extra diyos

  may bago akong nadiskubre.. inspired sa entry ni pinaihmmbwodksterrr, ang kailangan mo lang dalawang nescafe intense na 3 in 1, tsaka isang box ng extra joss, pagdating sa opisina ng alasais ng umaga, timpla agad ng kape at ang sikreto, pag maligamgam na yung kape sinasabayan ko ng tatlong sachet ng extra joss sa 300ml lang na tubig, nangangagat ng dila pero swabe ang tama… wapak!
tapos ang tama nun para kang nakaratrat.. magiging active ka at super hyper, tapos nun pag mga alas diyes na, pawala na yung epekto nun, followup ka na ulit ng kape at anim na extra joss.. dahil pag wala ng tama, para ka namang semi comatose, nakakapanlata’ biruin mo nga naman, iniinom yung ganun ng mga nagbubuhat sa gym, todo pawis, tapos ako dito nakaupo lang at nagba browse sa net.. ipagdasal nyo sana ang kaluluwa ko, parang may kabayong nag kakarera sa dibdib ko ngayon, at dalawang macho gay na nagbabadminton sa ulo ko.. ang sarap sa pakiramdam’

.. magtatampisaw ako sa alak mamaya at magsasayaw sa usok ng yosi’
maligayang araw ng linggo sa inyo, mga loners!

.. kinakapos ako sa hininga tsaka nung tumunog yung celfone ko parang malalaglag yung dibdib ko sa kaba, tapos pauwi na ko at bibiyahe ng isang oras, cool!

.. welcome to the wonderful world of heart attack, mr. cabron ..nya’y!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “extra diyos”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s