“lucky” day

mula nung pumasok ang buwan ng april, lagi na ‘kong masiglang bumabangon sa higaan, madalas bago pa lang tumunog ang alarm ko ng alas kuwatro, nagyoyosi na’ko sa banyo habang nagiinit ng tubig na hinahati ko sa pangkape at sa pangluto ko ng instant pancit canton. isang yosi pa ulit pagkakain, pasok sa banyo at ginagawa ko lahat ng kinakailangan ng katawan ko at bago pa lang mag ala singko ng umaga, nakasakay na ko ng bus pabyaheng lawton. nasa akin ang lahat ng karapatan para maging masaya sa buwan na ‘to dahil bertdey ko na ilang araw na lang ang lilipas at kahit nangako na ko sa nanay ko at kay mrs. cabron na hindi ako magpapainom sa bertdey ko at para maiba naman ilalabas ko na lang silang mga pamilya ko at kakain kami sa kahit saang mamahaling kainan na gusto nila, sino ba naman ako para tuparin ‘yun e tao lang naman ako.
kanina lang sobrang ang sigla ko pa paglabas ng bahay, tulad ng dati madilim pa sa labas nun at masarap pa singhutin ang malamig na hangin. habang naglalakad ako pasakay ng jip, sinabi ko sa sarili ko sana lucky day ko, may makatabi akong magandang babae sa bus, maging mabilis ang oras sa trabaho at magkaron ako ng sapat na lakas at sapat na tapang ng deodorant para makapag mall pa mamaya pagkatapos ng trabaho ko sa opisina. pagbaba ko sa alabang, pahirapan sa pagsakay ng bus pero hindi ako pinanghinaan ng loob, umaasa parin ako na lucky day ko ‘tong araw na’to. at hindi ako nagkamali, ang bus na kasunod nung naunang napuno, sa mismong harap ko tumigil at iisa na lang ang bakanteng upuan, sa tabi ng isang babaeng basa ang buhok at mukhang pagkabango bango. umusog sya nung sumenyas ako na uupo ako sa tabi nya, dun nya ko pinapwesto sa may bintana. umandar ang bus at tumuloy ang byahe, hindi tatlo o limang beses na nagkikiskisan ang mga siko namin at hindi lang anim o sampung beses akong natuksong akbayan sya o iholding hands. ang lamig ng balat nya at amputi puti nya sa suot nyang sleeveless, ewan ko kung normal pero kahit siguro lagyan ng kanin at ulam ang kilikili nya sa sobrang kaputian at kabanguhan, hindi ako madidiring kumain dun. lucky day, pero parang hindi ako makuntento lalo na pag napapansin kong tinitignan nya rin ako ng palihim, at nung sa pang apat na mahuli ko syang nakatingin sa mukha ko, at tila napahiyang iniiwas nya yung tingin nya nung nahuli ko s’ya, tinanggal ko ang kaliwang earfone ko at nagtanong sa kanya ng ubod tamis at sa malalim at husky na boses “miss, bakit?” at sumagot sya ng ubod tamis din at medyo pumipiyok pa “mama, pwede pong pasara ng bintana, giniginaw na’ko” tinawag akong MAMA ng putang babae at wala akong nasabi kundi “ahh ok” para akong nasa dagat na naggawa ng kastilyong buhangin at ngayon unti unti kong tinitignan kung papanong wasakin unti unti ng rumaragasang alon ang aking obra maestra. naisip ko na lang na hindi masisira ng babaeng ito ang lucky day ko, kung hindi sa kanya pwedeng sa iba, at mag aala sais pa lang, mahaba pa ang araw. nang bigla akong parang nasamid at hindi ko napaghandaan ‘yun kaya wala akong nagawa kundi takpan ng kamay ko ang bibig ko, kasabay ng pagakyat ng lucky me pancit canton sa sikmura ko papunta sa lalamunan ko at palabas sa bibig ko. at dahil salu salo ng kamay ko ang ilang hibla ng pancit canton na isinuka ko at ilang kutsara ng likido ng magkahalong kape at tubig, hindi ko mabuksan ang bintana ng bus. kaya wala akong nagawa kundi ipasok ang kamay ko sa bag ko at dun sa loob nun pakawalan ang mga putangenang pancit na putangenang hindi ko napagngunguya ng maayos kanina, habang tumalikod yung babaeng may maputi at malamig na balat at nakita ko pa s’ya nung napailing sya sa matandang babae na parang inosente sa mundong kanina pa pala nakatingin at pinagmamasdan ang ginagawa ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on ““lucky” day”

  1. huwag mong hayaang sirain ng babaeng may maputi at malamig na balat ang araw mo. mahaba pa ang araw, marami pang pwedeng mangyari.

    april is your month… advance happy birthday JON CABRON!

    ==
    pero kinabukasan na ngayon at sira ang computer ko paguwi ko. i hate my life.

  2. mas katanggap tanggap pang tawagin akong kuya kesa naman “mama”. dapat diniskartehan mo na rin…sayang din yun! kaya lang sablay yung canton..pinahiya ka pa.

    ==
    close lang kami masyado ni jesas kaya lagi nya kong binibiro. yun na lang ang iniisip ko.

  3. ayan,nagmamadali kasi sa pag-nguya…umakyat tuloy…sayang iskor na sana lolz…dibale,maaga pa…maraming araw pa…

    ==
    seryoso, ikaw ang gusto kong araw arawin. pero may asawa na ko.

  4. Kapag badtrip ang araw ko at gusto ko ng ihataw ang mga silya sa pasyente ko, pumupunta ako d2. Napapatawa ako at nababawasan inis ko. Ang galing m0 mgbitaw ng salita talagang tagustagusan at gusto ko un dahil hindi ka kagaya ng iba na nagbabait-baitan. Buti nalang walang entrance fee pag view d2. Kung mer0n bka naubos sweldo ko heheh.

    ==
    salamat po at naaaliw ka sa mga kamalasan na pinagdadaanan ko. very inspiring at na touch ako. =(
    .. libre lahat dito, pero pwede mag donate lowest payb ow ow. fyi lang naman.

  5. hahah! TO ang pancit canton, jon! seryoso, sinilip ko lang tong blog mo, muntik pa kong mapahiya dun sa kaharap kong manong sa airport… muntik ko na kasi mabuga yung dried mango na nginunguya ko… adik!

    ==
    aksidente yun, ok? hindi ko kasalanan yun kaya hindi ako dapat mapahiya dun, at isa pa normal lang na pagdaanan natin paminsan minsan sa buhay natin ang pagsuka sa loob ng bus. at huli akong nasuka sa bus nung… grade 1 pa ko. siyet.

    nga pala, pinapanood ko ‘yung panalong youtube vid mo sa crew ko kanina, sobrang riot, ang ingay namin sa hotel… oo na, we’ll all dine in hell!!! napapangiti pa rin ako pag naaalala ko siya!!!😆

    ==
    bwahhahahh! yan ba yung naka maong na brief lang ako? hindi? k.

  6. langyang pancit canton pinahiya ka pa, tsk! hayaan mo na yung nakatabi mong girl, siguro feeling bata pa talaga siya. april is your month kaya sigurado lucky ang mga susunod mo pang araw.🙂

    ==
    sana at dapat lang dahil anak din naman ako ni jesas.

  7. tsk tsk.. lucky me pancit canton pala ang nagpa-“lucky” sayo.. mukhang di yun masyadong lucky ah..

    ==
    pero kahit isuka mo sya ganun pa rin ang lasa nya, may asim factor lang na nadagdag ng konti, nasabi ko lang naman.

  8. hahaha. mas natatawa ako sa mga replies mo sa comments mo. marami pang lucky days na pwede dumating bago ang birthday mo (ay isa na lang pala, korek? hindi?)…

    i always thought yung birthday ko this year would be special, turned out, parang most uneventful ata. hehe. naiimagine ko yung pancit canton sa bag mo? ulk, parang nasusuka rin ako. out.

    ==
    buti pinaalala mo, … di ko pa pala natatanggal.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s