t3h s1mps0nzzz

magdadalawang linggo na pero andito pa rin ang sakit.. ayoko na sanang magkwento tungkol dito pero dahil ito naman din ang dahilan kung bakit walang kulay ang buhay ko ngayon kaya walang mai entry, no choice na ko’
kinailangan ko ng pumasok sa opis, pagkatapos ng dalawang magkasunod na sick leave at isang lehitimong day off’ naaawa na rin ako dun sa reliever ko, nakakahiya na’
yan ang mahirap pag saktuhan lang kayo sa isang department, pag may sakit ka at kinakailangang magpahinga, nakakakunsesya din.. masakit pa rin ang likod ko at ang puson, pero tingin ko kailangan ko na ring pumasok, ayoko sa lahat na inaalagaan ang sakit, parang nabebeybi, at nawiwili pang tumambay sa katawan mo.
sa tuesday, dayoff ko ulit’ babalik ulit ako sa duktor and dun na magkakaalaman kung meron pa, demet’ di ko na alam ang kasunod pag lumabas na hindi pa rin nawawala yung kung anumang insekto sa loob ng puson ko’
nagiisip nga ako sa bus kahapon, taragis pano pag sinabi ng duktor na “sir, kainin nyo na lahat ng gusto nyong kainin, at gawin nyo na lahat ng gusto nyong gawin, at kung posible e mag celebrate na kayo ng valentines day sa january pa lang” .. haays’
naduwag din ako kahit papano habang iniisip ko yun, pero ano naman ang dapat kong ikatakot.. may asawa ako at anak, naranasan ko ng magdrugs, makulong, masaksak, mamakla este magsakla, manapak, masapak, madukutan ng celfone, manghablot ng sumbrero, makickout, magsummer graduate, ilang kilong babolgam na rin siguro ang nangunguya at nilunok ko buhat nung bata pa ko, he he hindi ako nagtatapon ng babolgum.. isa pa may trabaho ako, atleast bago ako namatay kung saka sakali e nagkaron naman ako ng pakinabang, at isa pa may pangalan na ako sa net at madaming kaibigan, sus sino ang natatakot mamatay pag ganun?
siguro nagtatanong kayo kung ano kinalaman ng pict sa kaliwa sa entry ko, iyan ang sumisimbulo ng pagmamahal at pagaaruga sakin ni mrs. cabron‘ ganto kse ang kwento,
nagtext sya sakin,

MRS. CABRON: late ako uuwi, OT
JON: sus! may sakit nga ako, tangena pera lang yan’
MRS. CABRON: e umabsent na nga ako kahapon e, nahihiya naman ako tumanggi
JON: letche! o sige, pero mamaya….
MRS. CABRON: hindot! tumigil ka, may nana ka pa! uuwian na lang kita, ano ba gusto mo?
JON: uwian mo ko ng asawang magmamahal sakin at magaaruga!
MRS. CABRON: pakyu!
JON: ge’ uwian mo na lang ako ng kahit na ano’
MRS CABRON: kk

… late sya umuwi, di ko na namalayan. kinabukasan, yang sticker na yan ang naka dikit sa whiteboard sa gilid ng workstation ko, simpsons family na kulay violet ang buhok ni marge at kulay orange ang nguso ni homer, wala na daw kseng mabilhan ng pasalubong at walang convenient store na nadaanan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “t3h s1mps0nzzz”

  1. bwahaha! wala lang. may naaalala lang ako sa ganyan klaseng palitan ng text.😆
    wish ko lang na sana tuluyan ng mawala ang NANA mo ng lumigaya ka sa mga susunod na araw.

    ==
    haysus’ maraming salamat, maru!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s