borat

jon tulad ng dati, dahil off ko kahapon binuo ko ang pangkat at napagusapan na sa labas kami magiinom, bonus pa dahil kasama si benjie na buhat nung ikinasal, di na namin nakasamang mag inom. maayos ang lahat, masaya ang naging inuman, maraming maiinom at marami ring pulutan, nabayaran din ng maayos yung bill. nung pauwi na kami, napagusapan na dumaan pa kila benjie, para kumumpleto ng tama. habang daan kinantyawan pa ko na kumuha sa express way ng orange na pinanghaharang ng mga MMDA, at syempre, buong kayabangan ko namang ginawa. nung nakila benjie na kami, inabot ako ng paninikip ng puson, kinailangan kong umihi sa labas ng bahay nila, sa tabi ng kotseng dala namin. at dun na naganap ang isang pangyayaring sisira sa pagsasamahan namin ng mga kaibigan kong mga ninong ng anak ko at kaibigan ko mula pa nung high school kami. si baldo na tropa kong mataba at laging nakalabas ang balahibo sa ilong, umikot sa may harapan ko para kuhanan ako ng picture, dalawang beses, at yung pangalawa talagang humarap pa talaga ako para hindi sya mahirapang angguluhan ang gusto nyang makita.
balik na kami sa umpukan, at habang pinaguusapan kung saan at ilan pa ang bibilhin, unti unting parang kandilang nauupos si benjie, hindi nya na kayang uminom, ok lang pack up time, uwian na lang, ng bigla kong nakita yung hawak ni baldo na nanggaling sa celfone nya, isang maliit na parihaba na pamilyar sa akin…. taena! yun yung memory ng digicam ko na ginamit na pangkuha habang nasa posisyon akong hindi ka aya ayang tignan. taena!
nabuwisit akong hinablot yung memory at nagbantang magwo walkout, todo damage control naman sila na nagsasabing “pare naman, biruan lang to” “wag kang pikon”
“pare, walang gagawa nun sa tropa” .. gusto kong panghawakan yung mga sinabi nila pero may naglalaro sa isip ko na hindi maganda. maraming posibilidad na pwedeng mangyari… ahhhhh demet’ buti sana kung halimbawa nung bago ako kuhanan nung mga pagkakataon na yun e kakatapos lang namin magusap ng mga kabastusan, o kaya sana yung hindi ako lasing at hindi medyo maginaw sa labas… sana yung nakapag handa ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “borat”

  1. ganon ba kaliit?…sayang tinakpan,scandal na yan jon hahahaha…

    ==
    wala sa laki ng barko yan, nasa alon ng dagat.. kaya wag ka ng mag anu ano pa dyan at mahalin mo na lang ako ng wala kang hinihinging kapalit.

  2. ganon ba kaliit?…sayang tinakpan,scandal na yan jon hahahaha…

    ==
    wala sa laki ng barko yan, nasa alon ng dagat.. kaya wag ka ng mag anu ano pa dyan at mahalin mo na lang ako ng wala kang hinihinging kapalit.

  3. hmmmnn,, sabi nmn nung nakatakip eh 2 thumbs up daw eh, cge, sa kanya na ako naniniwala😀
    ( o meaning kaya nun eh minomonstra nya yung tinatakpan nya? ) peaceeee😀

    ==
    mahal na kita, yung ibang mga nakikita mo puro pinagbobobola ko lang yung mga yun kaya wag mo ng intindihin yun.

  4. hmmmnn,, sabi nmn nung nakatakip eh 2 thumbs up daw eh, cge, sa kanya na ako naniniwala😀
    ( o meaning kaya nun eh minomonstra nya yung tinatakpan nya? ) peaceeee😀

    ==
    mahal na kita, yung ibang mga nakikita mo puro pinagbobobola ko lang yung mga yun kaya wag mo ng intindihin yun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s