bading na bading (bag tag)

sa lahat ng itinag sakin, dito lang ako talagang nakaramdam ng excitement.. ewan ko kung bakit’ pero talagang kakaririn ko to!!

kk
ito ang bag na pasan pasan ko, anim na araw isang linggo
at sa likod ng pambaklang bag na yan, dun sa tinatawag kong mga delikadong bagay,

kk-1
makikita ang..
1. wallet ko
2. 2gig creative stone plus (mp3 player)
3. 1pack / 7 sticks wrigley’s doublemint chewing gum – para sa mga biglaang lips to lips
4. data cable nung mp3
5. 6288 fone
– iba lang housing, balik nokia na ko’
6. empty plactic bottles – ng chinese med para sa pagtatae
7. resibo ng 711
8. blutut
9. charger ng fone
10. coin purse na may..
11. mr. bean na keychain –
wala kang pakialam!
12. 512mb flashdisk – para magmukhang IT ang dating

at eto naman sa harap, eto yung tinatawag kong mga pambiglaang bunot..

kk-2
1. lumang payslip
2. empty pack of marlboro gold (tens)
3. 5 storks – para sa byahilo
4. 711 peek a million stub
5. penshoppe graffiti series (strike)
– P70+ lang sa 711, at wala kang pakialam
6. dating gatepass sa opis
7. pampa muscle ng leeg
8. 2 sachets of nescafe viva vanilla – nakaka el ang bango, o baka ako lang yun’

at sa pinaka loob ng bag..

kk-3
1. shades – di ko sinusuot, inosente ako.. nahihilo ako pag naka shades
2. resibo ng 711
3. bimpo
– pag amoy masipag na yung panyo ko.
4. payong – nababaklaan ka sa lalaking nakapayong? ewan ko kung makakatulong pero kickout ako nung highschool dahil sa malimit na pakikipag suntukan, tnx.
5. eto yung lalagyan ng kwarenta’y singko ko at mga bente nuwebe.. eka ipapasilip ko sa inyo..

kk-4
charing!!

eto naman ang laman nyan.. at sana e hindi maging daan para magbago ang pagtingin nyo sakin..

kk-5
1. kojie san acid soap – para kutis dalagita
2. dalawang sabon – panghugas sa pwet, bakit dalawa? ahhhmm, depende sa mood.
3. lalagyan ng film na may lamang pulbos – pinoy na pinoy!
4. sepilyo
5. tutpeys
– para sa mga pagkakataong kailangang mong magpakitang tao
6. nivea oil control facial foam
7. master classic (oil control deep cleansing)
8. master derma clear (helps clear away pimples)
– pwede kong idemanda nyang tatlong yan, sa paglantad ko bilang user nyang produkto nila.
9. astring o sol – pamatay amoy patay na daga
10. brush – dahil kulot ako, pero tuwing may nakakasakay akong matanda sa bus, pinauupo ko at hindi ako nakakalimot magbigay sa mga pulubing nadadaanan ko. tnx
11. vicks – sipunin ako at mahina ang katawan ko
12. isa pang penshoppe graffiti series (strike)
13. deodorant na walang laman –
hindi ito ang brand ko at hindi ko alam kung kanino to, napasama lang siguro nung nag in house kami dati sa trabaho.. yuck!

… yan na po’ maraming salamat ms. jovi sa pag bibigay ng pagkakataon sa mga visitors ko para malaman kung gano ako kabading, at para mawalan ako ng kredibilidad sa mga post kong palaban.. maraming salamat’ isa kang tunay na kaibigan…
at tinatag ko rin ang aking kaibigang may kasipagan.. ang babaeng may lihim na pagtingin sakin.. si lenggai

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

29 thoughts on “bading na bading (bag tag)”

  1. andaming laman ng bag mo ha. na-aliw ako. baket nga pala 2 yung penshoppe graffiti series mo? hehe

    bihira lang ang guys na mahilig mag-bag. at marami pa kamong laman ang bag. at nga pala, hindi bading ang dating ng laman ng bag mo. banidoso lang, kse may eskinol pa. the contents of your bag, reminded me so much of a guy friend.πŸ™‚

    ==
    .. dahil big time ako’ (yung totoo walang laman yung isa, tinamad lang ako itapon)
    tnx and meri krismas!

  2. Pink na MP3 player? Palawit sa cellphone? Iba’t ibang klaseng pang sabon sa pwet at mukha? Ok! Ok! Hindi ka bading! Metrosexual lang talaga! Salamat sa pagkarir mo sa tag na ito…πŸ˜€

    P.S. Nahihilo din ako pag naka shades… At itapon mo na yang deodorant na di iyo baka kung kani kaninong kilikili na naipahid yan…

    ==
    white yan, pink lang yun silicon.. at ang white ay simbolo ng kadalagahan.. nya’y!

    PS.
    tinapon ko na.. hehe’

  3. mahal kong dyon, bakit merong kulay pink dun sa bag mo, huhπŸ™‚ maligayang pasko at ikain mo ako ng carbonara…

    ==
    dahil bakla ako, yan naman gusto nyong marinig e.. some true friend you are’
    also, meri krismas, kenksssssss.. pakiss ng walang malisya!

  4. merry xmas jon! grabe kinarir mo na talaga ang tag na to…hanep!

    akalain mo nga namang pareho pa tayo merong mr. bean keychain..haha!

    ==
    seryoso yung mga lalaking walang ganyan na palawit, nalalambutan ako sa dating’ yan ang simbulo ng kalalakihan sa mga panahon na to.. ang keychain ni mr. bean!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s