202 para sa 2008

dalawang daan at dalawang natutunan at napagisipan sa taong dalawanglibo at pito .. at ilang updates sa mga naging kabanata ng taong iyon, at new year’s resolution na rin para lang may pampahaba, atsaka kung anu ano pa, medyo late na pero wala kang pakialam.

1. sa taong ito medyo bawas na sa yosi, nung mga huling buwan ng nakaraang taon, nagmiminimum na ko ng kalahating kaha sa isang araw.
2. ang masama pa nun, sampung oras ako dito sa opisina, kasama yung byahe at walong oras akong tulog sa bahay.
3.
pag nagiinom, mahina ang isang kaha sakin.
4. andami kong nararamdaman, chest pain, cigarette cough, madalas akong magpalpitate at madalas biglang manghina.
5. babawasan ko nang isama sa mga jokes at dito sa blog ko kung hindi rin lang kinakailangan si jebus,
6. marami na kong nararamdaman sa katawan ko na nakikipag unahan sa naiisip kong malapit ng magunaw ang mundo,
7. ayokong isa ako sa mga mapapa “putangina, hindi, totoo ngaaa.. waaaaaag!” pag dumating na ang panahon at tumambad sa harapan ko ang pintong maliwanag.
8. at nabasa ko sa bibliya dati na “ang sinuman na hindi tumanggap sa kaharian ng diyos na parang isang bata, ay hindi makakapasok dito kailanman”
9. sa maniwala ka man o sa hindi.

10. naaalala nyo si ronnel?
11. may narinig akong balita na nagkumpirma sa naiisip ko dati,
12. yung nangyari sa kanya resbak lang, meron silang binugbog nung gabi rin na ‘yon.
13. lagas daw ang ngipin, kaya galit na galit.
14. pero di naman ako galit sa kanya, kaibigan ko yun, kahit mali pa sya o tama,
15. nakakapanghinayang lang yung mga emosyon ng galit na pinakawalan ko nung mga panahon na yun.
16. sana ibinuhos ko na lang yung mga galit na yun sa mga nasa pulitika na kumakain sa mamahaling kainan, gumagastos ng kulang kulang singkwenta mil, isang kainan
17. habang naghihirap yung mga nasasakupan nya.
18. naalala ko yung nakakatuwang nabasa ko dati
19. dahil sa hirap ng buhay, naisipang mangholdap ni juan, dala ang matalas na kutsilyo
20. naglakad at nag abang sya sa dilim
21. may dumating na mamang lasing at nakabarong, umihi sa may poste
22. nilapitan ni juan atsaka tinutukan
23. “holdap to, akina ang pera mo!”
24. nagulat yung lalaki at nagsalita
25. “hindi mo ba ako kilala? ako ang meyor ng siyudad na ito!”
26. sumagot si juan “ganun ba?” nagisip at sinabi..
27. kung ganun, “holdap to, akina ang pera ko!”
28. hindi ka pwede sa UP kung hindi ka natawa dyan
29. pero hindi rin ako taga UP, kaya kalimutan nyo na yun.
30. kailangan ko ng mag upgrade ng PC sa bahay
31. pero mas gusto ko ng laptop
32. .. mahirap lang kami.
33. may bago akong tiyak na kakaadikan sa may samin
34. may bagong puwesto ng nagtitinda ng isaw ng baboy
35. ang sarap ng timpla, limampiso lang
36. maaga akong mamatay
37. at biglaan.
38. pipilitin ko ng iwasan na kagatin ang kuko ko.
39. at uminom ng sagaran sa mga pagkakataon na wala lang.
40. tatahimik na lang ako pag may mga bagong blogger na napapansin kong pangit ang simula,
41.
yung mga bago pa lang pero ang aangas na tapos pag sinuri mo,
42. ang lalabnaw naman
43. tanggapin natin na blog mo yan e, syempre ikaw ang hari at diyos dyan, ganun din ako dito.
44. tuwing umaga may pacontest ng pabahuan ng tae dito sa dalawang cubicle sa cr namin
45. madalas magharap sa finals, yung mga taga engineering at taga kitchen
46. .. laging taga engineering ang naguuwi ng korona, antindi!
47. nakakasulasok!
48. hanggang sa ngayon hindi ko alam kung magtatatlong taon na ba ko dito sa kumpanya o magdadalawang taon pa lang
49. alam nyo bang sa tagal ko dito, hindi pa ko nakakakita ng kahit na isang pirasong langgam dito?
50. daga, meron! kinorner ko tapos naabutan ko sa may table nung boss ko,
51. ambilis tumakbo, nakakatawa kse naumpog sya sa paa nung mesa
52. nahilo, tinapakan ko pisak ang ulo!
53. hindi na ko masyado magpapaka apektado pag broken hearted ako
54. babae lang yan
55. kung ako nga masusunod at kung kaya ko lang
56. ilalagay ko sa isang malaking kahon yang mga yan
57. tapos ipapaanod ko sa dagat
58. close na kami ng anak ko ngayon
59. hindi na tipong,
60. tatay nya lang ako kse asawa ako ng nanay nya
61. pag sunday dito sa opis ako ang boss
62.
dayoff ang mga tao sa opisina at wala ang tunay na boss
63. masarap pagsunday, wag lang magkakaproblema
64. naiisipan ko ng magpapayat ulit
65. tulad nung dating ginawa ko
66. mabilisan pero legal na paraan
67. ang kailangan ko lang
68. determinasyon
68. tubig
69. saging
70. at inspirasyon
71. haaaays kung maibabalik ko lang ang itsura ko nung highschool ako
72. at mga unang taon ko nung college
73. walang makatanggi saking babae nung mga panahon na yun
74. ultimo pagkusot ko ng ilong ko
75. makita lang nila, heaven na ang pakiramdam nila
76. pero syempre kayabangan na yan!
77. kaklase ko pala yung isang dancer sa wowowie
78. crush ako dati nun, sabi lang nila..
79. hindi ako gwapo
80. pero sinwerte ako na ampapangit nung mga kaklase kong lalaki nung college
81. para akong matamis na bulok na mansanas
82. sa basket na puno ng chesa
83. chesa ang prutas na naiisip ko na isa sa mga unang ginawa ni jebus
84. parang nagpapraktis pa lang sya nun ng magic
85. kung isasakay sa isang jip ang lahat ng taong kumakain ng prutas na yun
86. yung mga seryosong nasasarapan sila
87. siguro sa luwag nung jip
88. pwede mo pang isakay yung mga nasa matinong pagiisip na naniniwalang
89. sincere si willie revillame sa pagtulong sa mga mahihirap na contestants sa show nya.
90. ano ang english ng chesa?
91.
maraming salamat sa lahat ng mga naging kaibigan ko sa mundo ng blog
92. matagal nako nagba blog
93. sa maniwala kayo o sa hindi, nagba blog na ko bago ko pa malaman na blog ang tawag dito
94. ngayon lang ako nagenjoy.
95. dati, sabi ko maling paraan na magblog ka para maging masaya ang ibang tao, ang tama magblog ka para sa sarili mo..
96. ngayon ko lang naisip, pwede naman pala na magkasabay yun. combo!
97. kung susumahin, naging maayos ang taong 2007 sakin, puno ng pagtatae at muntik na ko mawalan ng kaibigan dahil sa karahasan
98. pero nakarecover naman ang kaibigan ko at hindi naman to the maximum ang kahihiyan na inabot ko sa sirain kong tiyan
99. sa huli, gusto kong magpasalamat sa diyos, hindi ako humihingi ng kahit na ano, ayokong humingi ng sobra pa sa kung ano meron ako ngayon
100. basta sana kung ano meron ako nung 2007, madala ko hanggang matapos ang 2008
101. pwera yung nana sa tite at pagtatae po.
102. tnxbye.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “202 para sa 2008”

  1. you never fail to entertain your readers🙂 di ko mapigilan ngumiti at tumawa sa tuwing mababasa ko entries mo (malamang iniisip ng mama ko na may tama na ako). sana tuloy tuloy pa rin po ngayong 2008! more power🙂

  2. akalain mong natapos kong basahin ang 102 na list na yun? pano ba naman, anggaling kumuha ng attention ng entries mo. hawahan mo naman ako kahit konti. hehe.
    i sooper love yung 79 & #80. hahaha. major panalo ah.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s