oh, dash wai!

dashkagabi dahil nahihirapan na naman akong matulog, at matapos ang tatlong sunod sunod na yosi ng marlboro lights, habang nakakulong sa banyo ng nakahubo at nakaharap sa salamin, may napansin akong kakaiba sa mga ngipin ko, at naisip kong ito ang sagot sa matagal nang katanungan na bumabagabag sa pagkatao ko..
hindi nyo naitatanong, mas maingay akong magtype kesa magsalita sa totoong buhay lalo na pag nasa harap ng mga bagong tao ako, ito rin ang madalas kung bakit lagi akong sa unahan ng jip sumasakay, nahihiya akong pumara ng malakas.. dati malimit kong itanong sa sarili ko kung bakit ako bulol, sabi naman nila napakadaldal ko nung bata ako.. malaki ang naging epekto sakin ng kapansanan na to, maliban pa sa madalas na pagtae ko sa short nung elementary at konti nung nasa high school ako, dumating pa sa punto na naisip ko na siguro pinabayaan ako ng nanay ko kaya naging ganito ako, siguro abala sya sa pag bibingo dati kaya hindi nya ko nabigyan ng oras na kausapin ng matino.. minsan ultimo sa alagang cockatoo ng kapatid ko naiinggit ako, kse madalas mas malinaw pa syang magsalita sa akin, naaalala ko nung nakipag open forum ako sa mga kaibigan ko nung nasa fourth year high school ako, iisa lang ang pintas nila sakin, minsan daw oo na lang sila ng oo.. di daw kse nila maintindihan madalas yung sinasabi ko..
kahapon, habang nageexperiment ako ng mas astig na paglabas ng usok sa bibig ko sa harap nga ng salamin, napansin ko na hindi pala pantay yung ngipin ko sa unahan sa taas at sa ibaba.. pakitignan na lang sa picture, at kung napapansin nyo na medyo parang namamaga ang nguso ko dyan.. camfone lang kse ang ginamit ko, wag nyo kong pagtawanan sad
.. lisp ako, sinubukan kong iadjust ng konti ang panga ko at pinagpantay ko yung mga siwang ng ngipin ko sa unahan, at sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng dalawampu’t pitong taon lumabas ang hindi bulol na salita sa bibig ko.. nabigkas ko ng malinaw ang salitang “pengeng piSo pambili ng SoPaS” ngayon kailangan ko na lang sanayin ang panga ko sa ganung posisyon, dahil nung gabing yun bago ako matulog habang nakahiga, hindi ko ginagalaw sa ganung posisyon ang panga ko at para akong magla lockjaw kanina pagkagising ko..
at hindi rin option ang braces dahil sa katulad kong kumikita ng sapat lang para sa panluho at para sa pamilya ko, mahirap humugot ng para sa ganun.. hindi nila maiintindihan, at sobrang hirap para sa katulad kong maraming nakapaligid na kups na malalakas mang asar, sasabihin lang ng nanay ko “sus kung kelan ka tumanda, ngayon ka pa nagpacute” at sasabihin ng mga matured kong kaibigan, “huuuu pampabaho lang ng hininga yan!” ..
malungkot ang buhay, at minsan ang nagpapalakas na lang ng loob ko ay yung mga komento ng mga ex girlfriends ko na para daw akong ant eater kung makahalik.. hindi ko alam kung pinupuri ba nila ako o ano, pero basta parang nakikiliti ako pag naaalala ko yung mga komentong ganun, galing sa mga dati kong girlfriend na pinagsisiiwanan ako. mga walangyang babae’

note:
bukod sa 2:3 ang ratio nung ngipin dun sa unahan sa taas at baba (naka bilog)
yung gap ng taas at baba ang suspetsa kong salarin..
eto para mas madali.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “oh, dash wai!”

  1. hehe! siguro naman papuri yung pagkakahalintulad mo sa ant eater..humihigop? parang vacuum.

    kelangan ba talaga pantay yung taas at baba? di naman ako bulol. hehe!

    ==
    ang sinasabi ko yung siwang ha?
    ewan.. la akong pagkukumparahan e. bwahah!

  2. ang hirap talaga pag may breishesh kuy jon idol..

    ==
    uu nga daw, meron akong gelpren dati naka breyses din, nung umipit sus akala ko tinuli na naman ako.. pero wag na siguro nating idetalye pa yung mga bagay na personal na.

  3. uhm, bulol din pa ako. lahat ng S ko, SSShhh ang labas, at lahat ng R ko, W ang labas. pero di bale, sikat naman po kayong blogger na may hanep na sense of humor so di bale ng may lisp kayo.๐Ÿ˜€

    ==
    yung R na nagiging W ang gusto ko, ang sosyal pakinggan.
    “dude, pawe punta tayong bowacay, hithit tayong mawijuana dun, pawe!”

  4. Pryss (12:00:32) :

    naniniwala akong ikaw yan kasi nakita ko yung black girly bag mo ehโ€ฆkaya ikaw wag ka mag-aral magdrive okay?โ€ฆ

    ==
    black girly bag? yan ang dala dala ko nung nakipag suntukan ako sa tundo sa apat na lasing na may mga hawak na tubo, habang nakahubad ako.. FYI lang.
    _______sobrang natawa ako dito sa sagot mo…remember na sinabi mo dun sa bag tag na kabadingan yon?…thats why sinabi ko na girly bag…wag ka na tampo,baka ako sunod na bugbugin mo,taga-tondo pa naman ako…lalo pa at di mo pa din ako ini-add sa ym mo…

    ==
    pag inadd kita, mamahalin kita, pag minahal kita.. masasaktan lang ako.

    ONTOPIC: talaga?…bakit sa kin naman maayos…di pantay ang “bite” ko pero malinaw naman ako magsalita…nasanay ka lang siguro sa S na sounds kaya di mo naalis…pero di ka naman laging sinasakitan ng ulo?…if meron,kailangan talaga ang braces para maitama ang TMJ..
    http://www.google.com/search?hl=en&rls=com.microsoft%3Aen-ph%3AIE-SearchBox&rlz=1I7RNWN&q=TMJ

    ==
    binasa ko sa wikipedia yung meaning, at tama ka sumakit nga ulo ko!!
    normal naman pagkagat ko, nauuna naman yung taas kesa sa baba.

  5. yosi guru:nakakaaffect din pare, yung paghithit ng yosi. Tsaka yung paghithit mo ng menthol, itapon mo na lang yan… mag red ka na lang o kaya yung lights. Kung can afford, mag west ka na lang… hindi ko alam kung ano medical reasons nito pero pinayuhan ako ng taga conservatory(of music) na nakakaapekto nga daw yung menthol sa boses natin… wag mo masyadong sisihin si ngipin..baka magtampo din yan๐Ÿ˜€

    ==
    ahhhhhm, hindi sa boses ang pagiging bulol pare’

  6. mas malala pa dyan yung ngipin ko pero hindi naman ako bulol..palagay ko… huwaw.. ant eater!๐Ÿ˜€

    ==
    so hindi ka naniniwala? at anoooooh taga laguna ka lang at taga muntinlupa ako?!

  7. mukhang masarappppppp…..masarap ka kumain…mag diet ka…..teka parang walang sense sinabi ko….wala lang akong masabi……nyahahaha…

    ==
    sana dun pa lang sa sinabi mong “mukhang masarappppppp” tumigil ka na kase.. maiintindihan na kita nun’

  8. pag 2:3 ang ratio ng front teeth mo ito ang sanhi kung bakit may lisp ang isang tao?
    salamat at may bago akong nanaman akong natutunan sayo.๐Ÿ™‚

    matagal nakong masugid na nagbabasa ng blog mo, nahihiya lang ako mag comment. hehe.๐Ÿ˜€ ang galing mo idol!

    ==
    ..bwahah eka di ako sure ha, pero sabay nating saliksikin ang mga bagay na yan, yun e kung wala ka pang boyfriend,
    “ang galing mo idol” .. napakasarap at nakakakiliting pakinggan.

    * nagresearch pa talaga ko para makita yung blog mo… bob ang pangalan mo?!

  9. NAMISS KITA JON CABRON…. bilang dentista.. puntahan mo ako at sasabihin ko kung ano dahilan ng pagka bulol mo..wala sa ipin yan.. miss kita talaga.. sobrang busy lng ako.. mwahhhh! tawagan mo ako ha? tsup!

    ==
    wala sa ngipin? nasa dila? pero * magaling ang dila ko!!!
    ok lang, payaman ka ng payaman para masuklian mo yung stork na ibinigay ko sayo dati..
    lawls’

    * walang sakit

  10. tama ka jon,yung gap nga ang salarin.i was wearing braces before pero naayos na..pero naman sakripisyo talaga!ngayon wala nang S defect pag nagsasalita..mas malinaw na..nice reading your blog!masugid akong tiga-subaybay from scandinavia!

    ==
    scandinavia wow! saang engkantasya yan?!
    sabi na e.. hmmm yoko mag brace, baka mahirapan akong magyosi at mamulutan. salamat sa pagbisita.

  11. na curious ako sa anteater… di ba walang ipin ang anteater pero di ko sure ha. alam ko kse they use their tongue to lick insects from the ground.

    hmmm….

    ==
    ayan na e, nakuha mo na yung keywords
    tounge, lick, .. tnx.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s