para sa babaeng may dalawang keloids ng bakuna sa kaliwang braso, at may kulay ang buhok na ginamitan ng agua, sa bus, kanina’

kung ikaw ang babaeng may dalawang keloids ng bakuna sa kaliwang braso, at may kulay ang buhok na ginamitan ng agua, sa bus, byaheng lawton, kaninang tanghali, para sayo ang maikling liham pag ibig kong ito.
siguro may sampung minuto na rin akong nakaupo sa bus na hindi gumagalaw at naghihintay pa ng mga pasahero ng biglang napansin kita, nanggaling sa may unahan at umupo sa may kabila ng inuupuan ko, napansin ko agad ang damit mong mukhang pangmatanda na pilit pinagkasya sa bata mong katawan, idad disinwebe – bente kwatro ka sa tantya ko.
nung kausap ako ng kunduktor at saglitan kang nakipaglaban ng titigan sakin, tapos tinanggal mo yung ipit sa buhok mo para iwagayway ang buhok mong kulay kalawang.. gusto na kitang tabihan at kausapin, dahil sa bar.. yun ang isang sign na interesado ka rin sakin, pero ayokong sumugal sa mga oras na yun, hindi ko kse alam kung pareho ang diskarte sa bar at sa bus.
nung sumunod na nagkatitigan tayo, yun yung halos mapalipad na tayo sa mga upuan natin dahil sa bilis magpatakbo at biglang nalubak yung bus na sinasakyan natin, nginitian kita pero tumungo ka lang sabay lingon sa bintana, dun pa lang alam kong magiging mabuting asawa ka na para sakin.
hindi ko kayang iwan ang pamilya ko para lang sa isang babaeng nakasakay ko sa bus, pero kung sakaling umabot tayo sa puntong yun ng byahe natin na nalagay ako sa sitwasyon na kailangan kong mamili sa inyo ni mrs. cabron.. siguro magiisip din ako, magdadalawang isip, maguguluhan’
at tulad ng isang ordinaryong takbo ng buhay, may kinakailangang magpaalam, kahit mabigat sa dibdib ko, kinakailangan ko ng bumaba.. kinain ako ng panghihinayang nung nakita kitang nakatingin pa rin sa bintana habang dumadaan ako sa tabi mo, isang maliwanag na senyales na ako lang ang nagiisang nakaramdam ng pagmahal sa byaheng yun..
nagpatuloy ako ng paglalakad habang hinahatid ko ng tingin ang bus na kinasasakyan mo, at habang papalayo ka at papaliit na ng papaliit sa paningin ko yung bus.. palabo na rin ng palabo sa isip ko yung itsura ng buhok mo habang matigas na lumalaban sa ihip ng hangin, at ang mga kuko mong may bakbak na mga pinturang pula na minu minuto yatang nagkakamot sa balat mong nangangaliskis..
at ang apat na dura mo sa sahig ng bus na tinapakan mo at ikinalat ng tsinelas mong bahagyang maliit sa paa mong puro talsik ng putik.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “para sa babaeng may dalawang keloids ng bakuna sa kaliwang braso, at may kulay ang buhok na ginamitan ng agua, sa bus, kanina’”

  1. bwahaha! nai-imagine ko yung kuko na puro bakbak ang pintura. hahaha! kaya ayaw ko magpa pintura ng kuko eh. sagwa tingnan pag nabakbak.
    sa description mo dun sa babae….hindi kaya yun ang nawawalang kapatid ng Aegis? kulay-kalawang kamo ang buhok eh. hehehe! no offense meant sa taga Aegis.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s