gina parenyo

mula nung pagpasok ko nung saturday, kahapon lang ako nakauwi ng ten pm, inhouse kami at kinakailangan ng pukpukang trabaho, buhat nung pagupo ko sa harap ng pc nung sabado ng alas tres ng hapon, alas kuwatro ng umaga na ko nakatayo para umakyat sa kwarto at magpahinga, hindi kasama dun ang pag ihi, pagkain at tatlong beses na pagyoyosi sa may labas.
may mga ilang aral akong natutunan sa pakikipag tunggali sa antok at pagod nung mga oras na yun.

* hindi kahit kelan, lalo na pag puyat ka na at pagod nakakatawa ang birong, pag aksidenteng nalito ka sa ginagawa mo at naitanong mong “taena, asan na ko?” at patawang sasagutin ka ng katabi mo ng “andyan ka pa rin, nakaupo sa upuan mo” .. gusto kong suntukin sa lalamunan yung nagbiro sakin ng ganyan, alas tres ng madaling araw.
* pag puyat ka na at may bisor sa likod mo na tuwang tuwa na nakikinig ng VC ng chatroom nya sa laptop na wala kang maririnig kundi “putanginamongputaka wag ka dito sa room namin manggulo na putanginamongputaka..” gugustuhin mong maghurementado, magwala at pumatay.
* kung meron kang maitutulong pero ayaw mo, wag mo na lang ipakita sa mga kasamahan mong nagtatrabaho na paeasy easy ka lang. nakakahawa ang antok at katamaran.
* madadagdagan ang pagod mo pag pang apat na beses mo ng naririnig sa background ang kantang suwisaydal…suwisaydal!!
* panrelax na may katext ka sa mga panahon na ganun na wala sa loob ng opisina.
* epektib na pampawala ng antok, bunutin mo ng dahan dahan yung buhok sa ilong mo, dalawahang piraso, maluluha ka pero epektib 30minutes kang di makakaramdam ng antok.
* ako lang ang naghihilamos at nagsesepilyo sa department namin bago matulog.

.. kasabay kong umakyat sa kwarto yung bagong pasok sa amin, at dahil bago pa lang sya at kahit kabiruan ko na, medyo naiilang pa rin ako, kinausap ko sya at tinanong ko habang nasa elevator kami:

Jon: naghihilik ka ba?
Bagong pasok sa amin: hindi
Jon: ako naghihilik ako, sabi nila.. kaya ang gawin mo pilitin mong maunahan ako sa pagtulog, bibigyan kita ng pagkakataon na magpaantok, magyoyosi ako ng dalawa sa banyo.
Bagong pasok sa amin: (tumawa ng mahina) ok.

.. pagpasok sa kwarto, diretso higa na sya naisip ko, natakot nga yata mabulahaw ng hilik ko, kuha ako ng gamit, kuha ng yosi, diretso sa banyo.. nagyosi, naghilamos, nagsepilyo.. paglabas ko ng banyo.. parang may nagda drag racing sa bunganga nya, walangya! talo pa yung nanay ko sa lakas nya maghilik.. taena naggantso ako ng taragis!

paputol putol ang tulog ko, pinili kong sa lapag matulog at balutin ng comforter ang katawan ko, nakakabuwisit na otomatik na sinasabayan ng paghinga ko yung paghilik nya, maliwanag na nung medyo nakatulog ako ng maayos, yun yung bumaba na sya at lumipat ako sa higaan nya.. at nasa kabila yung bisor kong pumalit sa pagmo monologue nya, mas matindi to dahil parang sumisigaw naman to habang humihilik, pero matindi na rin ang antok ko at wala ng makakaharang na tunog para pigilin ang pagtulog ko.

” basta ang naaalala ko, may dala akong trophy para ibigay kay gina pareño kung bakit e hindi ko alam, umakyat daw ako sa second floor, gawa sa kahoy yung bahay na medyo madilim.. nakita ko yung anak nya (hindi ko alam kung pano ko nalaman na anak nya yun basta yun ang pakiramdam ko) sabi nya raw sakin, dyan sa may altar, ipatong mo na lang sabay turo sa altar sa may likod ko.. nung ilalapag ko na yung trophy dun ko lang napansin na puro putol yung ulo o basag yung mga rebulto dun..
hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta may humahabol daw sakin na babaeng parang sadako na biglang nawawala sa itim na usok..
nung nakikita ko na yung malaking gate na bakal para makalabas ng bahay, napansin ko na lang na may malaking asong itim na humahabol sa likuran ko.. hindi ako makatakbo, pakiramdam ko ambigat nung paa ko. nung sa wakas matanggal ko na yung pagkakapadlock nung gate at hahakbang nako palabas, biglang tumalon yung malaking aso at sumampa sa may balikat ko.. napasubsob ako, at biglang nagsara yung gate, nakatingin sakin lahat ng tao sa labas dahil hindi nila alam kung ano yung nangyari sa loob ng bahay, napahiya akong naglakad palayo pero ramdam ko pa rin yung bigat ng pagkakadagan ng malaking aso sa balikat ko.. inisip ko kung nananaginip lang ba ako o totoo yun, naisip ko na kung panaginip lang yung lahat bakit ko nararamdaman yung bigat sa balikat ko.. pinipilit kong dumilat pero parang ambigat ng mata ko.. hindi ko makontol ang buong katawan ko pero naririnig ko yung hilik ng bisor ko at yung ungol ko’ dun ko na nakumpirma na binabangungot ako, maya maya nakarinig akong ng kaluskos na parang may umuuga pero ang pumasok sa isip ko tunog yun ng asong tumatakbo papalapit sakin.. gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng paa ko, gusto kong gumising pero hindi ako makadilat at makagalaw.. hanggang nawala yung tunog, at pabigat na ng pabigat yung balikat ko. hindi makuha sa dasal yung sitwasyon ko, ginawa ko na lahat.. maya maya tumunog ulit yung mahinang tunog na narinig ko kanina, at sa wakas nung ipinokus ko yung sarili ko dun sa tunog.. bigla na lang akong nagkaron ng pwersa na igalaw yung kamay ko at otomatik na inabot sa may ulunan ko yung celfone ko na nagba vibrate”
.. nanginginig pako at naghahabol ng hininga habang kausap ko si mrs. cabron sa kabilang linya, at dun ko lang napansin yung pangingimay ng braso at balikat ko.. na nadadaganan ko pala at nakapulupot sa comforter habang natutulog ako,

hanep din talaga maglaro si jebus, pamblockbuster yung kwento, virtual reality’

.. namiss ko yung kwarto ko, parang pakiramdam ko antagal tagal ko nawala, namiss ko yung amoy ng panis na laway sa unan ko, ang anak ko, ang computer ko, ang tsinelas kong pambahay, ang pajama kong baduy, at si mrs. cabron.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “gina parenyo”

  1. aksyon na aksyon nga pero katakot! buti na lang nagising ka pa kuya🙂 naranasan ko din yan eh, ang weird lang nung sakin ay kahit gising na ako ay di ko pa rin magalaw mga paa ko, sobrang sakit nya igalaw, akala ko nga mamamatay na ako pero di naman pala, naawa pa si lord sakin lolz😀 .. dapat kasi may katabi ka lagi, para pag binabangungot ay magising ka agad😀

  2. aksyon na aksyon nga pero katakot! buti na lang nagising ka pa kuya🙂 naranasan ko din yan eh, ang weird lang nung sakin ay kahit gising na ako ay di ko pa rin magalaw mga paa ko, sobrang sakit nya igalaw, akala ko nga mamamatay na ako pero di naman pala, naawa pa si lord sakin lolz😀 .. dapat kasi may katabi ka lagi, para pag binabangungot ay magising ka agad😀

  3. Interpretation ng panaginip mo:

    Yung award na binibigay mo kay Gina Pareño ay yung Best Actress trophy niya sa pelikulang “Kubrador”. Yung humahabol sa ‘yong aso na pilit sumasabit sa likod mo, yun yung kinatatakutan mong bading at nakakahiya para sa ‘yo ang bagay na ‘to.

  4. hahaha ganyan talaga ang panaginip imposible pero parang totoo, minsan nanaGinip din ako noon nakikipag break daw ang bf ko sobrang takot ko kasi parang totoo maiyak iyak ako pero di ko ikinuwento sa bf ko kasi baka totohanin nya yung pananginip ko heheh🙂

    grabe…tsk tsk…dilikado yan bangungot, ang maganda ng nangyare ei sa wakas na miss mo si mrs.cabron hehehe🙂

  5. hahaha ganyan talaga ang panaginip imposible pero parang totoo, minsan nanaGinip din ako noon nakikipag break daw ang bf ko sobrang takot ko kasi parang totoo maiyak iyak ako pero di ko ikinuwento sa bf ko kasi baka totohanin nya yung pananginip ko heheh🙂

    grabe…tsk tsk…dilikado yan bangungot, ang maganda ng nangyare ei sa wakas na miss mo si mrs.cabron hehehe🙂

  6. kadalasan ang mga binabangungot eh yung mga sobrang busog tapos biglang tulog… yung case mo naman kuya jon, tama si ate/kuya pryss.. hehehe.. sobrang pagod stress yan..kaya dapat bago ka matulog kung sakaling sobrang pagod ka, wag ka matulog aga.. hehehe..^^ Thank God buhay k pa..^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s