ang aking larawan

   dahil sa hindi matatawarang dami ng mga regular visitors ko na nagrerequest na magpost naman ako ng picture ko dito, ang tatlo ay mas marami sa isa sa kahit na anong pagkakataon, shutup! naisipan kong gawin ang entry na ito.
hindi naman sa nagtatago ako, natatakot, o nahihiya pero hindi ko lang talaga maisip kung bakit kailangan kong magpakita ng picture, bakit mo kailangang makita kung ano ang itsura ko kung hindi ka naman nakahandang mahalin ako. naghahanap ka ba ng katibayan sa magiging itsura ko sa picture para paniwalaan mo yung mga sinusulat ko, kailangan bang maging mukhang matapang ako para lang mapaniwala kita sa mga sinusulat kong palaban? o kailangan bang maging disente ako, hindi nagsusuklay, maputla at may makapal na salamin para makunteto ka pag sinabi ko na IT ako, o maaalis ba ang duda mo dun sa mga kayabangan ko pag sinasabi kong madami akong naging girlfriends nung high school at college, dahil hindi man ako ganun kagwapo pero ampapangit ng mga lalaking kaklase ko nung college?
kung iisipin, pwede akong magpost ng picture ko dito, kahit isa lang pero pagnapangitan kayo sa picture malamang iisipin nyo nagpapatawa lang ako, pag magandang lalaki naman ang nakita nyo, magdududa kayo at iisipin nyong nagnakaw ako ng picture.. kelan nyo ba ko sineryoso?
at isa pa, kung maglalagay man ako ng picture ko dito, paniguradong pipili ako ng pinakamagandang picture na meron ako, wala ring saysay. wag ka magtitiwala sa mga primary picture sa friendster dahil natural na ang ilalagay nila dun yung mga best shot nila.
bukod sa sumpa ng pagiging sirain ang tiyan, meron pa ‘kong isang kasiraan, ang sumpa ng pagiging iba’t ibang uri ng kaabnormalan na itsura sa litrato. siguro sa sampung kuha ko ng picture sa iisang event, makakakita ko run ng mukhang tulala, itsurang mongoloid, mukhang kirat, obese, mukhang natatae o mukhang hindi matae, at kung anu ano pang kalokohan at katarantaduhang maiisip mo, at kadalasan dahil kailangan talagang pumili sa mga iyon ng picture na ipopost sa net, ipamimigay sa kachat, o kakailanganin sa totoong buhay, malamang ang pipiliin ko ang pinakamaayos sa lahat.. ang mukhang mongoloid na obese.
kaya hindi na kailangang sabihin na kung sa picture pa lang, magugustuhan o matatanggap mo na ang itsura ko.. maswerte ka giliw, dahil ipa photoshop mo sa isang second year college na nagaaral ng web designing yung picture na yun.. yun ang itsura ko sa personal.
at sa huli, mukha akong mongoloid na obese sa picture pero sa totoong buhay alipin ako ng pagbibigay ng kaunting barya sa mga pulubi sa kalsada at pagpapaupo ng matatandang nakatayo sa bus kahit inaantok ako, hindi pa ba sapat yun para mahalin nyo ko?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “ang aking larawan”

  1. di kinakailangan ng litrato para mahalin kita…gabi-gabi kitang pinagpapantasyahan habang….(eherm)…

    ipakita mo na lang ang …katawan mo at liligaya na ako…

    ==
    pero.. baka.. di mo.. magustuhan.. ang.. man boobs ko..

  2. naks! dami nang sumusumpa ng wagas na pag-ibig sayo, jon! ingat lang at baka ma-STALK ka ng isang crazy b…😀

    ==
    selosa.. ok lang yun lengg, kayang kaya natin yang mga stalker na yan, halika nga dito at paihip sa likod ng tenga..

  3. oki lang kahit wala pix kuya…. masaYa na kaming malaman na may isang JOn Cabron na naBubuhay sa munDong punong puno ng kulay🙂 ang lalim nOn hahaha…..

    ==
    mahal na kita menggay, .. na may konting patak ng malisya’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s