kwarentang kawirduhan

1. kalimitan sa mall, pag naglalakad ako at square square yung sementong nilalakaran ko, malaki ang posibilidad na para akong nagpi piko, laging sa loob lang ng square ako humahakbang.
2. pag nasa isang lugar ako na marami akong kasabay na naglalakad, otomatik na ginagawa kong joystick kunyari yung hinlalaki ko tapos kung san sya tumuro dun ako lumalakad, .. kailangan walang bunggo’
3. pag nanonood ako ng tv, tapos napag tripan kong mangulangot, siyento porsiyentong sa maliwanag na screen ng tv ko ibabato yung binilog ko.
4. pag nasa mataas akong lugar tapos tumingin ako sa baba, parang gusto kong tumalon’
5. pumipikit ako pag pinapatay ko yung ilaw pag gabi, para hindi manibago at hindi ako pansamantalang mabulag sa dilim’
6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko,
7. ginagamit kong mouthwash yung agua (yung bumubula sa sugat) subok na yun’ 24 hours no bad breath!
8. minsan pag nakikipag inuman ako, iniisip ko na gera kunyari yun tapos mga kalaban ko yung mga kainuman ko’
9. pag boring ang kainuman ko, text lang ako ng text.
10. kailangan kong uminom ng tubig at magyosi pag katapos ng anuhan
11. nung third year high school ako ang pangarap ko lang sa buhay maging tricycle driver
12. pag may gimik na kailangan ng long drive, umiinom ako ng dalawang imodium ng magkasabay, garantisado tatlong araw akong hindi mapapatae’
13. pag nakakakita ako ng pusa, lalo na pag nakasapatos ako, parang binubulungan ako ng pusa ng “halika jon, sipain mo ko”
14. nagmamakaawa ako sa diyos pag natatae ako sa delikadong lugar
15. pag hindi pa rin epektib, nagagalit ako at sinisisi ko sya dahil gusto nya kong ipahiya
16. pag may duda akong luka luka ang kasakay ko sa jip, sa sapin sa paa nya ko tumitingin
17. highschool na ko nung natuto akong dumighay, ewan ko kung bakit’
18. pakiramdam ko mahihimatay ako at bubula ang bibig ko, pag nagkamot ako ng singit at hindi ko inamoy’
19. yung kaliwang kilikili ko lang ang may anghit, pag nakalimutan ko maglagay ng deodorant.
20. naliligo ako pero hindi ako nagsesepilyo pag lasing ako
21. pag nakakapatay ako ng lamok, hindi pwedeng hindi ko durugin sa mga kamay ko yung bangkay nya, tapos aamuyin ko yung dugo’
22. nung teenager ako, wala ng tumatambay na butiki sa compound namin, naubos ko na lahat,
23. magaling akong manghuli ng butiki
24. bihira ako makasagad ng isang yosi, pag ako lang mag isa
25. hindi ako nawawalan ng yosi pag nagiinom, hindi ako nagiipit ng yosi sa ashtray’
26. malalaman mo pag lasing nako pag nagpatay ako ng yosi na kalahati pa lang ang nahihithit ko
27. mas nauuna ko mabusog sa alak kesa malasing
28. trip na trip ko magyosi sa harap ng salamin sa banyo, bago maligo
29. hindi ako nakakatulog ng nakatihaya
30. hindi ako nakakapag isip pag hindi ko kinukunot yung noo ko’
31. pag problema sa pc at hindi makuha sa simpleng kalikot ng utak lang, kailangan kong
tumayo muna.
32. lumayo ng konti sa pc, pero abot tanaw pa rin
33. punasan ang bibig ko ng kamay ko habang nakakunot ang noo ko
34. kukurut kurutin ang baba ko (chin tuleg!)
35. at aamuy amuyin ang kamay ko, para ganahan akong magisip’
36. ayoko ng inaapiran ako, naiilang ako
37. hindi mo ko mapapatayo sa isang lugar ng hindi ako kukuyakoy
38. ayokong nakikipag usap sa tatay ko sa telepono (long distance)
39. semi comatose ako pag may sipon ako
40. pag hawak ko yung nokia fone ko at walang magawa, nagtatype ako ng “san ka na” tapos buburahin ko din.

paunawa:

.. kung normal na tao ka dapat meron tayong atleast dalawang pagkakatulad sa mga kawirduhan na yan, kung hindi, sorry my friend.. malaki ang porsiyento na retarded ka,
pero imbento ko lang yang paunawa na yan kaya wag mo na lang pansinin..

bonus:
41. malikot ang utak ko, at mahilig akong maggagawa ng kung anu anong listahan na ganito pag wala akong maiblog.

..tnxbye’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

24 thoughts on “kwarentang kawirduhan”

  1. Ang dami nating pagkakapareho! Yey! Normal ako!😛

    Pero seriously, iba ka talaga kaibigan, pilit na ginagaya pero di nila kaya. Pag may nagsulat tungkol sa pangangailangan niyang amuyin din ang kamay niya pagkatapos kamutin ang singit niya, tiyak yun, ginagaya ka.😛

  2. 6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko,

    ~~hmmm matatakutin ka pala jon nung bata ka pa,, hahaha,hanggang nagyon din ba dilat na dilta parin mga mata kapag naliligo ka?hmm

    xiao!

  3. normal na tao ako, lampas sampu ata ang pagkakapareha natin, pero ang pinakaunang natawa talaga ako ay dahil dito:

    “1. kalimitan sa mall, pag naglalakad ako at square square yung sementong nilalakaran ko, malaki ang posibilidad na para akong nagpi piko, laging sa loob lang ng square ako humahakbang.”

    hanggang ngayon gawain ko ito. akala ko ako lang, hindi pala!😀

  4. 8. minsan pag nakikipag inuman ako, iniisip ko na gera kunyari yun tapos mga kalaban ko yung mga kainuman ko’

    13. pag nakakakita ako ng pusa, lalo na pag nakasapatos ako, parang binubulungan ako ng pusa ng “halika jon, sipain mo ko”

    normal ako. BWAHAHAHAHAAH!

  5. 1. kalimitan sa mall, pag naglalakad ako at square square yung sementong nilalakaran ko, malaki ang posibilidad na para akong nagpi piko, laging sa loob lang ng square ako humahakbang.

    6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko,

    —ako din.. mwahahaha..

  6. Isa lang ang medyo katulad ng sakin…

    6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko..

    yung sakin naman, feeling ko biglang may susulpot na MAMAW sa harap ko.. hehehe

  7. Yung #1 hanggang ngayon lagi ko pa ginagawa hahahahha!!!

    Yung sa agua effective ba?baka bibig ko naman ang bumula…

    21. pag nakakapatay ako ng lamok, hindi pwedeng hindi ko durugin sa mga kamay ko yung bangkay nya, tapos aamuyin ko yung dugo’
    — try mo to sa surot,mahihilo ka talaga hahaha!!!

  8. 6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko,

    Takot kase ako sa mumu! baka pag mulat ko may makita akong di kanais nais at bigla na lang akong magsisisigaw at lumabas ako ng banyo ng hubo’t hubad! haha!

    magppaalam na din ako! pa link sir jon ah!😀

  9. apir tayo sa namber wan mo… actually nagpipiko na talaga ako. ang tumapak sa linya yun ang talo… ayan, pati nga mga anak ko nahawa na rin e, hahaha… ang peborit ko dating playground na ganyan e sa megamall😀

  10. # 1, 2 – May pagka OC ka yata.
    # 3 – how gross, naalala ko yung pinsan ko ginagawa nya yan…sakto namang nasalo ng tyahin ko yung kulangot…hindi ng kamay ha, nasalo ng bibig. Waaaahhhhhh
    #4 – same here. Parang ansarap mag fly away





    Waaaaaaaaahhh…andami!! this is a fantastic post! Love it! Very true and naka relate ako sa iba. really love yer blog jon! Mamamatay ako kakatawa sa #18

    ==
    bwaha’ salamat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s