grrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

   1. nakakabuwisit! ginagawa ko naman lahat ng iutos sakin, kahit masama pakiramdam ko madalas pumapasok pa rin naman ako. bakit kailangang dumaan ako sa ganitong pagsubok. huli na ng malaman ko na may annual medical pala kami, ang ibig kong sabihin na huli na e yung may nakatakda kang inuman ilang oras bago ka matulog at gumising ng maaga para magpa check up sa kanila. anong matino ang makikita nila sa akin nun? puro nikotina, alak at mga mantika ng baboy at manok na pinulutan namin.. hindi ako sumipot’
at ngayon ako nakatakdang magpa butingting ng buong katawan ko sa kanila. kagaguhan na hindi ako kumain ng marami kaninang pagkagising ko at bago ako umalis ng bahay, kailangan kong mag fasting sa loob ng walong oras, walang tubig, walang kahit na anong pagkain, kahit babolgum hindi pwede. tri terti pa lang at pakiramdam ko matutumba na ko sa hilo. alas otso ang start ng medical, buti kung mauuna ako sa pila.. parang gusto ko ng sumuko.
dapat kse ginawang tigdalawang araw sa magkasunod na buwan yang medical na yan, para change shift na. mahirap magpa check up ng puyat ka. hindi napagisipan ng management. sobrang hassle na dapat uuwi na ko ng 6am pero kailangan ko pang maghintay ng dalawang oras para dun. at matapos ang lahat ng yun, tsaka pa lang ako pwedeng umuwi at kumarera sa welgang bayan.. taena!
wala kang kain, tubig, at isang araw ka ng hindi nasasayaran ng nikotina sa katawan, biglang may tatawag sayo.

,!, :  yung printer dito, print ng print
jon: sir, pa cancel na lang po
,!,: papano?
jon: sir hanapin mo yung “cancel job” sa printer mismo
,!,: di ko makita
jon: kulay pink na button
,!,: di ko pa rin makita
jon: sige sir, aakyat ako.

pagkalipas ng kulang dalawampung minuto matapos mong ayusin yung printer

,!,: hello jon.. meron na naman nagpi print
jon: ok, sir pakigawa lang yung kaninang ginawa ko
,!,: yung pinindot mo?
jon: yes, sir
,!,: e hindi ko naman nakita yung pinindot mo kanina e.
jon: ahhh sige sir, akyat na lang ulit ako.

2. halos magdadalawang taon na rin akong nagba blog dito sa wordpress, marami sa inyo ang sumusubaybay at madalas na pari’t parito sa blog na to. may mga ilang naiinis sakin pero wala na kong pakialam dun, nasa inyo ang lahat ng karapatan para iclose ang website ko sa browser nyo at ibaon ang joncabron.wordpress.com sa limot. sa loob ng isang taon at apat na buwan kong pagba blog naging tagapagbigay aliw ako sa mga mambabasa ko, kahit ang ilang medyo mabigat na problema ko, madalas naikukuwento ko sa inyo at naidadaan ko sa katatawanan. pero gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi ko obligasyon sa mundong ito na pasayahin kayong lahat, hindi ko trabaho sa mundo ng internet na ibigay ang kiliti nyo. ginawa ko ang blog na to dahil gusto kong magsulat, gusto kong isulat ang nagiging bunga ng malikot na isip ko. ngayon, kung nasisiyahan kayo sa mga kalokohang yun, salamat’ bonus na sakin yun.
sana lang maisip din ng iba sa inyo na bukod sa pagiging blogger at chatmate, o textmate sa likod nung mga yun, tao din ako. may mga sarili din akong issues sa labas ng internet. konting respeto naman sana pag may mga pagkakataon na gusto kong gamitin yung karapatan ko bilang tao na manahimik muna. biruan tayo sa net, sa comment sa blog ko. pero yung itext mo pa ko, at magiwan ng kung anu anong offline sa YM ko. kalokohan na yun. uulitin ko, karapatan kong manahimik at wag kausapin ang kahit na sinong tao sa paligid ko, karapatan ko yun bilang tao dahil walang nagmamay ari sakin, at ipaglalaban ko yung karapatan na yun. ayaw mo ng may ganun ganun pa? pwes, wala akong pakialam, umalis ka sa harapan ko dahil kung bastos ka.. mas bastos ako sayo, masasaktan ka lang.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “grrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!”

  1. biktima rin ako ng mga ganyang tao..cancel button sa printer pati ikaw nag aayos? ang hirap talaga kumita ng pera.

    ganyan ang blogger..may sariling pag iisip at hindi nagpapadikta sa kagustuhan ng iba. aprub!

    ==
    salamat.

  2. ouch,nagym ako sa yo,nangangamusta…iginagalang ko ang pananahimik mo,sori na…

    ==
    sus’ alam mong hindi ikaw yun kaya manahimik ka dyan at wala kang ibang gagawin kundi mahalin ako.

  3. re no. 2: yan mahirap kapag masyado open sa blogosphere ang identity mo, as in from YM to email, minsan privacy ang nakataya at siyempre kulitan pero kung tulad mo na medyo tigasin, ayos lang yan pero kakainis din dahil emotionally medyo stressful. hopefully after this open post mo na ito, tigilan ka na ng stalker mo.😀

    ==
    tama! salamat, dapat!

  4. nag huhurementado ka nanaman dyan jon (ano raw? ^_^ )

    seriously pare you rock our world, galing mo sumulat, indeed napapakita ko ang tunay na sarili mo although di lahat. alam mo bang tuwing umaga pag dating ko dito sa cubicle ko site mo muna ang binubuksan ko bago ang outlooK ko. kasi mas maganda simulang ang buong araw ko magbabasa ang blog ni Jon Carbon compare sa mga email na FYI, any update on this?, FW: etc… etc.. na subject at puro unread at nakaka-copy-in pa ang mga boss? what the f***!

    diba? eh di uunahin ko na ang blog mo pre. ^_^V

    p.s. kailan kaba na sakay ng ROVAL huh? at matambagan kita.

    ==
    hmmm kung hindi ako nagkakamali, ninenerbyos ka na baka mahuli ka ng boss mo sa mga pinagsususulat mo ngayon, puro typo e, heheheh.
    salamat, lawton ako e saint rose ang sinasakyan ko.

  5. Hay, talaga namang may mga pasaway na boss. Yaan mu na, ganun talaga. Hindi ka nag iisa sa hinanakit mo na yan sa mundo. Isipin mo na lang na sa tuwing may nagpapahirap sa kalooban mo na: “This too shall pass.”

    Hindi man ganoon kadali maging ayos ang pakiramdam, at least may pag asa na magiging maayos din lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s