bratz

bratzkanina sa jeep, byaheng pa pedro gil. pagsenyas ko pa lang sa sasakyan para sumakay ako, napansin ko na sya.. isang babaeng negrita na kulay kalawang ang buhok. papasok pa lang ako ng jeep naisip ko na agad na hindi bagay sa kulay nya yung buhok nya. hindi ko alam kung abala ako masyado ng pagiisip sa mga kapintasan na pwede ko ibato sa babaeng yun o talaga lang inaantok pa ko galing sa midnight shift, basta paghakbang ko sa hagdan ng sasakyan at binuhat ng kanang paa ko ang buong katawan ko para maabot ng kaliwa yung sahig ng jeep.. nakaramdam ako ng isang malambot sa ilalim ng sapatos ko at isang hampas sa tiyan ko at isang bahagyang tulak at isang sigaw ng matinis na boses “putang ina, mama bulag ka ba? paa ko na yung natapakan mo” dala ng pagkabigla o pagkalito, ang jon cabron na may bastos na bunganga sa internet natulala, ibinagsak ang sarili nya sa upuan ng jeep na parang isang talunang boksingero at ang tanging nasabi ng bibig nyang hinulma para mambastos ng mga gago sa paligid nya “sorry miss, di ko sinasadya” parang nagulat pa ko sa sinabi ko.. anong kagaguhan yung lumabas na yun sa bunganga ko kung may blogger na nakakakita sakin nung mga oras na yun siguradong mawawalan na ko ng kredibilidad dito sa blog na to. hindi pa rin sya tumigil, kahit medyo mahina na yung boses rinig ko pa rin yung “putang ina, muntik ng matanggal yung kuko ko” naisipan kong magbilang ng isa hanggang sampu, kailangan kong magpakahinahon pero naka tatlong sampu na ko hindi pa rin sya tumitigil. gusto ko ng bumaba kahit wala pa ko sa bababaan ko pero natatakot naman akong dumaan sa harap nya, hindi natin alam ang mga posibilidad na pwedeng gawin ng babaeng negrita na kulay kalawang ang buhok. napansin ko yung katabi nyang lalaki na halatang di nya kasama talaga, gwardya siguro dahil nakita ko yung tattoo nyang guardian sa balikat na nakalabas sa tshirt nyang puti na pinutol at tinastas. sa isip ko taenang to tuwing mag sasalita yung babae patungkol sakin tawa ng tawa, nagpapalapad ng papel. malapit na ako sa pedro gil at tahimik na rin yung babae at inaasikaso nya na lang yung celfone nya. yung lalaki sa harap nya tingin pa rin ng tingin sa legs nya. palihim kong sinusulyapan yung babae at naisip ko yung bratz na laruan ng anak ko. kamukha nya yung kulay, yung hugis ng mukha, at yung pagkaka pwesto ng mata nya. natawa ako ng palihim.
nung pababa na ko tinangka nya pa kong patirin ng paa nya at naisip kong sikuhin ang mukha nya dahil dun, kung hindi lang sa kaharap nyang lalaking mukhang handang magpakabayani ano mang oras, makuha lang ang atensyon ng babaeng mukhang bratz na laruan na negritang kulay kalawang ang buhok.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “bratz”

  1. pagpasensyahan mo na. nasaktan sya eh. hehe.

    ==
    aksidente yun, pero dahil alam kong malungkot ang buhay ng isang negritang kulay kalawang ang buhok.. ahhhm pinagbigyan ko na lang.

  2. matagal na akong nagsabi kung pwde mag pa add ng links…mga last year pa…nauna pa pala ang iba..sob..sob..sob..lols.

    hehe..sana dinuraan mo nalang ang baluga na yun para malunod!!

    ==
    heheh sori na.
    pag dinuraan ko yun hindi imposibleng gulpihin ako nung admirer nyang may tattoo na guardian sa balikat.
    ok na.

  3. sana binura mo yung bibig niya…yung tipong mananahimik siya at hindi ka na magbibilang ng 1-10 ng tatlong beses. kung ako yun, kahit inaantok pa ako, makakasapak ako ng negritang kulay kalawang ang buhok. :))

    ==
    oo at baka hanggang ngayon e nasa ICU ka pa ng ospital at kumakain sa pamamagitan ng straw, dahil binugbog ka nung lalaki sa harap nya.

  4. hinihintay ko lang na umoo ka muna. hahaha
    baka kasi tablahin mo ako eh.
    o eto na- jeckyll27.wordpress.com
    tnx!

    ==
    at dahil nakita ko yung pangalan ko sa “peyborits” mo … ok na.
    lols.

  5. kung ako yung nakaapak sa negritang may kalawangin na buhok at pinaringgan ng mga ganyan panigurado titingnan ko rin yun ng masama kapag di tumigil ng kakadakdak..at may hampas pa sa tyan? langya! away na yan..pero dahil sa kalmadao ako sa totoong buhay…pareho lang ang ginawa ko tulad ng sayo. di naman dapat patulan ang mga babaeng ganun dahil kung pisikalan din lang naman ang labanan ay alam nating hindi mananalo ang mga babae satin. isa pa baka nga to the rescue yung lalaking burdado.

    ==
    hindi natin alam ang mga posibleng gawin ng mga negritang may kulay kalawang na buhok. mahirap na.
    at tama, yung guardian e mukhang anumang oras handang magpakabayani makuha lang yung pagkababae nung negrita.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s