay nagdulot sa’kin ng walang kamatayang pagka late at wala na ‘kong mukhang maiharap sa boss ko. magreresign na ‘ko at manghoholdap na lang ako.
o kaya magpapaka serial rapist na lang ako at mangha hunting ako ng mga birhen sa kalsada o mga estudyanteng ginagabi sa daan.

.. walang saysay ang buhay ko pag walang computer sa bahay.
at lumuluwag ang kapit ko sa kristyanismo pag ganun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “‘zup?”

  1. “at mangha hunting ako ng mga birhen sa kalsada..” <— masyado akong nabahala sa nabasa kong ‘to. ewan ko, pero inisip ko agad ang sarili ko… ang kapahamakan ko…at kung panu ko maililigtas ang sarili ko. O Lord!

    ==
    hmmmkei, kung sa’n ka masaya maru. kahit pa lokohin ko sarili ko. bwhahah!

  2. sayang…….. ='(

    “o kaya magpapaka serial rapist na lang ako at mangha hunting ako ng mga birhen sa kalsada o mga estudyanteng ginagabi sa daan.”

    di na ko qualified dito!!! lols…

  3. eto lang masasabi ko jon,yang pc mo eh internet enabled okies?…pag ako nasa labas at walang pc,open ko lang cell ko at napupuntahan na kita…

    pero since maligaya ka na…sanay mahalin mo ulit ako…at birhen pa ko…

    ==
    pero sinaktan mo ko nung nagcomment ka kay az.
    at naniniwala akong virgin ka pa, dahil virgin pa rin ako.

  4. di mo bang pwedeng nakawin na lang ang pc mo sa opisina para magamit mo sa bahay?

    ==
    bah! pwede, at naisip ko lang, pag nagkaimbestigahan matinding ebidensya ‘tong comment mo para madiin ako. nyay!

  5. .. walang saysay ang buhay ko pag walang computer sa bahay.
    at lumuluwag ang kapit ko sa kristyanismo pag ganun.

    or ang kabaliktaran…

    walang buhay ang saysay pag lumuluwag ang kapit sa kristyanismo.
    pag ganun walang bahay sa computer ko.

    palindrome? o isang hamak na komento ng isang taong banas.

  6. haha! serial rapist..katakot..parang tototohanin mo na. lols! buti na lang at naayos rin pala ang computer mo. muntik ka ng lumihis sa ibang landas..baka masiraan ka na ng bait kapag nakulong ka pa. lalong walang pc dun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s