nagmamahal, jon cabron

at matapos kong magalit sa mundo, matapos kong itakwil lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng net, matapos kong piliing mag isa na lang sa mundo, nakatanggap ako ng isang himala.. himalang magpapabago sa buhay ko. at ginamit nya ang friendster para muli akong manalig, maniwala, umasa, at sumugal.

debbie

nung una kong nakita to, naisip ko kalokohan na naman, imposibleng may mag add sa account ko na babaeng ganito kaganda. okay, marami akong readers aka TAGAHANGA na babaeng magaganda rin naman pero mas gugustuhin nilang nakatago lang sila, ewan ko kung bakit.
inaccept ko pa rin yung add request na to, pero dalawa lang ang inaasahan kong mangyari pagkatapos kong mag send ng “smile” sa account nya.

1. inisip kong bot sya kaya kinabukasan lang alam kong magaalok na sya ng kung anu ano.
2. pekeng picture at susubukan na makag send ako sa kanya ng tunay na picture ko.

pero hindi yun ang nangyari dahil sumagot sya ng tagalog at hindi sya naghangad makita ang picture ko at wala syang inalok na kahit na ano. naguluhan ako, gusto kong patunayan na hindi sya yung nasa picture pero gustung gusto ko na sana sya nga iyon. labo! nagusap pa kami sa friendster hanggang naglakas loob na kong kunin ang YM account nya. at dun na nagsimula ang palitan namin ng PM. sabihin nyo ng sigurista ako o hirap magtiwala pero kinumbinsi ko pa rin sya na mag webcam para patunayan sakin na sya nga talaga yung nasa picture, nung una saglit lang daw dahil kumakain pa sya ng chocnut.. walang alam ang babaeng to kung gano kaseksing isipin ang isang babaeng kumakain ng chocnut.. haaaays.
masisisi nyo ba ko kung maging sigurista ako sa dami ng kaaway ko sa net na hindi imposibleng magpanggap na isang babaeng maganda at unti unti akong pasukin? at masisisi nyo ba ako kung naging maingat na ako ngayon, matapos ng isang maganda at matagalang relasyon na naputol lang nung nabuking ko na yung picture na ginagamit nya sakin e picture pala ni vilma santos nung bata pa sya… tae! kaya pala black and white!
at sa wakas, nagpakita na sya sakin. nagusap kami habang nakatutok ang webcam sa kanya.. at hindi miminsan na wala sa planong naikukuyom ko ang kamao ko at binabayo ang dibdib ko sabay turo sa monitor ko habang naka closeup sya. hindi lang tatlo o limang beses na napipigil ko ang hininga ko habang binabasa nya ng dila nya ang labi nya, at hindi lang siguro sampung beses na nakagat ko ang ibabang labi ko habang bumubuga ako ng hangin sa ilong pag nakikita ko syang hinahawi ang bangs nya habang kumukurap ang mga mata. kung hindi pa pag ibig to, ewan ko na lang.
at oo, mga mahal kong mga kaibigan, mahal ko na ulit kayo at pasensya na kahapon. sa lahat ng dinedma ko sa PM at text. sa lahat ng sinungitan. pasensya na, nasa sitwasyon ako ngayon na wala kahit na anong natitirang galit sa puso ko. masyado akong masaya na nakilala ko sya para mag entertain pa ng kahit na gapatak na galit sa puso ko. at oo, mula sa araw na to isa na ko sa makikipaglaban na totoo ngang may diyos, wala ng dahilan para tanggihan ko pa ang paniniwalang yan, nakita ko na ang anghel nya.
……. haneeeeeep! nakita nyo ba kung anong klase yang huling sinabi ko na yan?
SOLID NA DISKARTE!!!!! tnxbye.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “nagmamahal, jon cabron”

  1. naniniwala ako na mas madami ang bilang ng babae sa mundo at yan ay base sa surveys, findings, pag-aral at kung ano ano pa. ang nakakalungkot jan ay, marami sa kababaihan ang tumatanda na di man lang nagkakaroon ng boypren dahil nga sa kakulangan ng lalaki.

    ngunit, kung ang lahat ng lalaki ay dumidiskarte ng tulad ni jon cabron, nakakasiguro ako na makokompsensate ang kakulangan ng kalalakihan, at magiging normal sa paningin ng lahat, ang tatlo o apat na babae na naghahati sa isang lalaki..

    watta guy…

  2. langya! solid na solid ang diskarte mo pre..saludo ako sa paniniwala mo..lols! goodluck na lang dyan sa dinidiskartehan mo…base sa itsura..mukhang palaban yan.

    salamat pinasaya mo na naman ang araw ko. ibang klase ka talaga dumiskarte. haneeep!

    ==
    nyay, tnx.

  3. hahahahaha…di ako makapaniwala dito.

    di ko alam kung matatawa ba ako or maiinsulto.

    ilang beses ko na inihain ang pag-ibig at katawan ko sa yo pero ilang beses mo na ring tinaggihan at sa debbie na yan eh nauulol ka?..jusko jon,sampung paligo ang lamang ko jan,,maniwala ka at walang halong pagyayabang…di ko alam kung kelan mo ko matututunang mahalin…hanggang kelan???????????

    picture removed.. for private consumption only

    sana lang magising ka na…at mahalin mo rin ako…

    ==
    .. wala akong ibang masabi kundi, kung ikaw nga yang mga nasa picture na yan e ano pang hinihintay natin, magsimula na tayo ng relasyon!!!!!!

    PS
    wag mo kong sasaktan.

  4. noon pa kita niyayaya,ikaw lang tong iwas ng iwas eh….alam mo namang may pitak (naks!) ka na sa puso(n) ko eh…

    ps din
    di ko kayang manakit,ligaya at sarap lang ang hatid ko.

    ==
    kung ganun add mo ko sa YM (mr.joncabron) at ng magkaalaman na tayo.

    PS
    hindi ako naniniwalang ikaw yang nasa pict.

  5. that remains to be seen diba?…dotn worry,bibili ako ng webcam para sa yo,i ym’d you nga pala…pryss_13…

    ==
    wala akong natanggap pero inadd na kita at umaasa ako ng isang relasyon na wala kang hinihintay na kapalit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s