halkoholik

alas onse ako nagigising ng umaga at tumatakbo ang oras ko pagkadilat na pagkadilat ko ng mata, dahil sa loob ng trenta minutos kailangan ko ng makapag browse sa net (hindi ko pinapatay ang pc ko), check ng email, friendster, blog hits, blog comments, konting bloghop, sundot ng konting porn pag medyo nasa mood which is napakabihirang hindi mangyari, tapos sa real world kailangan kong tapusing basahin ang para sa araw na dyaryo namin, tapos nun dun pa lang ako lalabas ng kwarto para amuyin ang ulam para sa tanghalian, pumasok ng banyo para magsepilyo at maghilamos. at tsaka pa lang ako kakain at kailangan pagtuntong ng alas dose diyes e nasa loob na ko ng banyo, ginagawa ang kahit na anong ritwal na kinakailangan ng katawan ko.. ritwal para maging kaaya aya sa paningin at pang amoy ng iba at ritwal para sa ikagaganda ng sistema ng tyan ko at ang miminsang ritwal para sa pansarili kong kaligayahan.. alis ng bahay ng twelb terti, makipag buno sa trapik at mga amoy sugat na katabi sa jip, sa bus, sa pagtawid, trabaho hanggang alas diyes ng gabi at byahe ulit, dating sa bahay ng alas onse pasado ng gabi.
sa lahat ng yan, masama bang paminsan minsan e maginom akong magisa? ng dalawang red horse mucho? halos tatlong beses isang linggo? ka alkoholikan ba kung galing ng trabaho, didiretso nako sa convenient store para bumili nun, at paglabas ko ng mighty mart o 711 parang pakiramdam ko ang yabang ng dating ko habang bitbit ang malaking plastik na mabigat at naglalaman ng alak, alkoholik na ba ko na sa miminsang nakahanda na ang lahat sa mesa at nakaupo na kong magisa bigla kong mararamdaman na wala pala ako sa mood maginom, pero niloloko ko na lang ang sarili ko na kunyari may sakit ako at antibiotix ang redhorse na kailangan kong ubusin para gumaling ako?
at sa inuman ng barkada, kahit mapagastos ako ng malaki mas ginugusto ko na ako na lang ang taya, para may kontrol ako sa dami ng alak na bibilhin, at sa mga miminsan na wala sa mood ang kainuman ko at ayaw nilang sundin ang gusto kong bilang ng alak ay nagwo walkout ako,
at hindi ako naniniwala sa kantyaw na “kwentuhan lang hindi naman to lasingan” dahil naniniwala ako na walang sense uminom kung hindi ka rin lang malalasing, walang pinag iba sa pointless na pakikipag anuhan kung di mo rin lang naman pala intensyon na labasan.
at kelan ko lang napansin na matagal tagal na rin na hindi nadidisgrasya ang tiyan ko.. hmmm at naalala ko ang sinabi sakin ng tambay dati dito sa amin na namatay dahil sa sakit sa bituka na napupuksa daw ng asido ng alak ang mga masasamang elemento sa loob ng tiyan, at naniniwala nako sa kanya ngayon pwedeng iyun nga ang isa sa benepisyo sa 3 times a week kong paginom.

oh and happy birtday, lenggai
mahal kita ng walang halong malisya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “halkoholik”

  1. may nagsabi sa akin 2 version daw yang red horse na yan.. yung nasa picture mo yung regular, at meron daw limited edition..”happy horse” ang tawag.. pag iyong pagmamasdan.. yung kabayo daw sa happy horse naka smile.. kala ko nun ginugoodtime lang ako ng kebigan kong yun, or nasipa na sya ng redhorse, pero nung minsan, nakita ko sa grocery, meron ngang nakangiting kabayo..
    pag happy horse kaya ang ininom.. ano ang tama?

    ==
    http://sweethestia.i.ph/blogs/sweethestia/2007/05/24/featuring-ang-redhorse-naka-smile/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s