isang update para sa entry na hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa pinaka estupidong taong nakasalamuha ko sa cyber world, si nonoy

update sa entry kong “hayaan nyong ipakilala..”
nakatanggap ako ng message kagabi galing sa nagpakilalang may ari daw ng picture at pangalan na inilagay ko dun, may gumamit daw siguro ng pangalan nya. nagtataka lang ako na hindi yung main email account nya ang ginamit, main account para masundan ko sya sa friendster at sa kung saan saan pa. pero anyway, matapos kong makipag debate sa isa sa pinakamatalino kong kaibigan, nakuha kong timbangin ang mga bagay bagay, pwedeng sya rin yung nonoy talaga at kasama sa paglalaro nya ang lahat ng ‘to at pwede rin naman na may gumamit nga ng pangalan nya, either way, sucks to be him.
nasa byahe na’ko pauwi, nagtatalo pa rin sa isip ko kung parang bulkan ba ‘kong sasabog o parang ilog na susunod lang sa agos ng istorya, at gaya ng isang matinong kristyano na tiyak na magugustuhan ng mga nanay ng mga kadalagahan na maging manugang nila, tinanggal ko ang picture at pangalan na nasa entry ko, at mahinahon kong ginagawa ang entry na ito ngayon.
iyon na siguro ang pinaka maginoong magagawa ko sa kwentong ‘to, walang labis, walang kulang. hindi ako magbubura ng entry at lalong hindi ako hihingi ng paumanhin sa kahit na sinong apektado sa kuwentong ito. dahil in the first place, nananahimik ako dito, masaya sa nagiging takbo ng blog ko ng biglang may tarantadong naligaw sa mundo ko, parang baklang uhaw sa atensyon na nagsasalita ng kung anu ano, sinagot ko lang at sinundan sa kung ano yung bakas na iniwan nya dito, kung pinainan nya man ako para ibang tao ang awayin ko, pwes’ issue nyong dalawa yun, kung galit man sya sayo kaya nya ginawa yun, kung naiinggit man sya sa kung ano man ang meron ka, o utang para sa isang kabayaran sa isang gabi ng maduming pakikipaglandian, labas na ko dun, wala na kong pakialam dun, nagkataon lang na natyempuhan nya ko sa maraming pagkakataon na umiiwas ako sa away pero hindi ako umaatras, at hindi ako nagpapalagpas. malinaw na galit sya sayo kaya nya nagawa yun, problema nyo yun, sarili nyong issue yun, wala akong pakialam dun.
hindi naman ako naglaro ng sasara ang bulaklak, dadaan ang reyna, kaya ako nakarating sa account mo, hindi ko tinakpan ang mga mata ko habang umiikot at kumekendeng, at napatapat ang hintuturo ko sa picture mo para gamitin sa entry ko na yun, kaya sa kuwentong ito … wala akong hinihingian ng pasensya. mabuhay tayong lahat ng mapayapa.

at sa huli, sa mga bisita ko.. alam kong ironic pero gamitin natin kahit sa entry lang na to ang comment box ko ng may kunsiderasyon, dahil off ko ngayon at ang ilang mga bagay na hindi ko kailangan sa mga panahon na ‘to ay mga gatong, patronizing shits, at mga haters.. dayoff ko ngayon at wala akong ibang kailangan kundi mahaba habang tulog, matamis na alak, at picture nyo para sa bertdey ko na katulad nung nasa bagong page sa taas!!
maraming salamat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “isang update para sa entry na hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa pinaka estupidong taong nakasalamuha ko sa cyber world, si nonoy”

  1. “at gaya ng isang matinong kristyano na tiyak na magugustuhan ng mga nanay ng mga kadalagahan na maging manugang nila”

    haha! panalo to! anlabo ng istoryang yan kaya hindi ko sasabihing naniniwala ako. basta ang importante, world peace. nga pala check mo na yung pic na sinend ko sayo😀 lols!

  2. idol, palagay ko escape goat lang ni nonoy yun para lang matanggal yung mukha nya sa kahihiyan.hehe.magaling ka lang talagang bumanat.dapat sayo media.adbanshapibertdi na la-aaahhng…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s