benteotso

ilang araw na lang bertdey ko na, ilang taon na lang mawawala na ko sa mundo.. walang nakakaalam baka nga matagal pa yung ilang taon, baka nga matagal na ang isang buwan, isang linggo, isang araw o kahit isang oras. yung natutulog nga lang ng mahimbing at payapang payapa sa kwarto nya namamatay pag inatake ng bangungot, yun ngang todo ingat sa mga kinakain nya, tadtad ng ehersisyo sa katawan at walang bisyo, pag oras nya na oras nya na talaga ako pa kaya na punum puno ng kemikal ang katawan? ako pa kaya na punum puno ng galit at pagkasuklam ang dibdib na nababalutan ng mga kolesterol.
nakapag isip isip nako. tama na yung dalawangpu’t pitong taon ng buhay na pahataw hataw, itong susunod na taon ko at kung susuwertihin pa ibibigay ko naman sa pamilya ko. tama na yung para sa sarili ko, sobra sobra na. nung isang gabing nagyoyosi ako sa may terrace namin ng magisa, habang umiinom ng kape, andami dami kong naisip. walong taon na pala yung anak ko, dadalawang beses pa lang kaming nagsasama sa simbahan, una nung bininyagan sya, pangalawa nung nag flower girl sya nung kasal ng ninong nya apat o tatlong taon pa lang yata sya nun, ayokong sa susunod na pasok namin sa simbahan ng magkasama e yung mismong araw ng kasal nya na, o ang mabigat, baka sa mismong araw pa na huling huli nya nang makikita ang mukha ko na sa malas e nasa likod pa ng salamin at natatakpan ng makapal na makeup. wag naman sana.
madalas naiisip ko na tatay lang ako ng anak ko kse asawa ako ng nanay nya, pero bukod dun parang wala akong natatandaan na nagpaka ama ako sa anak ko, bukod sa mga malalabnaw na pagbili ko sa kanya ng mga laruan o minsang pagbibigay ko sa kanya ng pasampu sampung piso o benteng pang miryenda. hindi ko alam kung papano maging ama, bukod sa kailangang iputok mo sa loob para makabuo ka. hindi ko alam kung papano umastang ama, hindi ko alam kung ano yung tamang reaksyon nung oras na kinukumbulsyon sya at nagdedeliryo habang karga karga ko sya. sakitin ako nung bata ako, sobra, pero wala akong naaalala na nagkasakit ako, at tumirik ang mga mata ko na sa tipong maliit na butas na nasisilip ko habang mataas na mataas ang lagnat ko.. wala akong nakikitang tatay. walang karaniwang tatay na nabubuo sa isip ko na kinakalma yung asawa nya, walang tatay na sunod sunod ang pagyoyosi kse kabado. walang tatay na hahawak sa kamay mo tapos tingin pa lang kahit di na sabihin dahil nahihiya syang magdrama dahil lalaki sya at lalaki ka alam mo ng pinapalakas nya yung loob mo.. wala.
hindi ko alam kung pano ba dapat magreact ang tatay pag nadadapa yung anak nya at tumatakbong papalapit sayo ng dumudugo ang tuhod at siko, ayokong magpakita ng pagaalala o takot dahil ayokong maisip ng anak ko na katapusan na ng mundo dahil may sugat sya, gusto ko syang papurihan dahil tumayo sya ng magisa at hindi inubos ang oras ng pagpapaawa sakin o sa nanay nya para itayo sya. pero naiisip ko na ganun ako nung bata ako, umiiyak ako lalo na pag nakikita kong hindi tumitigil sa pagdugo yung tuhod ko, umiiyak ako para itayo ako ng nanay ko dahil yun ang assurance ko na hindi nya ko papaluin, madalas napapalo pa ko pagnadadapa ako, hindi ko alam kung bakit.
sana naipaliwanag sakin na magandang tumatayo ka sa pagkakadapa pero hindi tamang porke’t nakakatayo ka magisa ayos ng madapa ka ng paulit ulit.. madalas sa dalawampu’t pitong taon ng buhay ko, nakadapa ako.. nakasanayan ko na. pudpod na rin yung tuhod ko at siko ko sa pagkakadapa pero akala ko ayos lang basta’t nakakatayo pa ko, di pala dapat, kse may mga sugat na hindi pumepeklat sa labas pero may mga iniiwang pinsala sa kaloob looban natin na hindi na gumagaling at nagiging kakambal na ng pagkatao natin.
ang mga magulang ko ang nagsilbing lakas at kahinaan ko sa buhay ko, at sarili ko ang naging sarili kong tagapag alaga. lumaki akong puno ng galit sa tatay ko kse hindi ko sya nakakasama at sa miminsang nasa iisang bahay kami nauubos lang ang panahon sa walang katapusan naming pagsusukatan ng prinsipyo namin at kung sino ang mas magaling na lalaki samin. wala akong natatandaang magandang pinagsamahan namin ng tatay ko nung bata ako.
at habang nagkakaidad ako at nabibigyan ng katwiran unti unti sakin na kinakailangang magtrabaho sa ibang bansa ng tatay ko para mabuhay kami, naiisip kong lalo akong nalulubog sa kasalanan sa anak ko, dahil hindi tulad ng tatay ko, hindi ko kinakailangang lumayo para mabuhay sila, pero unti unting nagkakatulad ang mga nakikita ng mga mata namin ng anak ko sa mga tatay namin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

35 thoughts on “benteotso”

  1. may panahon pa naman para mapakita sa anak mo na tatay ka niya.. gusto ko tong entry na to, nakita ko ang softer side ng matigas na si jon cabron.. naantig talaga ko kapag nakakabasa/nakakarinig ako ng mga ganitong kwento mula sa isang lalaki.. at dahil dyan, pag-iisipan ko talaga ng bonggang-bongga ang piktyur na nirerequest para sa iyong bertdey..πŸ™‚

  2. may panahon pa naman para mapakita sa anak mo na tatay ka niya.. gusto ko tong entry na to, nakita ko ang softer side ng matigas na si jon cabron.. naantig talaga ko kapag nakakabasa/nakakarinig ako ng mga ganitong kwento mula sa isang lalaki.. at dahil dyan, pag-iisipan ko talaga ng bonggang-bongga ang piktyur na nirerequest para sa iyong bertdey..πŸ™‚

  3. para sa isang malapit nang mag-bente otso na ama at asawa na tulad mo jon, saludo ako talaga sayo. mas malawak pa ang pagiisip at mas malalim pa ang iyong pananaw sa kumpara sa iba. para kang isang libro na nakakaadik basahin. walang pahina na hindi natatahimik, nagagalak, naiiyak, natatawa, napapamangha, at bumibilib ang mga bumabasa sa chapters ng iyong buhay. hindi man kita ganoong kakilala, pero ramdam ko kung paano mo yakapin ng buong higpit ang buhay, at harapin ang mga araw araw na nangyayari sayo. nakakabilib ang mga taong puno ng tagumpay, pero alam mo ba na mas bumibilib ako sa mga taong tulad mo?, na naging magulo at nakakwindang man ang takbo ng buhay, eh nakukuha pang magkwento ng buong tapang tungkol sa kanyang mga kahinaan at kapalpakan. ibang klase ang iyong ‘analogy’ sa mga sitwasyon, napapangalumbaba ako sa lalim ng iyong pag-iisip. hindi mo man maibigay sa anak mo ang tingin mong nararapat para sa kanya, pero sa paningin ko.. ISA KANG MAHUSAY NA AMA. at bakit dapat mong paniwalaan yan? kase sinabi ko.

    wag mo sanang masamain kung bibigyan kita ng isang malutong na mura… hindi dahil sa galit ako sayo. ganyan ako talaga pag sobrang bilib sa isang tao..

    PAKYU KA JON CABRON! ur not onli da man. U R TEH GOD!

    ps. gusto kitang makaharap sa inuman minsan. sarap siguro maglasing tapos pinaguusapan naten yung tungkol sa pagiging gwapo at astig nating ama sa ating mga anak.

    ==
    salamat az, iyan ang hinahanap hanap ko dati.. ang salita ng mga taong malaki ang agwat ng idad sakin. lols
    seryoso, isang karangalan na maappreciate ng isang taong tulad mo.. bakit? kse bastos din ang bibig mo kaya alam kong totoo sayo yung sinasabi mo, heheh. yaan mo dadating ang araw magkakaharap din tayo.

  4. para sa isang malapit nang mag-bente otso na ama at asawa na tulad mo jon, saludo ako talaga sayo. mas malawak pa ang pagiisip at mas malalim pa ang iyong pananaw sa kumpara sa iba. para kang isang libro na nakakaadik basahin. walang pahina na hindi natatahimik, nagagalak, naiiyak, natatawa, napapamangha, at bumibilib ang mga bumabasa sa chapters ng iyong buhay. hindi man kita ganoong kakilala, pero ramdam ko kung paano mo yakapin ng buong higpit ang buhay, at harapin ang mga araw araw na nangyayari sayo. nakakabilib ang mga taong puno ng tagumpay, pero alam mo ba na mas bumibilib ako sa mga taong tulad mo?, na naging magulo at nakakwindang man ang takbo ng buhay, eh nakukuha pang magkwento ng buong tapang tungkol sa kanyang mga kahinaan at kapalpakan. ibang klase ang iyong ‘analogy’ sa mga sitwasyon, napapangalumbaba ako sa lalim ng iyong pag-iisip. hindi mo man maibigay sa anak mo ang tingin mong nararapat para sa kanya, pero sa paningin ko.. ISA KANG MAHUSAY NA AMA. at bakit dapat mong paniwalaan yan? kase sinabi ko.

    wag mo sanang masamain kung bibigyan kita ng isang malutong na mura… hindi dahil sa galit ako sayo. ganyan ako talaga pag sobrang bilib sa isang tao..

    PAKYU KA JON CABRON! ur not onli da man. U R TEH GOD!

    ps. gusto kitang makaharap sa inuman minsan. sarap siguro maglasing tapos pinaguusapan naten yung tungkol sa pagiging gwapo at astig nating ama sa ating mga anak.

    ==
    salamat az, iyan ang hinahanap hanap ko dati.. ang salita ng mga taong malaki ang agwat ng idad sakin. lols
    seryoso, isang karangalan na maappreciate ng isang taong tulad mo.. bakit? kse bastos din ang bibig mo kaya alam kong totoo sayo yung sinasabi mo, heheh. yaan mo dadating ang araw magkakaharap din tayo.

  5. isa to sa pinaka magandang entries mo na nabasa ko. di lang isang beses ko binasa to. salamat at shi-nare mo sa amin ang mga minumuni muni mo tungkol sa buhay buhay.

    ‘maangas’ man daw ang pagkakilala sa u ng mga readers, pero sa likod naman nun, malambot ang puso mo lalong lalo na pag pamilya na ang pinaguusapan.

    ngayon ko lang din naalala ang ‘twitter update’ mo… >> joncabron: playing grand theft auto with my 8yr old daughter. quality time! << πŸ™‚

    happy birthday jon!

  6. ay grabe, parang naiiyak ako sa sentimyento mo.

    i love this post, alam mo ba?

    kung feeling mo ay nagkukulang ka bilang ama, di pa huli ang lahat. spend more time with her. tanda ko nung bata ako, i’d always hate my dad pag ginigising nya ako ng maaga pag weekends by tickling my knees. pero sa totoo lang love ko yun, kse yun ang lambing nya saken. yun ang bonding moment namin.

    uulitin ko, kahit matalas ang dila mo, saludo ako sa yo. sobra.

    ==
    salamat antuken, lam ko di maganda yung unang engkuwentro natin pero ganun lang talaga ko… kups,
    sensya na at salamat sa lagi mong pagbisita sakin dito.

  7. hmmm tama si enoch…ganon pag tumatanda diba?…nagiging ma-drama…halika’t tutulungan kitang palakihin ang anak natin …este anak mo…

    nice entry…touching…pareho tayo ng karanasan,lumaki akong galit sa tatay ko at walang respeto…kabit nya,kapitbahay lang namin,at isang eskinita lang kami sa tondo…imagine tondo na tabi-tabi ang bahay at ang pagitan lang namin sa kabit nya ay dalawang pinto…ilang taon akong nagtrabaho pero hanggang ngayon walang pundar dahil sa bisyo nya at pagka-iresponsable kasama na ng mama ko…masyadong magaan ang kamay nya at laging lumilipad kung hindi sa pisngi ko at sa pwet ko…naranasan mo na bang mabali sa pwet mo ang isang kahoy na washing board na dalawang sentimetro yata ang kapal…hanggang ngayon anjan pa din ang galit…wala pa rin ang respeto…..pero pinipilit kong maging mabuting anak,sana nakikita nya….

    syet tumatanda na rin yata ako…

    ==

  8. 20 anyos ka lang naging ama? uhhmmm di pa naman huli ang lahat. mabuti na rin at alam mo at aminado ka sa mga pagkukulang mo sa anak mo. kelangan mo lang naman eh aksyunan yan para mapasaya mo sya..higit pa sa pasampu sampung pangmeryenda kelangan quality time..alamo na yun mas matanda ka sakin. parang history repeats itself noh? panigurado matutuwa ang anak mo sa iyong binabalak na transformation…pibertday pards! mahaba pa ang buhay mo!

    nga pala..pagsasamahin namin yung pic namin ni chillidobo tutal magkasama naman kami dito sa opis..haha! abangan mo yung greeting pic na isesend naminπŸ˜€ long live joncabron!

  9. Hehe, Click pala nakapag-inspire sa yo to write this entry. But seriously, being a parent is one of the greatest thing that ever happened to me. You should cherish the time you have with your daughter. Kids grow up too quickly. We could buy them toys and stuff but what matters most is the time we spend with them.πŸ™‚

  10. Hehe, Click pala nakapag-inspire sa yo to write this entry. But seriously, being a parent is one of the greatest thing that ever happened to me. You should cherish the time you have with your daughter. Kids grow up too quickly. We could buy them toys and stuff but what matters most is the time we spend with them.πŸ™‚

  11. magka-edad pala tau matanda ka lang sa akin ng ilang buwan.
    agree ako sa kanila very touching ang post na to–about a father who wants to be a responsible father na laging may time sa anak nya. hope every father will have the same realizations as yours para wala ng mga anak na makakaramdam ng abandonement.
    i too always wanted to be a good mother to my daughter and be always available everytime she needed me kaya nga kung di ko lang kailangan magtrabaho mas gugustuhin kong maging full time mother.
    advance happy birthday!

  12. hayop sa ganda ung kwento mo pababasa ko to sa asawa ko kasi di kau nagkakalayo ng pakikisama sa anak nya sana pag nabasa nya to maisip nya rin at marealize ung mga pagkukuang nya.. im proud of you bihira sa ama ang uma accept ng pagkukulang bilang magulang… YOUR THE MAN MR. JON CABRON… ALWAYS ME BASA SA MGA SINUSULAT MO..

  13. oi, i never thought na kups ka… suplado, oo kups hindi… hehehe…

    atsaka ayos lang naman ang unang engkwentro natin ah… antipatiko ka… hehehe…

    mas mauuna pala birthday ko sa yoπŸ˜‰

  14. oi, i never thought na kups ka… suplado, oo kups hindi… hehehe…

    atsaka ayos lang naman ang unang engkwentro natin ah… antipatiko ka… hehehe…

    mas mauuna pala birthday ko sa yoπŸ˜‰

  15. i have always been an avid reader of your blog, though di ako nagpapakilala. minsan disagree, pero mas madalas agree ako sa mga topics mo. anyway, that’t beside the point. i like your wrtitng style. parang…do you read bob ong? anyway..just to let you know, pampaalis ng boredom ang magbasa at tumabay dito. makes me think of moving to wordpres…hehehe.

  16. paminsan-minsan pala meron ding values na nakukuha sa mga pelikula at hindi lang superficial entertainment (teka, anu yung sinabi ko, lol). tama yan parekoy, ang masasabi ko lang eh pangatawanan mo na ang pagiging ama simula ngayon..karirin mo na tol! haha. ako sa mga pamangkin ko muna ako nagpapraktis, at least sa kanila eh pde ako mag” Time- first” par di ko na kinakaya ang kakulitan nila. Iba pag totoong anak mo na, laman ng laman at dugo ng dugo. Totoong bata yan..pisilin mo tignan mo solid..hehe. gudlak sa pagiging father. -apir-

  17. i have same sentiments, biente-otso rin ako parang ang hirap tanggapin na ilang taon nalang mawawala na ako sa kalendaryo. palaging tanong sa akin kung kelan daw akong mag-aasawa aba’y malapit na akong mawala sa kalendaryo… sagot ko nalang ok lang yun may lotto at bingo pa naman…

    **koment ng tambay from http://tambayannibyter.i.ph

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s