wansikstioberwanten

losartanano akala ko sa sarili ko bakal? tao ka lang jon, tao ka lang! gago!!! hindi tamang pagsabayin ko ang extra joss at kape, lalo na ang tatlong extra joss na kulang sa tubig, at uulitin ko pa apat na oras lang ang pagitan.. nagpapakamatay ba ko? kung gusto kong sumigla at di ako aantok antok dyan sa opisina, matutulog ako ng maaga pagkauwi ko, gago!

maaga akong pumasok nung tuesday, timpla agad ng extra joss at kape.. painom inom habang nagbabrowse sa net, tapos parang pakiramdam ko nahihirapan akong huminga, tapos yung dibdib ko lumalagabog na naman., nanlalata rin ako pero naisip ko na lang na siguro, puyat lang tsaka galing kse ako ng day off, pero nung nahihilo na ko at naisip ko na alasiyete palang at ang boss at bisor ko e alas nuwebe pa dadating.. malamang sa hindi pag may nangyari sakin, matigas na ako bago pa madiskubre ang bangkay ko. sakto may nagpapa assist sa engineering at nasa taas nun yung clinic kaya dumiretso na ko dun, panguya nguya pako ng babolgum habang kinukuhanan ako ng bp, tapos nun tumingin sakin yung nurse na parang nagaalala, taena kinabahan ako.. tapos tinanong nya ko kung kaya ko ba daw magtrabaho.. ang dugo ko 160 over 11o, nyay!
naisip ko agad yung last entry ko, taena pag namatay ako mababasa samin yun, papagalitan ako ng tatay ko. naisip ko rin na hindi pa naman ako siguro mamamatay, ampangit naman ng huling araw ko pag nagkataon.. kailangan ko ng kausap, ayoko mag alala sa bahay, text ako kay lenggai,
ayos, nalilibang ako kahit sinesermunan ako… check ulit ng BP, hindi pa rin nagbabago, binigyan nako ng gamot, ipinababad sa dila, sumakit lalo ng matindi ang ulo ko, epekto daw ng gamot. matapos akong sermunan ng mga nurse at duktor dahil sa pagyoyosi ko at paginom inom ng alak at matapos akong payuhan nung mga nakasabay kong empleyado sa clinic, bumalik nako sa opisina..
naisip ko, madali pala magmatapang na sus kahit kelan ako mamatay, walang problema sakin, hindi ako natatakot! pero pag andun ka na.. nyay! nakakatakot din pala, bigla mo maiisip na andami mo palang dapat gawin na hindi mo pa nagagawa at andami mo palang ginagawa na hindi madaling iwan..
nag cr ako at tumingin sa salamin, naisip ko taena baka kaya natutuyo na ulit yung mga tigyawat ko kse mamamatay na nga ako, para pakonswelo sakin na

” at least, hindi halata ang pimples mo habang naka burol ka.. o sya talon na sa nagbabagang asupre, anak”

.. under maintenance ako ng gamot ngayon, ang sabi sakin lifetime na raw ako iinom nito, pero susubukan ko lang, pag medyo ayos na titigilan ko rin.. ayokong matali sa gamot, tsaka sobrang sakit sa ulo nitong gamot na to.. parang pakiramdam ko lagi ako may hang over, nagpacheck ako kanina.. sobrang normal naman, 140 / 80 .. e ang alam ko yung dugo kong ganyan nun pang binata ako e, ang alam ko ang normal ko 140 / 90 .. ewan’
pero sabi nga, uminom kse ako ng gamot nung umaga baka kaya ganun, try ko bukas magpacheck ng walang inom ng gamot.. sana okei na, hindi ko pa kayang iwanan ang alak, yosi, at ang maduduming mga pagkain sa kalye ng pedro gil.

eto pa pala yung nabasa ko sa net na isa sa common side effect nung gamot ko
efxtapos sasabihan ako ng “mr. cabron, inumin mo yan para mabuhay ka” nyay!

minsan bukod sa katigasan ng ulo ko, malaking factor din yung mga nasa paligid ko kung bakit ako naha high blood, eto yung ilang usapan lang.. nung mismong mga oras na nahihilo ako.

kausap si mrs. cabron sa celfone sa labas ng clinic
JON: pakitignan naman kung may epekto yung may allergy sa penicillin dito sa gamot ko, parang nabasa ko kse sa net.
MRS. CABRON: ano ka ba, bakit hindi mo pa dyan itanong e andyan ka na?
JON: wala na nga yung tumingin sakin, kumakain na!
MRS. CABRON: duktor ba yung tumingin sayo?
JON: hindi.. kriminal!
sabay baba ng fone.. ka engotan, hindi naman ako tanga para sa engineer magpa check.

yung affectionate kong bisor, nung nalaman nyang mataas ang BP ko.
bisor: text nyo na lang ako sa THURDAY ha, nakaLEAVE kse ako nun, bukas nga kailangan ko ng mag ayos e.
translation: wag ka magsi sick leave.. may lakad ako, kaya tuesday pa lang inihahain ko na sayo ang itinerary ko.
.. wag ka mag alala, wala akong planong umabsent’

habang pinapakiramdaman ko yung masakit kong ulo at nahihilo kong utak, dumating na yung papalit sakin na pang night shift, wala syang alam na muntik na ko kanina.

mike: o bakit ganyan itsura mo?
jon: masama pakiramdam ko.
mike: naks’ kakapasok lang masama na naman pakiramdam, leave na naman yan.
jon: gusto mong extra joss?
mike: sige, meron ka?
jon: oo, may tatlo pa ko dito..
mike: ok.
jon: may teknik ako.
mike: ano yun?
jon: timplahin mo yang tatlong sachet sa 300ml na tubig lang, ang sarap nangangagat sa dila pero di ka mapapagod.
mike: ge subukan ko mamaya.
jon: kk

PS:
twitter tayo!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “wansikstioberwanten”

  1. boss kailangan nyo magpacheckup ulit sa doctor, specifically sa specialista sa heart. kasi they need to identify kung ano nagcacause ng high bp nyo. atsaka dun ka lang bibigyan ng kung anong gamot ang dapat ibigay sayo.
    maraming tests ang gagawin.. merong magtre-treadmill ka, may ECG.

    ako kasi highblood din…and now im taking up meds regularly (daily)… btw im only 23 y/o. namana ko ata ito dahil di naman ako naninigarilyo, umiinom ako alak pero minimal lang.

    goodluck and hope you get well soon

    ==
    salamat, parang tingin ko kailangan nga, pakiramdam ko naluluto ako dito sa gamot na iniinom ko.
    nyay’ malaki pala talaga ang posibilidad na magme maintenance ako ng gamot.. yari ang karir ko.
    salamat.

  2. just a suggestion po. if the doctors already prescribed a maintenance medicine for your hypertension, please do not stop taking it. akala mo lang minsan normal ka na pero pag hininto mo pwede syang magtrigger ng pagshoot up ng bp. just a precaution lang po.

    if you want to be sure, please under go lab work-ups para po mag sigurado kung ano ang reason behind your high bp. marami po kasing factors ang nagcause nyan eh.

    tc.

    ==
    salamat.

  3. Sir, if you need a solution to your health problem, maaari ko po ba kaung matulungan at damayan? Kng okay po sa inyo at pgkakatiwalaan nyo ako, eto po ang aking mobile # 0909.989.9392 or u may add me sa facebook account ko RACHELLE DEL ALDAVE. Kindly inform me kung anong araw kau may spare time, pag-usapan po natin. Ano man po ang maging desisyon ninyo ay akin pong igagalang. Maraming salamat at magandang umaga sa inyo!

    Nsa Facebook account ko po ang ilang background at impormasyon tungkol sa inyong lingkod. Nauunawaan ko po kung magkaroon kau ng agam2 sa akin dahil isa akong estranghero sa inyo, ngunit wala ako ni kaunting pagnanais na manamantala ng aking kapwa, lalo pa at naniniwala ako sa bwelta ng KARMA. =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s