balahibumpusa

tumawag yung sekretarya mo, kung pwede daw palipat ng system unit sa taas ng table nya, galing sa ilalim ng mesa.. nahihirapan daw syang pindutin ang power, kinakailangan nya pa raw gumapang sa ilalim.
pagdating ko dun, konting plano muna bago ako sumuot sa ilalim, check kung may mga kableng kakapusin at kung saan ang tamang ikot ng mga kable. nung matantya kong, okei na ang lahat, dahan dahan na kong pumasok sa ilalim at kinapa kapa ang lahat ng kable sa likod, sobrang init, pawis na pawis na ko at puro alikabok..
dun mo ko naabutan, naglitanya ka pa sa secretary mo”ikaw naman, pinapagod mo masyado si Jon” ngumiti lang ako, sabi ko pa “okei lang po”
nung isang gabi, ikaw naman ang tumawag may pinaayos ka sa pc mo, naayos ko naman tapos may extra pa, nilinis ko yung pc mong tadtad ng spywares dahil sa mga kakornihang screen savers na pinagdada download mo’ .. sabi mo “salamat” ngumiti ako tapos sabi ko na lang “okei lang po”
sa lahat ng yun, palihim mo na pala kong niyayari, at pinagdidiskitahan mo na pala yung balbas ko.. at habang ang ibang mga dalubhasang mga siyentipiko sa iba’t ibang sulok ng mundo ay abala sa pagtuklas ng gamot sa malulubhang sakit, at habang binabalot ng karahasan ang somalia at nababalot sa matinding kahirapan ang ethiopia, ikaw  ang pinag  uukulan mo ng pansin e yung balbas ko..
sabi ko sa sarili ko hanggang paguwi ko, hindi naman nakakaapekto sa pagtatrabaho ko ‘tong balbas ko kaya hindi ako mag aahit, pero kagabi sa bus naisip ko.. ayokong mandamay, .. kagabi pagkaligo ko, inahit ko ng mapurol na labaha yung balbas ko.
pagkatapos maligo tumingin ako sa salamin, taena’ bumata ang itsura ko at nagmukha akong boy next door na naman.. taena, taena eto na ang sinasabi ko’ pag nasira ang pamilya ko dahil sa ginawa kong ito, hindi ka patutulugin ng kunsenya mo..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “balahibumpusa”

  1. it’s my first time to visit your blog and i brought myself to tears… laughing. can i link you up po? so it would be easy for me to visit you for my daily dose of amusement?🙂

    newbie po sa wordpress eh🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s