benteng sangkap ng chopsuey

matagal na naming napag usapan ni lenggai tong topic na binubuo ko sa isip ko, pero dala ng katamaran at paurong sulong sa paggawa ng entry, naunahan ako sa isa ni jovi. at ngayon kahit medyo sa tingin ko parang hilaw pa, kailangan ng pitasin at ihain sa inyo. pasensya na kung medyo maasim pa at madagta. ibuka nyo na ang bibig nyo, at isubo nyo na to… aaaah ang sarap isipin.

1. katulad ni jovi, hindi ko rin maintindihan yung mga babaeng nagsusuot ng bathing suit sa beach tapos tinatakpan din naman nila ng kung anu ano. at tatanggalin nila yung takip pag lulusong na sila sa tubig. masabi lang?
2. yung mga umaalis at nagpupunta ng ibang bansa o ng ibang lugar, bakit kinakailangan na pasalubungan mo yung mga kaibigan mo ng isang bagay na souvenir sa lugar na pinuntahan mo, hindi mo ba naisip na sayo lang may importansya yung souvenir na yun.
3. para sa babae, bakit kailangan mong magpatattoo sa may likod ng bewang mo kung hindi ka naman mahilig sa doggie 😉
4. 95% na may nangyayari na sa isang babae at sa boyfriend nya, pag bumili sya o nagpabili sa nanay nya ng itim na bra at panty. bakit ka pipili pa ng kulay kung wala ka naman palang pagpapakitaan.
5. kalokohan na maglagay ka ng otomatik na tumutugtog sa layout mo na kanta, dahil una.. nakakabagal lang sa paglu load yun, pangalawa hindi lahat ng visitor mo e naka broadband, at pangatlo at pinakaimportante sa lahat… hindi lahat e trip yung gusto mong kanta.
6. bakit pag may kaibigan kang nagsabi na kailangan nya muna ng katahimikan, mangungulit ka pa rin hanggang sumama lang ang loob mo.
7. pag ba may naghuhurementado sa labas ano ang dapat gawin, manatili na lang sa loob ng bahay hanggang kumalma yung naghuhurementado at matapos yung gulo o yung lalabas ka pa at iinterviewin yung naghuhurementado?
8. magka dugtong yung 6 at 7
9. hindi mo obligasyon na ubusin ang lahat ng widgets sa wordpress, kung wala kang account sa flickr, wag kang maglagay ng widget na yun sa layout mo.
10. kagaguhan na gumamit ng naka leet speak words bilang username sa email address ex. funkzk8r or 14m50c00l@gmail.com, hindi mo lang papahirapan ang pagbibigyan mo nyan, gagawin mo pang mukhang engot ang sarili mo kaka spell ng email address mo tuwing may kukuha nun sayo.
11. ang ibig sabihin ng bitch ay babaeng aso, kaya sino ang nagsabi sa babaeng to na cool ang salitang bitch?
12. nakabasa na ba kayo ng mga tawang hindi malaman kung pano naimbento?
ex. wajajaja kamusta ka na!? or wekekeke testi naman dyan! nakakaburat di ba?
13. kalokohan na para sakin ang mag add ka sa friendster account mo ng hindi mo naman kakilala, basta na lang sumulpot, pssst add mo naman ako! mas kalokohan yung kinabukasan pagka add mo makakatanggap ka ng message, “tnx sa pag add, testi naman dyan!” tae! testi e di nga kita kilala anong kalokohan ang ilalagay ko?!
14. kung iaadd mo ko sa friendster, wag mo kong lalagyan ng mga glitter shits na testi na naggagalawan, isang malaking kahunghangan yun, walang sinseridad at aminin mo man o hindi e gusto mo lang makita ang pangalan mo sa account ng may account. papansin!
15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!
16. at tigilan mo ko sa mga email at friendster messages na walang katuturan, maniwala ka sakin.. hindi mamamatay ang magulang mo at hindi ka mamalasin pag hindi mo naiforward sa sampung tao yung message na yun. grow up!
17. at hindi rin susulpot ang crush mo pag nakasampu kang tao na napag forwardan nun, loser!
18. kahit anong sakit ang dumapo sayo kung nakakakita ka pa naman, hindi ka mabubulol sa text sa kahit na anong dahilan. sobrang effort lalo ka lang nahahalata. ang abnormal ng dating.
19. at dapat mong malaman na ang magaling na malakihang pagsisinungaling ay kinakailangan ng sapat na preparasyon.
20. at kung may sakit ka, magpahinga ka at tigilan mo yang kakapuyat at kakachat sa inyo, drama queen!

.. sa lahat ng kaibigan na tinamaan, pasensya na pero sa mga oras na to, alas kwatro ng madaling araw, iyan ang pumasok sa isip ko. kung medyo nahagip kayo, ohe’no kanya kanya yan. basta yan ang opinyon ko at dapat mo ring pag isipan yan, bakit? kse sinabi ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

30 thoughts on “benteng sangkap ng chopsuey”

  1. 5 malungkot na katotoohanang di nila alam, at kawawa ang mga dial up users at mga kantang di ma intindihan ng iba.

    11 nag aaral pa kasi kaya di nya alam ang ibig sabihin ng salitang “biyatch” cool nga ba daw? halatang taga visayas o mindanao region etong whore, slut & wanna be nato eh. mag aral ka nalang at matutuwa pa mga magulang mo ineng.

    13 tumpak, at sasabihing ignore at denied daw. eh sa di kita talaga kita kilala diba? get lost! ei btw ano meaning ng testi jon?

    15 mga gago talaga yang mga nag tetext speak para saan pa at kumpleto ang letra ng mga handyphones? tell me jon! tell me!

    16-17 isa pa etong mga spam sa email & friendster. taragis! modem na ngayon mga ka friendster, tanga na kung oras mo na oras mo na di yung forward ka ng forward ng ganyan.. mamalasin? hihiling? ang magandang gawin para sa mga ganyan eh gawin mo para ma tupad yang mga yan at haluan mo ng panalagin sa itaas… tapos KILOS at tutulangan ka ni lord..

    panalo tong entry mo jon. pish out!

  2. 7. pag ba may naghuhurementado sa labas ano ang dapat gawin, manatili na lang sa loob ng bahay hanggang kumalma yung naghuhurementado at matapos yung gulo o yung lalabas ka pa at iinterviewin yung naghuhurementado? –> lalabas at babarilin ng stun gun yung naghuhurementado…

  3. yung sa no.1 sa pinay lang yan applicable dahil sa ibang lugar tulad dito sa nz e talagang naka-expose yung mga naka 2 piece. yung mall nga na katabi ng opis namin ay mga 200 meters lang layo sa beach, minsan naka swimsuit yung mga babae nagpupunta ng mall (olrayt!!).

    tutal napag-usapan na lang din, hindi ko din type yung mga blog na sangkaterbang pa-ekek tulad nung merong nagsasabi pa kung ilang spam comments na ang na-reject ng site niya. para sa akin “weno ngayon?”

  4. 5. kalokohan na maglagay ka ng otomatik na tumutugtog sa layout mo na kanta, dahil una.. nakakabagal lang sa paglu load yun, pangalawa hindi lahat ng visitor mo e naka broadband, at pangatlo at pinakaimportante sa lahat… hindi lahat e gusto yung gusto mong kanta.

    – tama!

  5. 15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
    ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!

    >>dito ako gigil na gigil sa mga tropa ko at mga pinsan ko! may mga edad na ang hilig pa rin mag text-speak! lintek!

  6. “2. yung mga umaalis at nagpupunta ng ibang bansa o ng ibang lugar, bakit kinakailangan na pasalubungan mo yung mga kaibigan mo ng isang bagay na souvenir sa lugar na pinuntahan mo, hindi mo ba naisip na sayo lang may importansya yung souvenir na yun.”

    oo nga! kainis yan.. kaya ako hindi bagay hinihingi ko eh, cash lang, yun currency dun sa pinuntahan ng tao.. malay mo, makarating ako sa lugar na yun or may pwede ako pagbentahan na kaibigan na pupunta dun ahehe

  7. lols mukang mkaka luto ako ng chopseuy ah!😆

    #4 – di ko nga maintindihan bat mas mahal pa yung mga underwears kesa sa mismong damit eh la nmn mkaka kita unles may balak ka maglakad ng nka bra sa mall😀 pero kc nalagay na sa utak na sexiness is n the mind ..

    #15 – mas tipid ang txt kesa kol kaso kkatamd mag txt😀 ( guilty! lols )

    NYAHAHA???😀

  8. agree ako sa number 12! dati, katext ko ang isang klasmeyt na di ko masyadong close.. may text siya na “wajejejeje! sige, jeje”.. ano daw?? di ko na nareplyan, di ko kasi alam kung anung irereply.. at saka ayoko din nung mga nagtetext na may capital letter, tapos small letter ulet.. parang ganito: hi PoH! KmUsTa Na?

  9. 15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
    ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!

    Korekkk!!! pag-uwi ko nung bakasyon nakakawendang intindihin yung ganung klaseng mga text na yan..

    kakatuwa mga entries mo…can we link up?

  10. Masyadong pinapakialaman ang mga bagay na di na dapat pinapansin. Bahala sila sa buhay nila kung ganun ang gusto nila. Tumakbo ka nalang sa 2010, tas gawin mong batas lahat yan, para matahimik ka na.:))

  11. ” 16. at tigilan mo ko sa mga email at friendster messages na walang katuturan, maniwala ka sakin.. hindi mamamatay ang magulang mo at hindi ka mamalasin pag hindi mo naiforward sa sampung tao yung message na yun. grow up!
    17. at hindi rin susulpot ang crush mo pag nakasampu kang tao na napag forwardan nun, loser! “

    haha, uu nga naman!😆

  12. oh nonoy, my nonoy😀 basta ako yung number wan — kahit na may dagdag na six kilos yung seksi body ko may i two piece pa rin ako — kyut na kyut nga sa akin yung mga mangingisda e, ahahah

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s