mga gago sa pampublikong sasakyan

nosmo1
sa dyip kanina, byaheng pa alabang
ang linaw linaw naman ng nakasulat, NO SMOKING!!! tatlong exclamation point pa nga, ano pa ang hindi nyo maintindihan dyan? minsan subukan nyo namang mahiya! at eto namang duwag na drayber, palagay lagay pa ng karatula na ganun, di naman pala kayang manita pag may sumakay ng nagyoyosi.. duwag!

gago

eto naman sa bus, byaheng pa lawton.. tumabi sakin yung gagong nasa kaliwa, at paupo pa lang sya nakipag ngitian pa sya dun sa gagong nasa kanan na parang sinasabi nyang “ayos nakakuha ako ng mukhang tatanga tangang katabi, paglalaruan ko to” at gumanti rin ng ngiti yung gagong nasa kanan na parang sinasabi na “sige sige, masaya yan! tutal mga mukha naman tayong mga holdaper na mga gago tayo, paglaruan natin yang katabi mo”  .. nagulat na lang ako na pag upo nitong nasa tabi ko, bigla syang nagpadausdos ng konti sa upuan, bumukaka na parang nanganganak, at biglang natulog, habang dahil sa pagkakabukaka nya e parang itinutulak nya ko pasiksik sa may bintana, at mukha akong sisiw na nanginginig at hindi makaalis sa pwesto dahil nakaharang ang paa ng isang leon.
at hindi pa nakuntento tong gagong to, at umunan pa sa balikat ko.. tangena talaga! dahan dahan kong iginalaw yung balikat ko para mapansin nyang nakaunan na sya sakin… dahan dahan dahil ayokong magulat sya, maalimpungatan at bigla akong makatikim ng kamao nyang pinanday ng hirap ng buhay.. pero hindi sya natitinag, wala akong nagawa, hindi ako papatol sa lalaking mukhang construction boy at may kamaong sa tingin pa lang e mako comatose ako pag nadaplisan ako sa mukha. sabihin ng tinapakan ang karapatang pantao ko sa bus na yun, pero itinuring ko talaga syang sanggol nung mga oras na yun, sanggol sya at ako ang tatay nyang nagsakripisyong mangalay ang buong katawan para lang wag syang maistorbo sa pagtulog..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “mga gago sa pampublikong sasakyan”

  1. sumasandal kakainis yang mga ganyan…parang gusto kong itulak ng malakas hanggang sa mahulog… naks bait naman papa jon hehehe🙂 hinayaan mo lang talaga mahimbing siya sa kanyang pagkakatulog huh🙂

    Kelan kaya kita masasamdalan hahaha🙂

    haPPy balentyn kuya🙂

  2. elow! ayos ang mga pics, pang-imbestigador.. grabe! kabadtrip nga yung ganyan , yung mga nakikiunan pa sa balikat mo.. bakit kasi di na lang sila matulog ng nakayuko nang wala silang naiistorbong tao..

  3. ahaha ang linaw ng picz! sana makita ng mga taong yan na andito pagmumukha nila😀 .. pero grabe ha, feeling close sayo yung nakapink, feeling ko type ka kuya haha.. btw, naglakas-loob ako itag ka, tungkol sa mga eks, pakisagot kung feel mo😀

  4. mahirap pala makatabi ka sa sasakyan, kasi tulugin din me sa sasakyan, at minsan kapag sobrang antok.. tumutumba ulo ko sa katabi ko, xenxa na lang ganun.. hehe.. mukang pag ikaw katabi ko magagalit ka sakin hehe..🙂 nways’ same post with euri, nababasa na nga no smoking.. smoke pa din.. ganyan talaga pinoy dakilang PASAWAY!!!

  5. hi jon! grabe yon ha, sa totoo lang naranasan ko na din yan, sa jip naman, matandang babae, hinayaan ko na mukhang pagod talga…pero ang lupet namn matulog nyan katabi mo, ginalaw mo na balikat mo, di pa nagising? cguro masarap talagang gawin unan balikat mo.

  6. kung babae pa yan malamang nagpaubaya rin ako ng balikat ko pero sa mga kurimaw na gaya nyan…bakit ako magtitiis? hehe! pare-pareho naman tayong pagod..pag ako inaantok sa byahe nakatungo lang ako hindi ganyan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s