teh god


1. kelan ako naghanap ng kakampi pag may kinakalampag ako sa net? wala akong natatandaan, kaya ko ang sarili ko. masamang pakinggan pero jovi, sa puntong yan di ko kayo kailangan.. kahit sino sa inyo.
2. at hindi ko kailangang mangaway o gumamit ng ibang tao para magmukhang astig, dahil jovi, kung yun ang intensyon ko hindi ko na siguro ipaglalalagay dito sa blog ko yung mga pagkakataon na niyayari ako ng asawa ko at maraming pagkakataon na natatameme ako ng ibang tao sa byahe ko. at isa pa jovi, jovi, jovi,… astig ako sa kahit na anong paraan at pagkakataon. kahit tulog lang ako o tumatae ng wala sa lugar at nasa maling pagkakataon, kaastigan pa rin yun, bakit? dahil sinabi ko.
3. ako ang diyos ng sarili ko.
4. anong pagpapalaki pa ng cyber dick ang sinasabi mo? kailangan ko pa ba yun? hindi na kse masyado na kong mayabang at ilang beses ko na ring pinatunayan na kung pabastusan rin lang ng cyber bunganga e wala ng tatalo pa sakin. iyon e binatay ko sa mga dating sumusubok ng pagaguhan sakin.

kung alam ko na ako yang tinutukoy mo dyan sa entry mo na yan di na sana ako sumagot ng ganito

nagmukha lang tuloy akong tanga.

..
JOVI: talaga bang dapat nyo pang pag usapan ni lenggai yun? kung pano magpaparinig sa blog?
JOVI: sorry ha? feeling ko kasi napagtulungan ako
JOVI: tsaka kala ko ok na. may natitira pa pala
JON CABRON: anong sinasabi mo?
JON CABRON: so ako pala yung pinaparinggan mo dun sa entry mo?
JOVI: your new post
JOVI: pinagusapan nyo ni lenggai kamo
JON CABRON: binasa mo ba ng maayos?
JOVI: e nandun na naman yung kina asar mo sakin
JON CABRON: basahin mo muna ng maayos at idilat ng mabuti yung mata at utak mo bago mo ko komprantahin at gawan ng entry sa blog mo
JOVI: actually ok lang
JOVI: tinatanong ko lang
JOVI: ay ganun ba yun? ako bawal magsulat ng ganun sa blog ko?
JOVI: lam mo jon, wala akong laban sa yo. kung sa ganyan din lang. minsan nga lang sumasama rin ang loob ko na nagbblog din ako
JOVI: pero in the long run, la ako laban sayo
JOVI: kung ang intention mo, sumama yung loob ko, congrats kasi it worked

inaantok na ko, la pakong tulog buhat sa 10pm – 6am shift.wala akong maisip na matinong sasabihin sayo sa mga oras na to at iniintindi ko na baka nabubulagan ka lang at binibigyan kita ng ilang sitwasyon kaya di mo nabasa ng maayos o naintindihan yung entry ko, syempre malay ko ba kung habang binabasa mo yun natakpan ng bangs mo yung mga mata mo kaya nag iba intindi mo o kaya ahhhhm inaantok ka o gutom kaya di masyado naabsorb ng maayos ng isip mo yung entry ko at dahil sa gutom o antok e nag gawa ka ng entry para tirahin ako…. nakalimutan mong ako nga pala si TEH MIGHTY JON CABRON.
payo lang jovi, pag nakipag kaibigan tayo wag nating iprogram yung tao na naaayon sa gusto natin, tanggapin natin kung ano sya at kung hanggang san lang sya at mula dun, dun tayo magsimula. wag tayong maging imposible! at isa pa, matuto tayong
tumahimik muna.. magisip.. at makiramdam.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “teh god”

  1. tanggapin natin kung ano sya at kung hanggang san lang sya at mula dun, dun tayo magsimula. wag tayong maging imposible! at isa pa, matuto tayong
    tumahimik muna.. magisip.. at makiramdam.

    KOREK!

    wala akong kakampihan. dahil wala ako alam sa nangyari at ayoko ng malaman pa. malaki na kayong dalawa. bahala kayo sa life nyo mga pusong mamon.

    nagmamahal,

    TEH DEVIL

  2. Sa kanya-kanya nating mga espasyo sa net, tayo ang diyos…

    Pero sa tunay na buhay, may mga mas malalaking espasyo na kailangang punan ng mas malawak na pag-unawa.

    Gaano man ito kaliit o kalaki… dapat itong respetuhin.

    Kapag naging higit pa sa ka-blogroll ang turing natin sa isa’t isa, kailangan nating maging mas maingat…

    May mga bakas kasi tayong naiiwan na hindi puwedeng iedit o burahin ng isang click lang.

  3. i know this is a big issue for you, jon, pero aaminin ko, natawa lang ako sa sinulat ni pongpagong: “sino si jovi?”

    no offense meant. sinabi ko lang ang nasa saloobin ko. wala po sanang magalit.

    no comment ako sa content ng entry. baka makapagproduce ako bigla ng bagong show entitled “Damayan.” ayaw ko nun, kababalik ko lang sa blogworld.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s