isang mabilisang paraan para sirain ang isang masayang almusal

almu chow  late na ko gumising dahil off ko, ayoko pa sana dahil parang bitin pa yung higaan na makasiping ako, pero kailangan ko ng bumangon at maghanda para sa checkup ko mamaya, paglabas ko sakto lang dahil nakahanda na ang almusal,
sabi ko pa bago ako pumunta sa cr at maghilamos/sepilyo
wow’ almuchow grande.. diretso ako sa cr’
paglabas ko nakaikot na sila sa mesa’
1. gng. cabron – teh boss
2. yung pamangkin – dito muna samin nakatira dahil hinigop ng ibang bansa ang magulang nya
3. mrs. cabron – haaays’ kelan tayo ulit magmamahalan
4.  ang bunga ng aming pagmamahalan
5. at ang lola ko na bumisita kahapon at nakitulog’

.. masaya silang nagkukuwentuhan, umupo na ko sa upuan ko’ parang merong bday sa almusal:
1.  kape
2. itlog na may kamatis
3. chicken nuggets
4. pritong isda
5. bacon
6. salad
7. langgonisa
8. sinangag

bihira mangyari yan, kaya para na namang nakaharap sa gera ang pakiramdam ko na kailangang ubusin ko lahat ng nasa harapan ko..
masarap ang kainan, halos walang nagkukuwentuhan dahil lahat abala sa pagnguya ng napagdesisyunan ng lola ko na basagin ang katahimikan sa hindi malamang dahilan,
aalis na daw sya mamaya pero hahanapin nya muna yung ___stpd acrnym__ yun daw yung samahan ng mga senior citizen sa muntinlupa, may nakasabay daw kse sya na matanda sa jip na nagkuwento sa kanya, tinanong ni mrs. cabron kung ano daw meron?
ang sagot nya pagpupulong daw, para sa mga discounts siguro, ewan ko kung anong hangin ang pumasok sa kukote ko at naisipan kong magpatawa, “baka discounts sa sogo sa alabang” .. walang tumawa’ napatingin lola ko, inangat yung salamin nya, parang nabitin ako sa pagiging komedyante nung mga minutong yun, binigyan ko pa ng follow up, o baka kunyari lang pulong pero ipa firing squad na pala lahat kayo’ ..
tumayo ang lola ko, tumingin sa nanay ko, salamat daw sa almusal.. sabay kuha ng bag nya at labas ng bahay.. walkout queen! ang taray.. pagtingin ko kay mrs. cabron at sa nanay ko, halos pareho sila ng reaksyon, namumula yung mga mukha nilang nakatingin sakin, habang gulat naman na nakatulala yung dalawang bata.. anak ng baka’ anong sinabi ko? masama bang magbiro?!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “isang mabilisang paraan para sirain ang isang masayang almusal”

  1. I know how you feel, may di rin nakasakay sa “sense of humor” ko e.😛 Pang Saturday Night Live lang talaga tayo Cabron…

    Tsaka tuwing hihirit ka sa Lola mo parang may naririnig akong stand up comedy drumroll sa huli. Tugudug! Kaso walang tawanan. Hayyyy…

  2. ayan, naku sundan mo si lola. may naging ganyan din drama sa amin.. si lola naglayas kamo. pati sa radyo e hinanap namin, yun pala nagtago dun sa isang pamangkin at sinabihang wag maingay… sakit ng ulo namin nun. kaya ingats ka na kay lola😀

  3. hi!i’ve been reading your blog for the past weeks. natutuwa kasi ako sa mga posts mo. recommended ko talaga itong site na ‘to…matatawa ka kahit andaming problema sa mundo. masasabi ko lang..talagang ganyan ang mga oldies..di maka-gets ng joke!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s