a mssge 2 my txtm8s :( (bwahaha ambaduy ng title, at wala kang pakialam)

nagcheck ako nung isang araw ng bill sa telepono ko, halos nadoble yung regular na bill ko at taena hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa nanay ng anak ko kung bakit nangyari to, at kung sasabihin nyo na sus! ang ander de saya ko pala, pwes, isa lang ang sasabihin ko, nagkakamali kayo wala ‘tong kinalaman sa pagiging ander de saya o ano.. nagkataon lang na sya ang humahawak ng ATM card ko at binibigyan nya lang ako ng baon sa pang araw araw at nakalista ang mga personal na gastusin ko (internet, credit card, celfone, paluwagan sa office) anong ander dun? wala, kaya wag na kayong mag anu ano pa dyan!
buti na lang sa mga ilang araw na pakikialam nya sa celfone ko nagtatanong sya kung ano yung twitter na nakikita nyang rumerekta sa telepono, siguro pagdating ng bill babanatan ko na lang ng “potangenang twitter yan naloko ako! ang sabi nila walang bayad magparekta sa telepono ng mga messages… tae! meron pala, kinse pesos ang isang mensahe, mga ganiiiiiiiiid! ” tingin ko naman maniniwala sya. oo, makakapag mura sya at posibleng masaktan nya na naman ako at malamang sa hindi, na sa sala na naman ako matutulog ng mga ilang gabi na kapiling ang sponge bob na unan ng anak ko, pero lilipas din yun.
kaya sa textmistress ko, paalam na muna. medyo kailangan ko munang magtipid tipid, sabi naman kse sayo pag pinasahan kita ng trenta pesos pilitin mong mapaabot ng isang linggo yun, tigilan mo na ang kakasali sa mga text game show sa channel 2 dahil puro kalokohan lang yun.
at pag nagse Sex on Text tayo.. kumpletuhin mo lagi yung alloted characters sa isang message hindi yung magtetext ka ng “ooooooooooh” tapos pangalawang text mo “naka hubo ka na ba?” .. sayang sa load!

sa mga textmates ko, tsaka na ulit ha? wag na kayong umiyak.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “a mssge 2 my txtm8s :( (bwahaha ambaduy ng title, at wala kang pakialam)”

  1. …oo, makakapag mura sya at posibleng masaktan nya na naman ako at malamang sa hindi, na sa sala na naman ako matutulog ng mga ilang gabi na kapiling ang sponge bob na unan ng anak ko,

    pamatay tlaga linya mo jon. ramdam na ramdam ko pagiging bossing mo sa bahay. natatawa ako pero sa isang banda, naiiyak din. naalala ko nung na-bukayo ako ni misis azrael, yan din sinapit ko eh. unan ko nga lang yung purple na dinosaur. tangnang barney yan! bwahahahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s