ang haharang sa dadaanan ko, isasama ko sa impyerno!!

habang naglalakad ako, ilang hakbang paglabas ko ng opisina.. may mga batang idad apat hanggang idad pito ang naghaharutan sa daan, malayo pa lang ako sinabi ko na sa sarili ko pag may napabangga sakin o kahit masagi lang kahit braso ko, taena, tatadyakan ko talaga sa batok’ .. swerte nila dahil pag daan ko parang winalis silang mga nagsitabihan, nung nag aabang ako ng jip, gusto ko sana sumakay sa unahan pero lahat ng dumadaan puro may nakasakay na, napopokpokan ako sa mga babaeng sumasakay sa unahan ng jip,
habang nasa jip, napansin ko yung katarantaduhan ng ibang lalaki na hindi mo alam kung mga gahaman sa sigarilyo o nagsisiga sigaan lang, napansin nyo ba yung nagyoyosi sila habang nagaabang ng jip, tapos pag may pinara sila hihipak muna sila ng malalim sa yosi nila tsaka nila itatapon tapos pagsakay nila dun nila sa loob unti unting ibubuga yung usok, ang sarap pag susuntukin sa pagitan ng ilong at nguso ang mga potarages!
pagsakay ko sa bus, napansin ko naman yung mga gagong nauna ka sa upuan tapos paguupo sila sa tabi mo basta na lang nila ibabagsak yung mga katawan nila sa upuan na halos mayanig ka na sa pagkakaupo mo’ tangena kung hindi mo kaya ang sarili mo e magpapayat ka, hindot! tapos yung estudyante sa tabi ko.. sya yung nasa may bintana ako yung nasa daan, pag tigil ng bus sa vito cruz.. inurong nya yung paa nya sa may paa ko tapos gumilid sya, otomatik nagbigay ako ng daan.. tapos ang gago di pa pala bababa, nagtetext lang.. sabi ko “wag kang umastang bababa ka kung hindi ka naman bababa” handa ako sa away, kung sumagot pa sya ng pabalang balang nung mga oras na yun, lalagpas sya sa pupuntahan nya, dahil magiging abala sya kakapulot ng ngipin nya sa sahig’
nabubuwisit ako sa mga parol sa skyway na umiilaw at naggagalawan, taena kung may epilepsy ako, magsi seizure ako panigurado sa loob ng bus habang nakadungaw sa bintana’
wala ba silang balak bawasan yun?
habang nasa jip ako ng alabang, nag init ang ulo ko dun sa drayber na, parang pakiramdam ko lahat ng sakay ng jip nagmamadali, sya lang ang hindi, tama bang mag full stop pa pag mag aabot ng bayad at magsusukli? watta noob’ tapos nung nagminor sya pagdaan sa gasolinahan, sabi ko sa sarili ko.. subukan mo lang lumiko dyan at magpagasolina, sinungaling ako pag hindi ka kakain sa pamamagitan ng straw simula bukas hanggang sa mga susunod na linggo pa’ .. swerte nya, nagbago yata ang isip’
pagbaba ko ng jip, may naghaharutan na nagbabasaan na mga car wash boys sa kalsada sa tatawiran ko, isa isa kong tinitigan.. naghihintay ako ng sasalubong sa tingin ko’ swerte nila dahil abala sila masyado sa paghaharutan, di nila ko napansin, dahil inihanda ko na ang sarili ko na isang tao lang ang sumalubong ng tingin sakin sa grupo nila, lahat sila.. pupulmunyahin sa kakahilamos ng kamao ko’ .. sa wakas nakauwi din ng bahay, salamat sa diyos walang nangyaring masama sakin..

sa nagsasabing ang yabang naman ni jon, isa lang ang sasabihin ko sayo, wala kang pakialam!!!! buhay ko to at blog ko to ako ang diyos dito!!! wag ka ng mag anu ano dyan! at kung tatanungin mo ko kung bakit ba ang init ng ulo ko kagabi sa byahe? .. taragis nagpipigil ako ng tae mula pedro gil hanggang sa tapat ng banyo namin, hindi pa ba sapat na lisensya yun para magalit ako sa mundo nung mga oras na yun?!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “ang haharang sa dadaanan ko, isasama ko sa impyerno!!”

  1. sumasakay din ako sa unahan ng jeep. dati hindi. as in, hindi mo talaga ako mapapasakay sa harap ng jeep. kaya lang, pamula nung na-snatch-an ako ng bag sa jeep, natuto na ako tumabi sa driver. feeling ko kse mas konti ang chance na ma-snatch-an ako.
    ako smoker din, pero hate ko yung mga nags-smoke sa public vehicles. kaya ako di rin nagyoyosi sa mga pampasaherong sasakyan (golden rule ba).
    yang alamat na lagi kang natatae, totoo nga pala. nang una kse kitang mabasa, di mashado tungkol sa pagtatae ang mga posts mo. nagtataka pa ako, baket laging tungkol sa inidoro, pagtae etc. ang mga pahapyaw nila sa yo. ngayon alam ko na kung baket. hehe. (sori, nobela ang comment)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s