alaala ng isang malaswang larawan mula sa karachi

naaliw ako, nabuksan ko ulit yung account ko sa yahoo na ginagamit ko nung dating dati pa.. isa yun sa mga nauna kaya newbie pa talaga ako sa YM galing ng MSN. halos karamihan ng nasa friends list nung account di na active.. or pwedeng nagpalit na rin ng account. browse ko yung email at saglit na tumigil ang mundo ko sa nakita ko.. nagbalik ang mga alaala ng isang pag iibigan na malalim na karagatan at nakapupuwing na disyerto ang pagitan, at isang relihiyon at kaugalian ang humahadlang…
nakilala ko sya sa MSN.. konting palitan ng “whisper” at nakapalagayang loob, taga karachi sya.. galing sa isang mahirap na pamilya, mula sa isang mahirap na bansa. pagtagal, napagpasyahan namin na lumipat sa yahoo.. at dun lalong tumibay ang pagkakaibigan namin na nauwi sa palitan ng “i love you” sa PM at sa email.
halos alam nya na ang lahat sa akin, ganun din ako sa kanya.. alam ko na teacher ang tatay nya at mga kapatid na lalaki, alam ko na lupa lang ang sahig nila.. at alam ko rin kung gaano kahigpit ang tatay nya at mga kapatid sa kanya, lalo na pagdating sa lalaki.. masyadong conservative ang relihiyon nila pagdating sa bagay na yun.
tinanong ko sya isang araw kung papano sya makakapag asawa ng gusto nyang lalaki.. ang sabi nya, wala daw paraan.. kaya nagdadasal na lang sila ng nagdadasal na magkakaibigan na sana ang makasundo ng pamilya nila sa pagbibigay ng dote.. yun yung lalaking gusto nila… binibili ang babae sa kanila.
naging obligasyon na sa aming dalawa ang pagoonline ng ayon sa skedyul nya ng paghawak ng computer sa kanila at sa eskuwelahan, naging batas na rin na magiwan ng offline pag sakaling hindi makakapag online ang isa..
isang bagay lang ang hinihiling ko sa kanya, ang padalhan nya ko ng picture nya.. sa tagal ng paguusap namin, ni minsan hindi ko pa nakikita ang picture nya.. wala daw kse syang digicam o scanner man lang.. hiyang hiya nyang ipinaliwanag yun kaya hindi ko na inulit yung hiling ko, pero nangako pa rin sya na pag nakapunta sya sa kaeskwela nya na medyo may kaya at may digicam, magpapakuha sya agad at papadalhan nya agad ako..
hanggang sa dumating ang isang pagsubok na nagpabago sa pagtitinginan namin.
andun sya sa bahay ng mga kaibigan nya nun.. magkachat kami at napagtripan nilang magkakaibigan na magbigay ako ng picture ko na hubo’t hubad.. nung una nag alangan ako.. ayokong magbigay ng picture ko ng nakahubo.. lalo na sa isang taong hindi ko pa nakikita ang itsura, pero nangako sya na pag natanggap nila ang picture ko.. magpapakuha rin sila ng mga kaibigan nya ng seksi. curious lang daw sila ng itsura ng lalaking nakahubo, dahil sa pagkaconservative ng bansa nila, pati mga website na may mga ganun, nahaharang.
.. hinawakan ko ang pangako nya na magpapadala sila ng picture na magkakasama at seksi din, kahit nagaalangan.. pumwesto ako sa may kama at isinet sa otomatik yung digicam.. at bumukaka’ .. isinend ko ang picture sa kanila, at naghintay sa isesend nila.
ipinadala nya ang picture na to na magkakasama sila.. sya daw yung pangatlo’

click here

.. sa bansa daw nila, mahalay na pag nakita mo yung kamay ng babae.. itago ko daw at mangako ako na pakakaingatan yung picture nila’ hiyang hiya daw sila sa lalaking kumuha nun. nakita ko na lang ang sarili ko na minumura sya at ang mga kaibigan nya.. nakapag bitiw din ako ng mga salita tungkol sa 5-6, mapanghi, at hindi naliligo, hanggang sa maglog out sila. at simula nun hindi ko na sya nakitang nag online, hanggang sa nagpalit na nga ako ng account.
at kanina nga nung napag isipan kong buksan ang account na yun, nagbalik ang isang ala ala.. at kung tatanungin mo ko kung bakit kasama sa picture yung kumukuha ng larawan… hindi ko rin alam.. hindi ko rin alam..

happy new year and everything!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “alaala ng isang malaswang larawan mula sa karachi”

  1. iidlip sana ako ngayong hapon na ‘to para mahaba ang resistensya ko mamaya sa pagsalubong ng bagong taon. pero paano ko pa magagawang matulog eh nawala antok ko at nagulat ang mga kasama ko dito sa bahay sa lakas ng halakhak ko dito sa entry na to at sa pic ng dati mong kahalay!!!!
    anak ng galis talaga oo! labs pa rin kita hanggang ngayon, idol! mag iisang taon na tayo! bwahaha! habang tumatagal eh mas lalo kang gumagaling.

    happy new year, jon cabron!

    ==
    same to you at sa inyo ng dalaga at binata mo’ maraming salamat sa isang buong taon ng pambobola bwahah!

  2. nyahahahah…double picture taking…kinunan yung kumukuha ng larawan hahahah!!!!…dapat kasi kinikilala mo ng husto eh,na-scam ka tuloy,baka porn stars yang mga yan…sinabi na kasing di ka magsisisi sa kin,ayaw maniwala…

    ==
    naniniwala ako sayo… pero pwede bang malaman ang blog addie mo, at bakit walang friendster account yang email na ginagamit mo? .. masasaktan lang ako sayo!!! .. coffee?

  3. shox porn yan ah hahah pano kaya sila nagkakakilanlan nyan noh tsaka pwede kaya mag-ganyan din mga lalake ahahaha.. happy new year fafa jon! isa ka sa mga taong nagpasaya ng aking blogging life, salamat! mwahh! (frenli kiss lang haha) .. happy new year 2 u and ur family!😀

    ==
    friendly kiss, kiss sa kamay, sa noo.. pare pareho lang dating sakin nyan, wraaaar!

  4. the punchline…whew! naiyak ako sa kakatawa🙂

    ==
    tnx..
    btw, nakita ko yung primary pic sa friendster mo tapos biglang ewan ko pero bumilis yung tibok ng puso ko tapos nagkulay rosas yung mundo ko, hindi ko naman masabi kung pagibig na ba to kse…. virgin pa ko’

  5. hahaha…uyy,nag-iimbestiga sya sa akin lolz…friendster account ko is diffrent from here pa…pero kung gusto mo,add mo na lang ako sa ym para makapag-chat tayo hehehehe😉

    ==
    .. nabasa mo na ba ang istorya ng langaw na pumasok sa malagkit na sapot ng gutom na gagamba? hindi pa? gud.. add kita mamaya sa YM’

    PS.
    madali akong mainlove sa chat..

  6. primary pix sa friendster? hmm… eh pano kung sabihin ko na lalaki ako? hehe… joke lang po🙂

    salamat sa pag-appreciate pero sa dami po ng nabasa ko sa blog nyo parang dapat po yata akong mag-ingat sa inyo hehe… mukhang chatmate killer kayo eh hahaha

    ==
    actually pwede rin ako sa lalaki.. pero tsaka na natin pagusapan yun’
    .. at pano mo masusukat ang lamig ng ilog kung hindi mo susubukang ilublob ang mga paa mo,
    chatmate killer amfpt!!!!

  7. sumambulat ang tawa ko sa tahimik naming opisina!
    galing talaga magsulat – been a silent fan for months now (shy type), pero di ko matiis na hindi mag-comment (hehe!)…

    happy new year!

    ==
    awwww ewan ko pero, pakiramdam ko malapit na kitang mahalin.. ayoko tong nararamdaman ko, kakakilala lang natin’

  8. di ko alam kung ok lng ang informative comment d2. I happen to mingle with those kind of people kc e. bat anyway i have to admit na bumilib tlga ako sa galing mong pumili ng subject ng story m. thumb’s up pare. i’m liking it.hehe

    ==
    kung yung informative comment mo e lalabas na bobo ako, bawal yun dito!!!!!!!
    sana nagustuhan mo yung entry ko, tulad ng pagkagusto kong makilala ka pa ng lubusan..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s