milagring

milagringbihira ako makapanood ng tv pag tanghali, lalo na ng wowowee dahil sa eat bulaga nakatutok ang mga tao dito pag oras na ng tanghalian. matagal ko ng naririnig ang pangalang “milagring ng wowowee” , nakikita sa mga forum at nababasa sa dyaryo. ilang beses na rin akong nakakita ng picture nya pero di ko masyado pinapansin, pero minsan napapaisip din ako dahil may kahawig sya na hindi ko lang matandaan, nagulat na lang ako nung habang nagba browse ako ng isang website na hindi ko na matandaan kung ano, bumulaga sakin ang picture ng tinatawag nilang milagring, picture nya ng hindi sya naka costume na pangsayaw, picture ng isang babaeng normal.. at napahinto ang panga ko sa pagnguya ng babolgum at ang hintuturo ko sa pagkamot ng ilong ko nung napagmasdan ko ang picture nya… zOMG!!!! kaklase ko nung college to sa perpetual, laguna!!!! pareho kaming HRM nun at tahimik sya pero mahilig mag lipstick, at sila yung grupo na tipong mean girls sa room namin dahil mukha silang mga suplada. jesus, kung alam ko lang na gaganda sya ng ganyan, hindi ko na sana niligawan yung naging girlfriend ko dati na mataba at may matapobreng nanay at sana nung niloloko mo ko dati na crush mo ko, sana pinakitaan na kita ng mga kaya kong gawin.. naaalala mo ba nung sinasayawan mo ko ng hagibis at tawa lang ako ng tawa dahil pinapalaki mo yung boses mo habang kumakanta para magmukha kang brusko? ngayon, bumabalik sa akin ang lahat, mahal na kita at sana ay hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa, sana hindi maging hadlang ang kasikatan mo para makapag umpisa tayo ng kung anuman ang para sa ating dalawa… sana hindi maging hadlang ang asawa at anak ko para sa relasyong uumpisahan natin, at sana matutunan mo kong mahalin ng wala kang hinihinging kapalit.
seryoso, kung alam ko lang na magiging ganyan ka ka hottie, sana tutal maggagago rin lang ako sa pagaaral at magda drop sa perpertual sana itinanan na lang kita, kahit pa bugbugin ko sa harapan mo yung engineering student na mukhang probinsyanong
boyfriend mo, maagaw lang kita sa kanya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

22 thoughts on “milagring”

  1. danda nya…

    yung probinsyanong boypren nya kaya? 🙄

    ==
    ahhm kahit magtae ako ng sampung araw at tamaan ng trangkaso, at gisingin mo ko ng alas tres ng madaling araw, no match pa rin sakin yun.

  2. wahahaha! kras na kras ko yang si milagring..heheheh
    naging klasmeyt mo pala siya…laging nasa huli ang pagsisisi. pero malay mo, baka mag-iba pa ang ihip ng hangin. subukan mo kayang sumali sa mga pakontest ng wowowee, baka sakaling makilala ka niya pag andun ka na..wahahahaha!

    ==
    hehe, yoko’ hindi kse imposible na makilala nya ko at bumalik ang pagtingin nya sakin… ayokong makasira sa karir nya.

  3. tangna bakit nga ba hindi ko yata naaalalang sabihin sayo yan, na si milagring yung dating si Pedra kung tawagin sa perps na may crush nga sayo sabi mo na laging makapal ang make up na payat pa noon tapos medyo malandi silang tatlo nun nga kasama nya pero hot talaga sila..or nasabi ko na sayo dati pero gusto mo lang i-share sa mga kebiganz mo?

    ==
    e pano mo sasabihin sakin e busy ka?
    at isa pa, medyo malandi lang silang tignan na tatlo pero mga busilak naman ang mga puso nila, also, itsa pwera mo na yung isa, yung kamukha nung kumanta ng hakuna matata sa lion king.

    PS
    lasing tayo nung sinabi ko sayo na may crush sya sakin kaya kalimutan mo na yun, ok?

  4. hey! solid blog mo pare… I’m really enjoying reading your posts… I havw a new found appreciation for writing in Filipino…. I feel like starting a Filipino written blog…

    salamat sayo more power!

    ==
    tnx, i love you, pare.

  5. eeekkkk!!! perpetual laguna ka pala! oist! baka nagkasalubong na tayo dun nung araw.😉

    ==
    hmmm, baka nga! eka di ko na alam kung anong year ako andun, ’97 – 98 yata, basta bago maging mukhang istasyon ng bus yung harapan ng perps.

  6. hi milagring im ur fan also bcoz ur so cutie and i dont know why i lyk u so much but i tink its ur good dancing coz im also a party grower en u luk pretty wat i wish 4 u is just stay cool en pretty en takecare always.hop 2 be ur frend also…. tnx!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s