lufah

dito sa pinagtatrabahuhan ko, pag may guest na kailangan ng access sa wifi, lagi kong linya to “sir, kailangan nyo pong pumunta sa link na to para mag disconnect, para mabalikan nyo yung remaining time nyo, hindi nyo basta iraright click tapos disconnect”, “sir eto po ang expiration nyan, pag nagamit at pag hindi nagamit” .. kahit paekis ekis na english, hindi ako nagsasawang ilitanya yan, actually lahat yang sinabi ko nakasulat naman sa papel na hawak nila pero parang pakiramdam ko pa rin meron akong obligasyon para mag dayalog ng ganun, dahil mahal ko ang trabaho ko, at sila ang bumubuhay sa pinagtatrabahuhan ko.. charing!
nabanggit ko ang lahat ng yan dahil gusto kong ikumpara sa mga saleslady/merchandiser
ng watson sa festival mall alabang, hindi ko alam kung mga kulang sa training na basta na lang sila isinabak dun o talagang mga wala lang silang pakialam sa mga customer nila,
dapat checkup ko kagabi, kaya lang di ko na inabutan yung duktor ko’ nagtext ako kay mrs. cabron na maggrocery na lang kami, sumunod na lang sila sa festival mall, habang hinihintay ko sila, punta muna ko ng watson, bumili ako ng liquid soap, kojie san acid soap, tsaka loofah, naaalala ko nakikipag ngitian pa sakin yung saleslady habang nakapila ako sa cashier, siguro iniisip nun “ang bakla naman nitong gagong to” .. ewan ko’
nagkita kami, nagikot saglit, naggrocery, kumain, .. paguwi ko sa bahay, pahinga ng konti at excited ng naligo.. liquid soap muna… gamit ng loofah.. tapos kojie san (sabi sa net magaling daw to) .. kuskos sa buong katawan.. babad sa mukha.. gamit ng loofah sa katawan.. gamit ng loofah sa mukha… babad ng konti.. banlaw.. tutbrush…
kinabukasan ang gaan ng pakiramdam ko, parang pakiramdam ko gumaan ako sa dami ng natanggal na banil sa katawan ko.. pag amoy ko sa braso ko.. hmmmmm ambango pa rin! paghaplos ko sa mukha.. tangena mahapdi!! pagtingin ko sa salamin, puro gasgas..
gusto kong bumalik sa watson ngayon at sikmuraan yung babaeng kausap at kangitian ko dun habang naghahalungkat ako ng loofah, obligasyon nyang sabihin sa mga customer na hindi ginagamit ang loofah sa mukha.. di naman ako tanga para kaskasin ang mukha ko nito kung nasabihan lang ako’ kulang sa aral ‘tong mga saleslady ng watson.. tsk’
kung ganyan na hindi nila pinapahalagahan ang mga customer nila, ibig sabihin hindi nila mahal ang trabaho nila, pag ganyan na hindi nila mahal ang trabaho nila, hindi imposible na magnakaw yang mga yan, tsk tsk tsk, mga magnanakaw!
tawa rin ng tawa si mrs. cabron kse alam nya naman pala na hindi kinukuskos sa mukha ito, walang kwentang asawa! hmmm ako lang ba ang hindi nakakaalam na di pwede sa mukha to? oo? masyado kayong matatalino!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “lufah”

  1. Bosing subukan punta sa tabing ilog maraming batong maganda dun. mas mainam ang Batong Panghilod kesa sa loofa. Tapos pag gagamitin mo ‘wag isang direkson lang ang hilod dapat pa ekis-ekis para pag lumabas ang gasgas kinabukasan, may patern.🙂

  2. nyahahahhaha!!!dun sa huling sinabi mo ako natawa lolz…di matatalino,common sense lang…matigas at maaligasgas ang loofah,at makinis at malambot naman ang mukha hehehehehe…

    dibale next time ang gamitin mo pangkuskos sa mukha,face towel na lang ok?…happy kuskusan…

  3. actually, kung gus2 u gamitin sa mukha yung bagong loofah, dip u sandali sa warm water na may onting lotion😀 o kung gus2 u ng malambot at di commercialized, magpabulok ka ng patola at paarawan, pag na2yo na, lublob sa warm water den whoallaaa..may home made loofah ka na😀

  4. Nyahahaha. Buti na lan ang aking dakilang ina, nasabihan kami. College na ko nang nalaman ko tong lufah na to, bato lan kasi gamit namin e. Sabi ni mama panghilod daw. E hindi naman namin hinihilod mukha namin kaya sa katawan lan namin sya ginamit. Dapat ata kinunsulta mo muna si Gng Cabron.

  5. mahapdi nga yun..di ko pa na-try kasi alam ko ang epekto nun. hehe! kung sinabihan ka ng saleslady na wag mo ipahid sa mukha yan..baka maging insulto pa ang dating sa customer. dapat kasi magkaron na ng commercial ang loofah eh…

  6. nakow, masakit talaga yan pag bagong-bago tapos ikikiskis sa mukha. mabuti pa po, hanap kayo ng robert green na exfoliating towel. pwede un sa katawan at mukha. mas magandang gamitin kesa sa loofah. pag wala kang mahanap na robert green, dun sa body shop meron.

  7. bad trip ako ngaun kasi bagsak ako sa test kanina, pero nung nabasa ko ung post mo atsaka ung mga comments tawa ako ng tawa. nyahaha!

    di ba dafat ang face mina-massage using ur fingertips tapos paikot ikot.
    nung dating gumamit ako ng lufs nagasgas kilikili ko. daig pa pimple sa hapdi. di na ako naghihilod mula nun. bahala ng magliparan ang mga libag.

  8. gumagamit kaya ako ng loofah sa mukha! di naman nagagagasgas makapal lang cguro mukha ko hehehe… napadaan lang pero minsan gumamit ako ng loofah pagbanlaw ko may dugo kala ko nosebleed. tigyawat lang pala pisa siyang bata siya! :grinnod:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s