kailangan ko ng BJ

MAY TAMA KA!
utin
pwede namang kurikong sa kamay na lang o matinding balakubak, o hadhad sa singit, lourd naman bakit naman dun pa!? at sus! pano na ang inuman sessions ko nyan!! at isa pa binigyan mo lang lalo si mrs. cabron ng dahilan para tanggihan ako! grrrrrrr!
.. kailangan kong uminom ng dalawang litrong tubig sa isang araw at kailangan kong lumunok ng 189 pesos na isang pirasong gamot isang beses kada araw sa loob ng isang linggo, naisip ko lang na kung andito pa yung baklang naggugupit sakin dati hindi ko na kailangan ng litro litrong tubig at mamahaling gamot… BJ nya lang okei na’ isang katok ko lang sa glass window ng parlor nya kahit natutulog yun bibigyan ako ng BJ nun.. haaays’
bigla ko tuloy naalala nung huli kaming magkausap, paalis na sila nun, pinaalis kse ng MMDA yung parlor nya dito sa may amin, sagabal daw sa kalsada’ malungkot kami pareho.. may luha sa mga gilid ng mga mata nya, ako tapang tapangan parang wala lang pero hindi ko maitago ang mga lungkot sa mata ko, hindi ko mapigilan ang mga nginig sa boses ko na pinipilit kong takpan ng sunod sunod na buntung hininga,

CARMINA: o pano jon, aalis na ang vaklah
JON: tsk, pano yan sino na ang maggugupit sakin ngayon
CARMINA: gupit ba talaga jon o ang bj?
JON: … iba kse talaga ang bj mo, marami na rin akong natikman pero kakaiba ang iyo’
CARMINA: corrected by! iba talaga ang bj ko dahil may mga ibang eklavu yan

.. naputol na ang usapan namin dahil dumating na ang demolition team at nakipag batuhan pa sya ng pillbox sa mga iyon, ilang taon din ang lumipas ng nakita ko ulit sya, nasa isang sulok sya ng palengke, medyo nagkaidad na pero andun pa rin ang malalanding pilantik ng mga kamay, pero hindi ako nakalapit dahil may kasama syang dalawang babae at isang binatilyo at alam kong BJ nya lang ang habol ng mga iyon.. ayokong makaistorbo at isa pa hindi ako sigurado kung kilala nya pa ako, hanggang sa sikuhin na ko ni mrs cabron para lumakad na pauwi, tinanong nya ko kung sino ang tinitignan ko at sinabi ko na lang na wala, para kseng may nakita akong isang dating kaibigan.. habang papalayo kinuhanan ko na lang ng litrato sa celfone ko ang isang dating kaibigan na walastik sa BJ..

mananatili sa puso ko ang larawang ito

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

27 thoughts on “kailangan ko ng BJ”

  1. walanya ka Mr. Cabron wala ng boses yung tawa ko sa sobrang katatawa dito lol!!! hehehehe Buko Juice Amp!!! naku dapat nga dyan sa sakit mo e BJ…mag BJ ka ng mag BJ hanggang sa luminis ihi mo… ganyan din ako nung buntis ako e puro BJ din, tapos tong mama na suki ko kahit ba naman hindi na ko buntis e gusto pa rin akong bigyan BJ tuwing umaga..ano sya hilo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s