wanted gelpren

halos one month ng nagresign sa trabaho bilang online casino dealer si mrs. cabron, masaya na malungkot ang nararamdaman ko nung una, malungkot kse hindi na ako masyadong mayaman, pigaan na pag lumalabas kami ng mga tropa ko, pero syempre masaya dahil una, hindi na ko lagi nag aalala pag medyo nale late sya ng uwi, at pangalawa, abot kamay na ang rape time.. para kang laging may nakahain na mga putaheng pangkastila sa hapag kainan.. pero hindi pa rin.
nung una pinagbigyan ko sya, naisip ko na naninibago lang sya na maging plain housewife ulit kaya ibinigay ko ang hilig, nalilibang sya sa net dahil sa mga forums at sa pinoy big brother, walang problema sinubscribed ko sya sa 24/7. para kong unti unting natutuyo dahil hindi ako makahawak ng pc, muntik na kong magsisi dahil hindi ko alam na gagawin nyang literal yung bente kwatro oras at pitong araw isang linggo ng subscription nya, pero sabi ko okei lang, matatapos din yan at dun ako babawi.. kung kakayanin ng 25/8, bakit hindi’ kumbaga sa negosyante, namumuhunan muna ko.. tsaka ko na kukubrahin ang para naman sakin.
pero natapos na ang pbb, nanalo na ang kupal na mapang agaw ng eksena na si ruben, dumalang na ang nagpopost sa thread ng forum na sinalihan nya.. pero may isa pa syang nadiskubre sa net.. back read’ .. at dun na nagulo ang mundo ko.
nung isang gabi ko lang napag isip isip na parang wala na kaming usap na matino ng babaeng to, ang naging buhay ko sa loob ng halos isang buwan, gigising para pumasok sa trabaho at uuwi ng bahay para matulog.
at ang huling naaalala ko lang na palitan namin ng salita e nung isang linggo pa, nung maaga sya natulog dahil sumasakit ang ulo nya, at nagkaron ako ng pagkakataon na makasingit sa net, pero dahil pang umaga ako sa trabaho, terti minutes lang nahiga na rin ako.

habang nakapikit pa..
mrs. cabron: hoooy, yung electric fan wag mong itapat sakin, giniginaw ako!
jon: letche! mag kumot ka!

yun na ang huli, maliban sa ginigising ko sya para isara ang pinto pag aalis na ko ng madaling araw para pumasok o pag pinapaabot ko sa kanya ang tuwalya pag naisipan ko maligo pagkatapos tumae.
sa lahat ng yan, hindi na naman siguro ako masamang tao kung maisipan ko naman na hanapin sa labas ng bahay ang pagmamahal na hindi ko matagpuan sa loob ng bahay namin, partikular sa loob ng kuwarto namin.
kaya sabihin nyo ng loser ako pero nananawagan ako ngayon sa mga babaeng may mga katangian na hinahanap ko.. baka pwede nating subukan, at malay natin baka sa ilang ulit na engkuwentro natin.. mapamahal ka sakin, hindi natin alam..
simple lang ang gusto kong babae, wala akong pakialam kung adik ka o bungal basta makumpleto mo lang ang mga simpleng katangian na hinahanap ko.

1. walang alagang pusa – mag aaway lang tayo, dahil nasabi ko na dati, pagnakakakita ako ng pusa parang nangungusap sya lagi sakin ng “jon, sipain mo ko, please”
2. hindi nagsusuot ng pambasketball na short – yuck! major TO sakin to.
3. hindi nate turnoff sa lalaking laging sira ang tiyan – gago ka pala e!
4. ayoko ng kaibigan ng bayan – possessive ako
5.
umiinom at nagyoyosi – gusto ko ng babaeng pwede kong makasama sa gimik, pero wag naman yung mas adik pa sakin.
6. ayoko ng kulot – ayokong maramdaman ng magiging anak natin ang nararamdaman ko sa mga magulang ko, pag may bad hair day ako.
7.
masarap magluto ng sinigang
8. ayoko ng pupunta ka sa mall tapos sukat ka ng sukat ng mga damit o sapatos na wala ka namang balak bilhin talaga –
isang kalokohan ng babae na hindi ko talaga mapag aralang tanggapin.
9.
nakakaintindi na hindi lang ako asawa, ama at empleyado, minsan kaibigan din ako at katropa kaya walang problema kung lumabas man ako para maginom tuwing dayoff ko.
10. ayoko ng nagpapabango nung mga pabangong amoy pabango ng kotse.
11. irespeto mo ang nanay ko, kung naiinis ka sa bunganga nya, ilagay mo sa bulsa ang mga kamay mo, tsaka mo ngaratan.. bawal na bawal na sasagutin mo yun, papatayin kita.
12. ayoko ng mga pet names
(labs, tart, habibi, bangus, labopmaylayp, pankeyk,sweety)
13.pag nasa mall tayo at naisipan kong maglambing sayo, inakbayan kita, wag na wag mong tatanggalin, ihe headlock kita!
14. ang stuff toys para lang sa kwarto, ayoko ng babaeng lumabas ng bahay na may bitbit na stuff toy –
ayoko ng mala cynthia patag ang style.
at sa huli,
15. ayoko ng nagtatanong tapos hindi naniniwala – pag sinabi ko na late ako nakauwi dahil umulan ng yelo sa maynila, tumahimik ka na, wag ka ng mag anu ano pa.

.. yun lang, simpleng simple at worth it naman na sundin ang ilang batas dyan sa labinlimang yan dahil pangako naman sayo na mamahalin kita ng tapat at buong buo.
at ipatuka mo sa utak mo, ang taong naghahanap.. merong hindi makita.

update:
bati na kami dahil nanood kami ng dinownload ko na KEKA ni katya santos sa net, nanood kami habang nakahiga kami sa kama at nakaunan ako sa tiyan nya at kumakain kami ng tortillos.. kalimutan nyo na yang nakalistang yan, at tigilan nyo ang buhay magasawa namin. enjoy your weekend’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “wanted gelpren”

  1. tsk…sayang ako na lahat to eh…

    1. walang alagang pusa – aso alaga ko
    2. hindi nagsusuot ng pambasketball na short – birthday suit pwede?hehe..
    3. hindi nate turnoff sa lalaking laging sira ang tiyan – no problem kasi ganon din ako
    4. ayoko ng kaibigan ng bayan – wala akong kabigan,aso ko lang
    5. umiinom at nagyoyosi – ako to,di lang masyado sa inom…
    6. ayoko ng kulot – pati bulbol ko straight…
    7. masarap magluto ng sinigang – super!!!
    8. ayoko ng pupunta ka sa mall tapos sukat ka ng sukat ng mga damit o sapatos na wala ka namang balak bilhin talaga – pag nagsukat ako ng damit,sure na bibilhin ko yon
    9. nakakaintindi na hindi lang ako asawa, ama at empleyado, minsan kaibigan din ako at katropa kaya walang problema kung lumabas man ako para maginom tuwing dayoff ko. -intindihin mo rin na di lang ako babae,minsan bitch din ako at kinakati ako kaya pag day-off ko,wala sanang problema kung mag-uwi ako ng lalaki..
    10. ayoko ng nagpapabango nung mga pabangong amoy pabango ng kotse. -cologne lang ako
    11. irespeto mo ang nanay ko, kung naiinis ka sa bunganga nya, ilagay mo sa bulsa ang mga kamay mo, tsaka mo ngaratan.. bawal na bawal na sasagutin mo yun, papatayin kita. – sige pero wag mo hampasin ng bote tatay ko
    12. ayoko ng mga pet names (labs, tart, habibi, bangus, labopmaylayp, pankeyk,sweety) – ok kupal
    13.pag nasa mall tayo at naisipan kong maglambing sayo, inakbayan kita, wag na wag mong tatanggalin, ihe headlock kita! – pag dinukot ko pundilyo mo sa mall,wag mo tatanggalin hanggat di ka nilalabasan ok?
    14. ang stuff toys para lang sa kwarto, ayoko ng babaeng lumabas ng bahay na may bitbit na stuff toy – yung aso pwede?
    15. ayoko ng nagtatanong tapos hindi naniniwala – pag sinabi ko na late ako nakauwi dahil umulan ng yelo – sure…at wag ka magtataka kung 2hours ako nawala at sinabing kong dahil sa traffic pero nasa may kanto lang ako..

    sayang jon,handa na sanang magmahal ang puso(n) ko…

    ==
    awww ambastos ng bibig mo! … mahal na kita lalo.

  2. parang gusto ko magmura! yung malutong na pagmumura talaga! $%#@*%$#!!!

    Imadyin, pinagtiyagaan kong basahin ang pagkahaba-habang listahan mo at habang nagbabasa ay panay banggit ko naman ng “tsek” sa utak ko.

    number 1…..tsek!
    number 2…..tsek!
    number 3….tseee…tsek!
    number 4….tsek!
    number 5….tsek!
    numbers 6 – 7….tseks!
    number 8….. kung mahal mo ko, balato mo na sa akin ang kahibangan namin na ‘to.
    numbers 9 – 15….TSEKs!

    Interesado pa naman sana ako. Tapos malalaman ko na lang na bati na pala kayo ni mrs cabron ng dahil lang sa tortillos!? WTF! Nasan ang hustisyaaaa?? Napagod ako dun a! bwahaha!

    ==
    .. bayaan mo pag nagaway ulit kami, maru..

  3. 1 to 15 ako yan eh! napapalatak tuloy ako after ko mabasa yung update, tsk!😆

    Buti na lang ok na kayo dahil kay KEKA at sa tortillos😀

    ==
    actually nung nakita ko yung likod mo sa isa sa mga entry mo, otomatik na minahal na kita, kalimutan mo na yang listahan na yan.

  4. naknamanng…
    1-5 ako yun
    6 -mejo di ko masagot, mejo wavy kse ang hair
    7 – pwede!
    8 – ay, mali ako dito… mahilig ako mag-fit ng mga damit, for the heck of it lang… hehehe
    9 – susko, ako pa nagbubuyo na ‘go out with your friends’
    10 – so pink at RL-blue gamit ko, pwede na?
    11 – magalang akong tao
    12 – pwede!
    13 – haysus, gusto ko nga to lagi! hehehe (basta ba di mabigat mga braso mo)
    14 – i hate stuffed toys!
    15 – pwede pa rin!

    tapos, kalokohan lang pala ang listahan… naman…

    ==
    pero.. seryoso ako sa listahan na yan’

  5. Tsk, tsk… 9 out of 15, Jon… Ok na sana, pero…

    1. walang alagang pusa – Mabaho sila. At hindi pet lover ang mga tao sa bahay.
    2. hindi nagsusuot ng pambasketball na short – Kababaeng tao… Baduy ah.
    3. hindi nate turnoff sa lalaking laging sira ang tiyan – Keri lang. Di ka naman magkakalat sa harap ko di ba?
    4. ayoko ng kaibigan ng bayan – Friendly ako, pero bilang sa daliri ng kamay ko ang mga tinuturing ko talagang kaibigan. Pede na ba ‘yun?
    5. umiinom at nagyoyosi – Keri lang din. Pero hindi kasi ‘to bisyo ko. Depende lang sa mood at sa kasama.
    6. ayoko ng kulot – Eh wavy?
    7. masarap magluto ng sinigang – Ahm. Masarap kumain ng sinigang? Hindi rin?
    8. ayoko ng pupunta ka sa mall tapos sukat ka ng sukat ng mga damit o sapatos na wala ka namang balak bilhin talaga – minsan lang naman ‘to. gusto ko lang ma-experience na suot ko siya… Pero di ako nagsusukat pag alam kong di ko mabibili. Puwede na ba ‘yun? HINDI RINNNN?!
    9. nakakaintindi na hindi lang ako asawa, ama at empleyado, minsan kaibigan din ako at katropa kaya walang problema kung lumabas man ako para maginom tuwing dayoff ko. – Ok. Pero kung kakaririn kita, malaking isyu pa rin ang may asawa ka, pero dahil di naman, walang problema…
    10. ayoko ng nagpapabango nung mga pabangong amoy pabango ng kotse. – Putris! Sapakan na lang o! Mabango mga pabango ko!
    11. irespeto mo ang nanay ko, kung naiinis ka sa bunganga nya, ilagay mo sa bulsa ang mga kamay mo, tsaka mo ngaratan.. bawal na bawal na sasagutin mo yun, papatayin kita – Pinalaki ako na mabait ng mga magulang ko, salamat.
    12. ayoko ng mga pet names – Magkakasundo tayo rito…
    13.pag nasa mall tayo at naisipan kong maglambing sayo, inakbayan kita, wag na wag mong tatanggalin, ihe headlock kita! – gege.
    14. ang stuff toys para lang sa kwarto, ayoko ng babaeng lumabas ng bahay na may bitbit na stuff toy – watta retard! Masaya childhood ko, kahit strict ang parents ko, hindi ko kelangan ng hayop na bulak para ma-comfort ako…
    15. ayoko ng nagtatanong tapos hindi naniniwala – ‘Yun lang…

    Hindi perpekto ang iskor pero kahit hindi tayo naayon, mahal pa rin kita, Jon, nang walang halong… ‘tever!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s