bobblehead

bobblebobbleheadalso known as a bobbing head doll, nodder, or wobbler, is a type of collectible doll. Its head is often oversized compared to its body. Instead of a solid connection, its head is connected to the body by a spring in such a way that a light tap will cause the head to bobble, hence the name.
– at anong kinalaman nitong picture at definition sa post ko ngayon? wala akong pinagkaiba dyan sa character na yan sa mga panahon na to.. uuga uga ang ulo dahil sa puyat at mega dum dum ang tingin ko sa sarili ko.. alas dos nako lagi nakakatulog, partida pa yan kse di na ko nakakahawak ng pc sa bahay, mula alas nwebe naka program na ang kilos ko.

09:00pm – mahihiga sa kama at magpipilit matulog
10:00 – tatanggapin sa sariling hindi pa inaantok (kukunin ang celfone at makikinig sa boys night out)
11:00 babalibaliktarin ang unan, tatapatan ng elecricfan ang mukha (aasang yun ang dahilan kaya di makatulog)
12:00 – lolokohin ang sarili na inaantok na
01:00am – mapapansin na hindi pa rin nakakatulog sa dami ng iniisip (mayaman kunyari, may kapangyarihan, may ka date na artista, legal ang tsongki etc.)
01:20am – magkukulong sa banyo para magyosi
01:30 – 2:00 – mawawalan ng malay
4:00 – tutunog ang alarm (snooze muna ng 5 minutes)
4:05
– tutunog ulit ang alarm, mapipilitan ng bumangon
4:10 – init ng tubig pangkape, pagkatimpla tatapatan ng electric fan para lumamig
4:15 – 4:40 – lahat ng pwedeng gawin sa loob ng banyo
4:40 – 4:55 – magbibihis, lahat ng kailangang gawin
5:00 – 5:15 – byahe hanggang alabang ng jip
5:15 – 5:35 – sakay ng bus hanggang vito cruz
5:35 – 5:40 – byahe ng jip hanggang sa may sakayan ng pedicab
5:40 – 5:45 – daan ng convenient store / mini drug store para sa tubig, imodium at babolgum
5:45 – 5:55 – pedicab ride, swipe ng timecard

.. ganyan ang magiging program ng buhay ko sa loob ng isang buwan’ at sa mga gantong pagkakataon na mag isa pa lang ako sa opisina at nahihilo pa ko sa antok, pumapasyal din paminsan minsan sa isip ko na mang hiram ng lubid sa engineering department, magbigti dito sa opisina at mamatay muna saglit para makapag pahinga lang… pero naisip ko na bukas dayoff ko naman so pagdating ng 2pm maya maya lang, iinom ako, magpapakalasing, hihithit ng sandamukal na yosi, hihithit ng apyan, mambababae kung meron, at walang makakapigil sakin kahit si mrs. cabron, yey! masaya pa rin ang buhay!!!! pero naisip ko na alas otso pa lang ng umaga at napakahaba pa ng oras para sa mga iniisip ko… taena!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “bobblehead”

  1. hala. hindi kaya dumami ang pimpols mo sa skedyul mong yang? 2 hours lang halos ang tulog? ano nga bang maia-advise ko sa yo na pampatulog? susko, wala rin ata. try mo magbasa ng napakaboring na libro bago matulog, baka sakaling antukin ka. hehe.

  2. ako din naging mild insomniac for the past few weeks dahil sa vacation. pero ngayon hirap na maibalik ang dating sleeping sched ko. pero kailangan pilitin kung hindi para akong zombie sa school. delikado pa naman lalo na pag nakaduty kmi sa hospital. usually, i nice shower po bago matulog ang ginagawa ko so i can sleep better🙂

  3. its already 2AM here….so by this time,bangag ka na ba?…may TB ka na ba sa dami ng nahitit na yosi?…at nakapambabae ka ba ng walang pumipigil?…kung lahat yan nagawa mo…congatulations,its worth all the pagpupuyat…ngayon sa lunes,humanda ka sa bagong yugto ng bobblehead part 2 nyahahahhaha!!!!^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s