hubo!

.. natapos na sa wakas ang annual medical exam sa amin. dami sanang kwento pero pakiramdam ko hindi ko masisimulan ng maayos yun hangga’t hindi ko naikukuwento sa inyo ang una kong experience sa medical na yan..

naalala ko nung unang una akong nagpa medical para sa unang trabaho ko na quality inspector sa pagawaan ng sarsi. papunta pa lang ako tinakot na ko ng mga gagong pinsan ko na pagkatapos daw ng pisikal e magbabago ang pananaw ko sa buhay dahil sa mga kababuyang gagawin sakin ng duktor sa loob ng clinic. kaya pagdating ko dun buo na sa loob ko na matapos kong lumabas sa clinic ng cosmos na yun, hindi na ko makakatingin sa sarili ko ng diretso sa salamin. naisip ko rin na bahala na, ibigay ang gusto.. hubad kung hubad, tuwad kung tuwad! .. tutal, lahat naman dumadaan daw sa ganun.
.. pasok ako sa clinic, tae ang malas naman babae pa yung naka assign.
sinenyasan ako para lumapit sa kanya, hubad ang damit sabi nya. hubad naman ako
sinipat nya yung dibdib at likod ko maya maya pabulong pero awtorisadong utos nya sakin.. “HUBO!” .. naisip ko taena eto na.. paksyet! bakit kse babae pa ang nakatao sa ganito, nakakahiya naman. matapos kong humakbang ng isa palayo sa kanya, ibinaba ko ang pantalon at boxer ko kasabay ng palihim na paghila hila ng pabanat sa ano ko.. (malamig dun sa clinic kaya wag ka ng mag anu ano dyan) at nung sa tingin ko e ok na ang lahat.. dahan dahan akong humarap sa kanya para magulat lang sa reaksyon ng mukha nung duktora na naghahalo ang takot, inis at pagkayamot.. at nagtanong sya “ANO YAN?
ako naman ang nagulat, anong ano yan ang tinutukoy nitong babaeng to ano yan na parang butlig lang o ano yan dahil bakit namumula sa pagkakahila.. pero ang naisagot ko lang sa kanya e patanong din “BAKIT PO?” at sinagot nya naman ng “ANONG INTENSYON MO DYAN?” ngeks, anong problema nitong gagong to “SABI NYO PO HUBO DI BA?” sarkastikong napangiti ang duktora “IHO, ANG SABI KO E UBO, DAHIL ICHECHECK KO ANG BAGA MO
.. hindi ko na alam kung pano ko naitaas ang pantalon at boxer ko nung mga oras na yun, at hindi na nagrehistro sakin kung ano pa ang mga ibang nangyari sa loob ng klinikang yun basta ang natatandaan ko lang natapos ang eksamin na yun na walang kinakailangan na maghubo ako at tumuwad, at paglabas ko nung clinic at nakasalubong yung aplikanteng susunod sakin, tinanong nya ko kung ok lang daw ba ako at medyo namumutla ako at pawis na pawis. hindi ko na alam ang isinagot ko, gusto kong mahimatay, gusto kong mawala muna saglit sa mundo.. gusto kong magpapalit ng mukha sa mga oras na yun. .. natanggap pa rin naman ako sa COSMOS pero hindi rin ako tumagal, .. hindi ko kayang tiisin ang halos araw araw na pag pumapasok ako sa canteen para kumain, isa isang nagpapalakasan sa pekeng pag ubo ang mga bwakananginang grupo ng mga company nurse at tropa ng mga tiga opisina at sabay sabay nagtatawanan.
pag may nagtatanong sakin kung bakit ako nagresign samantalang ang hirap hirap maghanap ng trabaho, ang sinasabi ko na lang maginaw kse sa clinic ng cosmos

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

33 thoughts on “hubo!”

  1. haha! mukhang naswertihan ka nung nurse ah..langya ang bilis kumalat ng balita..kung sakin ngyari yan malamang resign ako agad.

    “anong intensyon mo dyan”? lols! buti sana kung maganda yung nurse na nagcheck up sayo..palagay ko hindi.

    nakakaubo talaga tong post mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s